MAFIA's 23 (EPILOGUE)

18.1K 716 124
                                    


•JEORGI CHOU•

Papa! pogi naba ako? -tanong ng anak kong si DanLourd na kakapasok lang na hindi pa naka sapatos.

kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sout niyang maroon na tuxedo na napaka cute niyang tignan.

oo naman baby! kasing pogi mo si Daddy mo! -sabi ko sa kanya at saka siya binuhat.

sana talaga hindi maging chickboy ang anak kong to paglaki o di kaya ay wag na lang tumulad sa ama niyang baliw.

tatlong buwan na din pala ang nakakalipas at ngayon araw ay ang tinakdang kasal naming dalawa. at magiging ganap na Salvastone nako.

at sa tatlong buwan na yun ay ayaw niya ng humiwalay sa tabi ko kaya pati sa pagpasok niya sa trabaho, ay kasama ako pati ang mga anak namin. at saka mas lalo din siyang nagiging seloso at bognutin.

pati nadin ang mga anak namin mas lalo ng kumukulit at nagiging pasaway lalo na si Jeorios na mukhang nagmana sa kakulitan ng ama niya.

kaya naman lagi kong  pinapagalitan si Lourdemios, pero hindi niya ako pinapansin bagkus ay humihirit lang siya ng halik sa akin.

at hindi din naman maiiwasan don yun may mangyare sa ulit sa aming dalawa, kaya naman hanggang ngayon sumasakit pa din ang likod ko dahil hindi niya ako pinatulog nong nakaraang araw, bago kami lumipad dito sa Canada para mag pakasal.

at wala na din palang kasiguraduhan kung may mabubuo pa ulit kami, dahil sabi kasi ng doktor noon ay na nakaapekto daw yung sakit ko sa katawan ko. kaya 30 percent na lang ang chance na may mabuo pa kami.

kaya nakaka lungkot!

Handa ka naba apo? -tanong sa akin ni lola na kakapasok lang din, kasama ni lolo na buhat buhat pa si Jeorios na kumakain ng Cotton candy.

Handang handa na po! -nakangiting sabi ko, at saka ibinaba ko muna si DanLourd at hinalikan sila lola at lolo pareho sa pisnge.

Maraming salamat po kung di dahil sa inyo baka wala na ako! -sabi ko.

walang anuman apo! masaya kami dahil nakabawi kami sayo kahit hindi na sa papa mo! -naiiyak na sabi niya.

ohh siya hali na nga kayong mag lola baka mag iyakan pa tayo dito at hindi na matuloy ang kasal! -biro ni lolo sa amin habang nagpupunas din ng luha.

————
kalahating oras din ang ginugol namin sa biyahe bago makarating sa Simbahan nato!

habang papunta kami sa harap ng simbahan ay isang pamilyar na mukha agad ang nakita ko na nakangiti. kaya naman ngumite din ako sa kanya.

Congrats Friend! -salubong agad sa akin ni Safiro at saka ako niyakap, habang nan dito kami sa pinto simbahan kasama ang asawa niyang si Heneral Montesalve.

Salamat Safiro! -nahihiyang sabi ko, kaya naman kinurot niya ang mukha ko at saka nagpaalam para pumasok na.

sayang lang talaga at wala si Jailee dito sa kasal ko, dahil hanggang ngayon kasi ay wala pa din kaming balita sa kanya.

Tara na apo! -sabi ni lola at sabay hila sa akin papasok ng simbahan.

kaya naman hindi ko maiwasan mamangha at mapanganga ng pagkapasok namin sa loob, dahil sa napaka gandang ayos nito. samahan mo pa ng mga ibat-ibang uri ng bulaklak na nasa itaas ng kisame ng simbahan na nagmukha garden wedding ang style.

at red carpet na punong puno ng mga white rose petals na nakakalat papunta sa altar. kung saan nakita ko ang naka abang na si lourdemios sa akin.

kaya naman ngumiti ako sa kanya at kumaway! at unti unti na ding pumatak ang luhang nanggaling sa mga mata ko.

✔️DMS1: RUNAWAY TO THE DEMON MAFIA's BOSS (•BxB•) Where stories live. Discover now