MAFIA's 16

11.7K 576 14
                                    

<LOURDEMIOS SALVASTONE POV>

hahahaha himala yata at niluluhuran na ako ng demonyong mafia boss ngayon! -natatawang sigaw ni hugo sa akin na nakangising nakatingin sa asawa ko na walang malay habang buhat buhat kong nakaupo dito sa lapag.

Hayop ka Hugo anong ginagawa mo sa akin? bakit hindi ko magalaw ang mga paa ko! -galit na sigaw ko habang pinipilit na tumayo kaso hindi ko kaya parang buong ng paa ko ay nanlambot.

hahaha chill ka lang jan men! binaril lang kita ng pampamanhid at mamaya mawawala na din yan! pero bago lahat ng yun kukunin ko muna ang ipinunta ko dito. -nakangiting sabi niya habang papalapit sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.

hayop sabihin mo na kung anong pinunta mo dito kung ayaw mong pasabugin ko yang ulo mo! -nanggagalaiting sigaw ko sa kanya pero nginisian niya lang ako na parang nanloloko.

pano kung sabihin ko sayo na yang karga karga mo ang kailangan ko! -saad niya habang nakatitig kay jeorgi.

at saka siya yumuko at akmang kumunin niya na sana sa akin ng bigla ko siyang duraan sa mukha.

hayop ka dimo siya makukuha sa akin! -galiw na sigaw ko sa kanyang mukha habang mahigpit na nakayakap sa katawan ni jeorgi.

hahaha jan ka nagkakamali! dahil wala ng magagawa, ni pagtayo nga hirap na hirap ka hahahhaa at saka wala na ring tutulong sayo dahil lahat ng tauhan mo ay tulog na pati mga magulang mo hahahha! -natatawang sigaw niya saka ako binigyan ng malakas na sapak sa mukha kaya naman napabitaw ako sa pagkakayakap kay jeorgi.

hawakan niyo ang gagung yan! -utos niya sa mga tauhan niya na pumunta sa akin sa likod at sabay hinawakan ang kamay kong nagpupumiglas. at sabay buhat niya kay jeorgi palayo sa akin.

tang ina m* bitawan mo yang asawa ko! papatayin kita! -nag pupumiglas na sigaw ko pero nginisian niya lang ako at saka tumalikod at lumakad palayo sa akin.

hayop ka! hayop ka! ibalik mo sa akin yang asawa ko aaaahhhhhhhh! -nawawalang sigaw ko habang nagpupumiglas ang mga kamay ko.

pero ilang sandali ay bigla may tumusok na naman sa leeg ko na nagpalambot akin. kaya naman napa higa ako sa sahig dahil halos buong katawan ko na ngayon ay hindi ko na maigalaw.

kaya naman di ko maiwasang mapuluha habang nakatingin sa asawa kong buhat buhat ng gagung si hugo na walang malay na papalayo sa akin.

babawiin kita honey! at sisiguraduhin kong papatayin kita hugo! -nanghihinang sabi ko bago ako lamunin na ng dilim.






————————————————————————
<JEORGI CHOU POV>

nagising ako sa pagkakatulog dahil sa isang dahon na bumaba sa aking pisnge kaya naman sa pagdilat ko ay nakita ko isang ang magandang tanawin na napapalibutan ng magagandang bulaklak na sa tanang buhay ko lang nakita.

kaya naman sa mangha ko ay tumayo sa pagkakahiga dito sa isang punong kahoy upang mas lalong pagmasdan ang magandang lugar na to.

kaya sa aking paglalakad ay wala man lang akong makita ni isang tao dito sa mapayapang lugar to na siyang ipinagtaka ko.

kaya naman bahagya akong napapikit dahil sa masarap na ihip ng hangin na tumatama sa aking mukha. dito sa isang maluwang na harden na puno ng mga ibat ibang klaseng bulaklak.

ilang saglit pa sa aking pagpikit ay may pumasok sa aking isipan na isang pangyayare at ang pangyayareng yun ay ang sunod sunod na putok na narinig ko at ang pagkawala ko ng malay habang nakatinging nakangise sa akin ang pamilyar na lalaki.

hindi kaya patay na ako at itong lugar na to ang tinatawag nilang langit, pero kung langit ito bakit wala akong makita ni isang anghel dito.

kaya naman sa paglalakad ko ay may nakita akong dalawang bulto ng taong nakaputi tulad ko na nakatingin sa akin sa malayo. kaya naman umusbong ang kaba ko na hindi ko malaman kung anong dahilan.

sa unti unti kong paglalakad papunta sa kanila ay bigla akong naluha dahil hindi ko inaasahan na sa ganitong lugar ko makikita ang dalawang taong matagal ko ng gustong mayakap at makita at ito ang mga magulang ko. na ikinahinto at ikinatulala ko pa.

hindi mo man pang ba kami yayakapin ng mommy mo baby! -nakangiting sabi ni daddy sa akin habang nakabuka ang mga kamay.

kaya naman hindi na nag-untabilin sa sobrang galak ko ay agad tumakbo akong papunta sa kanila na halos madapa-dapa pa ako sa pagtakbo habang nakabuka ang mga kamay na handa na silang yakapin ng mahigpit, habang walang tigil na umaagos ang mga luha ko sa aking mga mata na halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko.

habang sa pagtakbo ko ay bigla akong nadapa na siyang ikinaluhod ko habang malakas na umiiyak na parang isang batang paslit.

hindi ako makapaniwala na sa makikita ko na sila. hindi ako makapaniwala na mahahagkan kong muli ang aking mga magulang na hindi ko alam kung totoo ba ito o isang panaginip lang ito. pero kung panaginip man ito ay ayaw ko munang magising gusto ko muna silang makasama kahit sandali lang.

ano ba yan anak bakit hindi ka man lang nag iingat baka mapano yang apo namin! -saad ni mommy habang tinitulukan akong makatayo sa pagkakadapa.

kaya naman sa pagkatayo ko ay bigla ko siyang niyakap ng mahigpit na ayaw ko ng pakawalan ganun din siya akin.

mommy! i miss you! -umiiyak na sabi ko sa kanya habang nakasubsob sa dibdib niya.

I miss you too din baby! -balik na sabi niya at saka niya ipinaharap ang mukha ko sa kanya at saka niya ako hinalikan sa noo na siya namang nilasap ko.

Si daddy ba hindi mo man lang yayakapin baby ko! -nakangiting sabi ni daddy sa tabi ni mommy habang may butil pa ng luha ang kanyang mga mata.

kaya naman kumalas ako sa pagkakayap kay mommy at pumunta kay daddy at saka ito niyakap ng mahigpit.

I miss you baby! -saad ni daddy habang hinahalik halikan ang tuktok ng ulo ko. kaya naman mas napahagulgol ko sa iyak dahil naramdaman ko naman ang halik na yun na matagal ko ng hinahanap.

tahan na baby! kailangan mo ng umalis dito bago ka pa pagsaraduhan! -nakangiting sabi ni daddy habang pinupunasan luhang dumadaloy sa aking mata na ayaw pang tumigil.

pwede bang dito muna ako! -humihikbing sabi ko. na siya naman ikinailing niya.

gugustuhin ko man baby! pero hindi pa pwede eh! ayaw mo bang makita ng mga apo ko ang mundo kung saan sila unang nabuo! -saad ni daddy habang patuloy parin naka hawak sa pisnge ko. kaya naman umiiling ako bilang sagot sa kanya.

shhhhhh! tahan na anak wag kang mag alala makikita mo pa naman kami ng mommy mo, hindi ko lang alam kung kailan pero alam kong malapit na! kaya sana lumaban ka at magpakatatag ka para sa magiging pamilya mo, at masaya ako dahil natupad na ang matagal ko ng hinihiling dati. -makahulugang sabi ni daddy. at saka ako niyakap ng mahigpit ganun din si mommy sa likod ko.

mahal na mahal ka namin anak! -huling sabi nila at saka sila unti unting naglaho habang nakangiti sa akin.

I WISH HEAVEN HAD VISITING HOURS! -bulong ko bago ako magising sa aking panaginip.




————————————————————————
"It's Hard to forget Someone who gave you so much to remember"

Kung gusto niyo po ng kaibigan at kausap araw araw! im here lang add niyo ako sa Facebook hahaha 😂

Please don't forget to vote 🙂
ciao!!!

✔️DMS1: RUNAWAY TO THE DEMON MAFIA's BOSS (•BxB•) Where stories live. Discover now