MAFIA's 12

15.9K 683 78
                                    

<JEORGI CHOU POV>

umakyat ka pa! gusto ko pa ng mangga! -sabi ko habang kinakagat yung huling mangga na binili niya.

what! di ka pa nabusog sa tatlong kilo na inakyat ko! -pasigaw na sabi niya na ikinagulat ko. kaya naman bigla na naman nagbago yung mood at bigla bigla akong naiyak.

huhuhu bakit mo ako sinisigawan! -umiiyak na sabi ko sa kanya.

kaya naman agad siyang naranta at hindi alam kung paano ang gagawin.

shhhhhsss okay okay aakyat na uli ako at kukuha ng maraming mangga mo! -pagpapatahan niya sa akin habang nakayakap, kaya naman biglang nagliwanag yung mga mukha.

sige akyat kana dalian mo nagugutom pa kami nila baby! -parang bata na sabi ko sa kanya.habang itinutulak tulak ko pa siya at nakita ko pa iyong nakabusangot. kaya naman diko maiwasang mapahigikgik ng mahina sa itsura niya.

tatlong buwan na rin pala akong buntis, tas simula ng malaman namin na buntis ako tuwang tuwa ang loko non. tas lagi na niya akong isinasama sa company niya para daw mabantayan niya daw kami nila baby. tas kahit buntis ako di parin siya tumitigil sa kahalayan niya gusto niya daw maging kambal o triplets yung anak namin katulad ni Safiro. nagulat nga ako non na triplets agad, diko alam na ganun pala katindi yung asawa niyang heneral.

________________________________
Flashback.....

habang kumukuha ako ng maiinom sa ref ay bigla akong nakaramdam ng paghihina at pagkahil at higit sa lahat ay ang pagkirot ng puso ko, kaya naman di ko sinasadyang nabitawan ang hawak kong pitchel na sanhi ng pagkabasag nito at unti unti ding pagkatumba ko sa sahig.

habang pagpikit ko ng mata ay nakita ko pa si lourdemios na tumatakbong papunta sa akin na kakadating lang galing trabaho.

fuck! honey anong nangyare sayo gumising ka please! -huling narinig ko sa kanya habang buhat buhat akong umiiyak.

———
Nagising na lang ako sa loob ng isang puting silid habang nakita kong nakadukdok si lourdemios ko sa tabi na halata ang pagod kaya naman diko maiwasang maawa dito at ilang saglit pa ay naalimpungatan ito at bahagyang nanlaki yung mata niya habang nakatingin sa akin. kaya naman dali dali itong tumayo.

anong masakit sayo? nagugutom kana ba? ayos ka lang ba? -natatarantang tanong niya habang hinahalik halikan yung kamay ko. habang umiiyak.

bakit ka umiiyak! -nakangiting tanong ko sa kanya habang pinupunasan gamit ng mga daliri ko ang luhang bumabagsak sa mata niya.

akala ko kasi mawawala ka na sa akin! -umiiyak na sabi niya habang nakayuko.

kaya naman diko maiwasang maiyak dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganito ulit simula ng mamatay ang magulang, yung nakaramdam ng pag aalaga, pagmamahal, pag iingat at higit sa lahat yung pakiramdam na may taong ayaw kang mawala.

kaya naman bumangon ako at bigla ko siyang niyakap ng mahigpit na tinugunan din naman niya ng yakap.

salamat! -bulong ko sa kanya.

pero ilang saglit pa ay bigla kaming napabitaw sa yakapan ng biglang pumasok yung doctor.

ehem! -basag ng doctor nakakapasok lang.

ano po ang lagay ng asawa ko Doktora? may sakit po ba siya? -sunod sunod na tanong niya sa doctor.

congratulation Mr. Salvastone because your husband is 3 weeks pregnant! -nakangiting sabi ng doctora na siya rin umasika sa akin non nong nalaman namin carriers ako.

✔️DMS1: RUNAWAY TO THE DEMON MAFIA's BOSS (•BxB•) Where stories live. Discover now