"Oy, Lhia, may boyfriend ka pala? Nagpunta pa talaga kayo rito sa uni para lang makipagdate," nakangiting sabi sa'kin no'ng isa sa kanila.


Napakunot noo ako sa sinabi nito, "Ano'ng boyfriend? Ano'ng date?" naguguluhang tanong ko rito.


Hinarap sa'kin nito ang screen ng cellphone niya. Pinasingkit ko ang mata ko habang nakatitig dito.


"Hindi ko naman makita," tumayo ako para mas makita ko ang pinapakita nito.


"Kuhanin mo para mas makita mo," inabot sa'kin nito ang cellphone niya na kinuha ko naman.


"Shemay," 'yon lang ang nasabi ko nang makita ko ang tinutukoy nito.


Naramdaman ko ang presensya ng mga kaibigan ko sa may likuran ko. Ipinatong pa nga ni Jade ang baba niya sa may balikat ko. Tinignan din ng mga 'to 'yong ipinakita sa'kin ng kaklase namin.


"Si Ian ba 'yan?" tinap pa ni Shei 'yong screen para lumaki 'yong mga picture.


Napabuntong hininga na lang ako sa mga litrato naming magkasamang dalawa.


"Beh, nabiktima ka ng SMU Shot," pag-aanunsyo ni Jade.


Ang SMU Shot ay isang page na ginawa ng ilang estudyante ng St. Marcel. No'ng bago pa lang 'yong page, puro stolen shots ng mga random na estudyante lang ang pinopost nila. Nalaman namin 'yong page na 'to kasi may kaklase kaming nakuhanan nito ng picture. Ilang buwang naging inactive 'yong page hanggang sa naging active ulit nitong sem lang na 'to.


Hindi tulad dati na puro random stolen shots lang, nag-po-post na rin ng ibang school details 'yong page. Confessions, random student stories, announcements, may iilan pa ring stolen shots pero mas naging student friendly kumpara noon.


Ang tinitignan namin ngayon ay may tag na [#StolenShot]. May kasama itong maiksing caption na nanggaling sa unknown sender.



[#StolenShot]

Sana all? S A N A A L L ! ! !

Sender:

xxx

BSBA-Management



May kasamang tatlong litrato 'yong post. Una, 'yong magkasunod kaming naglalakad ni Ian. Hawak niya sa isang kamay niya 'yong mga cup ng street food habang nakahawak naman sa balikat ko 'yong isang kamay. Pangalawa, magkasabay na kaming naglalakad at sinusubuan niya ko. At pangatlo, inilapit ko rito ang isa sa mga shake na hawak ko para makainom siya.


Hayup. Sino ba ang kumuha nito?


"Sweet niyo naman," siniko ko si Anne na nakatayo sa may gilid ko.


Ibinalik ko sa kaklase namin 'yong cellphone na hawak ko. Napaatras pa si Jade dahil sa pagkilos ko. "Wala lang 'yan," iyon lang ang sinabi ko bago ako bumalik sa upuan ko.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now