Chapter 7

30 3 23
                                    

Christine Acosta

“Sinabi ko naman sayo diba na hindi ko kayang baliwalain ang nakaraan. Lalo pa at nandito ka muli ngayon sa harapan ko”

Nagkatitigan lamang kami at wala ni isang nagsalita saamin.

“Stand by na po tayong lahat!”
Sigaw ng camera man.

Tumalikod si Leandro at naglakad patungo sa gitna kung saan dapat siya umupo.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil nanghina yata ang mga tuhod ko.

“Wake up Christine! Work! Work! Work!” Tinapik ko ng mahina ang magkabilaang pisngi ko.

“Christine paki ayos naman yung mike ni Mr. Lim” Saad ni Lily.

Lumapit ako kay leandro at inayos ang mike na nakakabit sa polo niya upang hindi ito Makita sa Camera.

Yumuko ako ng kaunti upang pumantay sa lebel niya dahil hindi man lang siya tumayo para maayos ito agad.

Naamoy ko tuloy yung pabango niya at napangiti ako dahil hindi parin pala siya nagpapalit ng perfume from 8 years ago.

“Why are you smiling like a monkey?”

Natauhan ako ng magsalita siya.

Teka kanina pa ba siya nakatitig ng ganyan saakin?

"I just remembered something"


“Ako na diyan” Tinulak ako ni Jane dahilan upang mapa atras ako. 

Nakakagulat ang inasta niya pero hinayaan ko nalang siya at minabuting bumalik sa aking pwesto.

Nagsimula na ang interview, mabuti nalang at straight to the point ang mga sagot ni Leandro kaya mabilis ang naging usad nito.

“Can you share us how did this Hotel change your life?”

Ngumiti si Leandro sa tanong ni Lily na iyon.

“This is my Life support”

Kununot ang noo ni Lily dahil sa sagot niya.

“Life support?”

Tumango si Leandro upang kumpirmahin ang kanyang sagot.

“I never thought that I will be running a hotel now, because the only dream I had before was to marry the woman I love. Unfortunately, she left me and I was good as dead back then”

Nagsimulang magbulungan halos lahat ng tao na nasa set.

Ayaw kong mag assume pero malakas ang kutob ko na ako ang tiinutukoy niyang babae sa kwento niya.

“It feels like I’m dying because of that heartbreak but then I tried to keep myself busy from running this hotel. For a while, I forgot about her and was able to breathe from time to time, that’s why I call this my life support”

Nakikita ko na nasaktan siya subalit mas nangingibabaw ang galit sa mga mata niya.

“She left me without any explanation that’s why until now, I’m living from the past because I haven’t found the answer to that question."

Sa pagkakataong ito, nakatingin na siya ng deretsyo sa mga mata ko.

“Why did she leave me after turning my whole world up side down?”

Halo ang mga emosyon na nararamdaman  ko aking loob subalit nangingibabaw ang galit rito.

Bakit parang binabaliktad niya ako?

“Wow, we never knew that Mr.Lim has a deep story. Well let’s lighten up the mood  and move on to the next questi---”

“No. I refuse to move on not until I hear the answer to that question”

Hindi ko inaasahan nang bigla akong ituro ni Leandro.

“Answer me, why do you think that woman left me just like that?”

Lahat ng atensyon saakin na nakatuon ngayon, maging ang camera na dapat sakanya lang nakatutok ay nakatapat na rin saakin.

Why does he have to be like this? Bakit ba hindi niya nalang ako hayaang makatrabaho siya ng mapayapa?

I hate this. I really do.

It took me few minutes bago nakapagsalita dahil pinakalma ko muna ang aking puso .


“Hindi mo ba naisip na baka ikaw lang din ang makakasagot sa katanungan na iyan? Maybe you are just too blinded by your pain that’s why you can’t see that the answer your looking for is right there.”

Itinuro ko ang kanyang dibdib.

“And don’t jump in to conclusions because I think that you might be the one who turned her world upside down.”

I bit my lower lips to keep it from trembling. Wala siyang karapatan na sisihin ako sa mga bagay na siya ang sumira.

Gusto kong umalis pero pinili kong manatili roon, gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi na ako apektado sa kanya.

“Cut!”  sigaw ni Jane.

“It’s already 10 o’clock. I’m sorry guys but Mr. Lim have to go in his next appointment” Dagdag pa niya.


Tumalikod ako upang tulungan ang mga kasamahan ko na nagsisimula nang magligpit ng equipments.

I need to focus on my work! Hindi ako pwedeng umatras just because I feel uncomfortable now, ginagawa ko ito para sa pangarap ko at kay Khrystal kaya titiisin ko nalang.

Dibale isang buwan lang naman.

Biglang may humigit sa kapulsuhan ko at dinala ako sa silid na bakante katabi lang ng silid na kinaroroonan ng team.

“Anong ibig mong sabihin kanina?”

Bakas sa mata niya na gulong-gulo siya sa oras na ito.

“I told you, the answers your looking for can be found here” Itinuro ko nanaman ang kanyang dibdib subalit hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

Mabilis ko ito ng binawi.

"Please don’t act without thinking Leandro. I don’t want to give anyone the wrong idea  about us kaya sana ito na ang huling pagkakataon na gagawin mo ito."

Gusto kong maintindihan niya na wala na akong ibang hinihiling kundi ang cooperasyon niya.

"Stop crossing the line to provoke me. You just keep on making me hate you more." Mariin sa saad ko.

Naglakad ako palayo sakanya at buong puso kong ipinag darasal na hindi niya na babanghitin sa harapan ko ang kahit ano na konektado sa aming masakit na nakaraan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Hate and Love AgainWhere stories live. Discover now