Chapter 14: A Secret Lies

21 0 0
                                    

Kathleen's POV

"Ang taray mo kanina ah?"

Napatingin agad ako sa aking likuran ng magsalita si Dwayne. Hindi ko alam na sinundan pala ako nito.

"Tss. Eh, sa nakakabwisit eh. Kung makaangking siya sayo parang pagmamay-ari ka niya", naiinis na sagot ko sa kanya.

Rinig ko naman ang mahinang tawa nito. For the first time, ngayon ko lang nasilayan ang magandang tawa at ngiti nito. Ang gwapo pala ni Dwayne, kung gwapo na siya sa pagiging emotionless nito mas nagiging gwapo pa talaga ito kapag tumatawa o kahit simpleng ngiti lang niya.

"You sounds like a jealous girlfriend", nakakalokong saad nito na agad naman napataas kilay ko sa sinabi niya. I look at him in disbelief, at dahan-dahan napakunot ang noo ko hanggang sa lumukot na ito.

Me? What the heck! Bakit naman ako magseselos? Wait, ako nagseselos? Aissh!

"What? Ako? Paano mo naman nasabi iyan? At bakit naman ako magseselos, ha?" Medyo pagalit na tanong ko sa kanya at saka ko ito sinipa sa binti.

"Ouch! Ano ba? I'm just asking because you sounds like it", ani nito sabay haplos nito sa nasaktan na binti.

"By the way, why are you here again? I know you have a reason why you're here", seryosong tanong ko sa kanya.

Naramdaman ko ang tingin nito sa akin kaya napatingin din ako sa kanya. Napakaseryoso ng mukha nito at magsasalita na sana ito ngunit bigla na lang kami napakilos ng may narinig kaming kaluskos dalawa.

"So, tama nga ang hinala ko. Nandito talaga kayong dalawa sa mundong ito. Magandang balita ito para sa prinsipe, at siguradong magiging masaya siya sa ipapasalubong ko sa kanya pagbalik ko sa Dark Kingdom. It's nice to see you again, Dwayne and Kathleen."

Agad kaming naghanda ni Dwayne. So, konpirmado nga na taga dark clan ito. She's good in hiding and disguising, hindi agad namin nahulaan at nakita na espiya pala siya ng kalaban.

"Tss. Napaka weak mo naman bilang isang taga dark clan, kunsabagay mahina naman talaga kayong mga tagadark clan. Ewan ko ba sa mga knights at aligaga sila sa presensiya mo where in fact, you're just an ordinary dark clan puppet and nothing special", nang-iinsultong saad ni Dwayne kay Vina. Yes,you read it right. Si Vina ang binabantayan ko at siya rin 'yong dahilan ng pagkalutang ko sa loob ng EMA at pagkasugat ko sa Glades of Forest. Yes si Vina ay espiya ng dark clan. Dwayne's right, magaling si Vina magpanggap pero mahina ito. Ewan ko din kung bakit siya ang pinadala ng taga dark clan at kung bakit ito binigay sa akin ng hari't reyna na mission. Yes, si Vina ang mission na pinunta ko dito sa mortal world.

"Weak? Hahaha nagpapatawa ka ba Dwayne? Kung mahina ako bakit naman ako pinapabantayan ng mga knights? Bakit pinapabantayan nila akong lahat sa inyong dalawa? Tsk tsk Dwayne Frost. You know what? Napakasayang mo kung bakit kapa sumali sa light clan na dapat ay sa amin ka sumama."

Nakakalokong saad nito habang nakatingin kay Dwayne ng kakaiba, na parang may gusto itong ipahiwatig sa lalaki.

"What do you mean, Vina? Ano ang gusto mong iparating ha?" Napakunot noo na tanong ni Dwayne kay Vina.

"Tsk, tsk. Kawawang Kathleen Eun. Soon my dear, matutuklasan niyo din at malalaman ang ibig kong sabihin. For now, enjoy your bonding with him baka bukas o makalawa, magiging magkaaway na pala kayong dalawa. Hahahaha"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Elementansia Magical Academy: The Elemental Keeper (On-Going) [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon