Chapter 4: The Ritual

262 11 2
                                    

(Damian Scott)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Damian Scott)





Kathleen's POV

"Kinakabahan na ako." Usal ni Xaynah habang kinukuskos nito ang dalawang palad nito. Ramdam ko ang kaba ng bawat isa sa amin, alam ko dahil ako rin mismo ay kinakabahan sa mangyayari sa amin. Marami kaming makasama sa ritual na gagawin. Nandito na kami ngayon sa bukana ng kagubatan at hinihintay na lang ang apat na knight, ganun na rin ang reyna at hari. "Hello students!" Napalingon kaming lahat sa aming likuran ng magsalita si knight Zera ang knight ng fire. Nandito ang apat na knight sa pangunguna ni mama si knight Tanya ng Air, knight Annica ng water, knight Zera ng fire at knight Jiro ng earth. Nasa likod nito ang Hari't Reyna kasama ang prinsipe at ang kapatid ko na naging general. Nagsiyukuan kaming lahat sa mga bagoh dating tanda ng paggalang namin. "Okay, students of Elementansia Magical Academy, I know some of you are afraid, worried or some of you are excited. Gusto ko lang sabihin sa inyo na ang ritual na gagawin ay hindi basta-basta madali at napakahirap. Sana lakasan niyo ang mga loob niyo." Seryosong paalala sa amin ni knight Jiro, naramdaman ko naman ang pagkapit ng katabi ko na si Xue at Xaynah. Alam ko na kinakabahan ito lalo sa sinabi ni knight Jiro.


Binuksan na ni knight Zera ang barrier na inilagay sa bukana ng kagubatan para makapasok na kami sa loob ng kagubatan. Nagsimula na kaming pumasok sa loob ng gubat sa pangunguna ni knight Jiro at knight Annica. "Ang gwapo naman ni knight Jiro, may asawa na ba siya?" Tanong babae na nasa unahan namin, kinikilig pa itong tinatanong sa kasama niya. "Ang sabi daw, may anak daw siya na lalaki ngunit hindi niya alam kung nasaan ito ngayon, ang sabi pa daw, ang asawa nito ay namatay o mas mainam na sabihin pinatay ng mga tagadark clan dahil sa kapangyarihan taglay nito." Nacurios ako sa pinag-uusapan nito tungkol sa knight ng earth. Namatay na ang asawa nito at nawawala ang kanyang anak? Nasaan na kaya ang kanyang anak, buhay pa ba ito o namatay na rin? Sa sobrang kakaisip ko tungkol sa anak ni knight Jiro ay hindi ko napansin ang isang pader este isang likod ng tao sa harapan ko kaya nabangga ako dito. "Ouch!" Mahinang sambit ko sabay hilot ng aking ilong. Masamang binalingan ko naman ay taong nagmamay-ari ng likod na nabangga ko ng pag-angat ko ay isang walang emosyong Dwayne ang humarap sa akin. Napaatras ako ng isang hakbang dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. "Tss." Sambit ko at saka lalagpasan na sana ito ng pigilan ako nito sa braso. Tiningnan ako nito ng nakakunot noo samantalang ako naman ay blankong mukha. "Tss. Siya nga namangga, siya pa may ganang magalit. Kakaiba, kung saan-saan kasi ang isip." Usal nito sabay tinalikuran ako. Napanganga na lang ako sa inasal at sinabi nito.

'Anong problema ng lalaking yon? Ay, ewan, baliw yata.'

"Ikaw ang baliw, oy! Isara mo yan baka mapasukan ng gagamba." Nakangrin na usal ni Mika sabay hawak nito sa baba ko, masamang tingin naman pinukol ko sa kanya at aba ang bruha tinawanan lang ako at sinama pa ang dalawa. "Hindi ko baliw, psh." Inis na sabi ko kay Mika, binelatan lang ako nito saka sila nagtawanang tatlo. "Hindi ka baliw, inlove lang ba?" Nagulat ako sa paglapit ni Damian sa gilid ko at binulong ang mga katagang iyon. Agad ko naman siya hinampas ng tudo sa balikat. Inaasar ba ako ng apat na ito? "Asar!" Asar na ani ko sabay una sa kanilang dalawa, dahil sa pagkakaasar ko sa kanilang apat muntik na ako matumba dahil sa isang madulas na bagay na aking natapakan, napasigaw ako. "Waahhh!" Napatingin ang lahat sa akin, ipinikit ko na lang aking mga mata at hinintay ang lupa na dadampi sa likod ko ngunit dalawang minuto na ang lumipas hindi ko pa rin naramdaman ang paglapat ng likod ko sa matigas na lupa. Nanatiling nakapikit pa rin ako. "Damn it! Open your eyes, Kathleen. Ang bigat mo." Napamulat ako sa isang baritonong tinig na nagsalita. Sa di inaasahan ay mas nadulas pa ang isang paa ko ng akmabg tatayo na ako at mas nanlaki aking mga mata ng daganan ko si Dwayne bigla kasi nito siniswitch ang position namin. Nakita ko ang pag-iba ng expression ng mukha nito na parang nasasaktan. Nahihiyang napaangat ako ng mukha sa mga nandoon at halos nakatanggap ako ng death stare mula sa mga kababaihan, habang ang apat naming kaibigan ayon, hindi na maipinta sa sobra kakatawa at sumali pa talaga ang magaling kong kapatid at ang prinsipe. Kainis. "I'm sorry." Walang emosyong saad ko sa kanya, napatingin lang ito sa akin. Agad naman akong tumayo ngunit muling napaupo ng maramdaman ko ang pagkirot ng ankle ko.

Elementansia Magical Academy: The Elemental Keeper (On-Going) [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon