Chapter 4

154 29 27
                                    


Leandro Sanches

Wala akong naintindihan sa Presentation nung pumalit kay Christine dahil lumilipad ang utak ko.

Mas importante ba talaga yung lakad niya kaya umalis siya ng di man lang ako nakakausap?

Pero kung sabagay doon naman talaga siya magaling, ang mang-iwan nalang ng basta-basta.

"What can you say about it, Mr. Lim?" Tanong ng babae.

"You see, the idea is good but sad to say I'm not interested in-"

"Sir, please give us a chance to work with you."

Hindi naman talaga ako interesado sa mga magazine company lalo pa at hindi maganda ang imahe ng kumpanyang ito.

"There are many hotels here in Baguio for you to choose from, so I guess it wont be a problem If I will turn down your proposal"

Isa pa nangako rin ako sa aking sarili kagabi na babalewalain ko ang lahat ng tungkol kay Christine.

"We already gave up on other hotels because Christine Acosta said that we can convince you"

Natawa ako bigla.

Sinabi niya talaga iyon? Oh wow, I can't reach the level of her confidence.

"What made her think that?" Tanong ko.

"Maybe her dreams" Nakangiti na tugon niya.

"She is full of confidence and hopes because this project means a lot to her. " She added.

Dahil lamang sa sinabi ng babaeng ito, mukhang magiging taksil nanaman ako sa mga pangako ko sa aking sarili.

Ibig bang sabihin nito kailangan talaga ako ni Chriatine ngayon?

"I-I'll reconsider it. Pero ko na mismo ang magsasabi ng aking final desisyon kay Miss Acosta dahil ahm-- basta sakanya ko sasabihin yung decision ko".

Lumiwanag ang mukha ng babae na mukhang  boss ni Christine.

"Thank you so much Mr. Lim"

"By the way, please tell her to meet me at Star Café, 7pm sharp" saad ko bago naglakad palabas sa silid na iyon.




Alas sais palamang, naghihintay na ako sa labas ng Café.

Lahat ng pumapasok at lumalabas sa rito ay halos titigan ko ng mabuti upang kumpirmahin kung si Christine ba ito o hindi.

Pagkaraan ng halos isang oras, nakita ko siya na papasok roon bitbit ang mga pinamili niya at may kasamang bata. Hindi ko sigurado kung pinsan niya ba ito o kapatid niya dahil magkahawig sila.

Naghintay muna ako ng ilan pang minute bago pumasok sa loob at dahil sa pagmamadali ko, natapunan ako ng inumin.

"I'm so sorry po hindi ko sinasadya" saad ng isang bata na mukhang nasa pitong taong gulang. Teka? Mukhang siya rin yung kasama ni Christine kanina.

Ngumiti ako sakanya upang hindi siya matakot saakin.

"It's okay, I'll just wipe it with my handkerchief"

Bigla siyang tumakbo kaya sinundan ko siya ng tingin.

"Mommy!"

My heart almost drop ng makita ko na si Christine ang tinawag niyang mommy. Hindi ko akalain na may anak na pala siya at ang t*nga ko dahil hindi ko man lang naisip yung posibilidad na kasal na rin siya.

Oo nga naman, sobrang tagal din ng walong taon at marami na ngang pagbabago sa buhay niya. Ako lang talaga ang napag iwanan at nanatiling nabubuhay sa mga malungkot na ala-alang iniwan niya.

"You have a daughter?"


Gusto kong magalit sakanya dahil pakiramdam ko pinagtaksilan niya ako sublit wala akong karapatan na gawin iyon dahil wala nang namamagitan sa aming dalawa.

"Y-yes, she is my daughter"

Pinilit kong ngumiti sakanila sakabila ng panginginig ng aking kamay dahil sa pagkabigla.

"Hindi ako magtatagal, I'm just here to tell you that I will work with you. You can feature my hotel in Everyday Magazine"

Bago ko pa man marinig ang sagot niya, humakbang na ako papalayo.


I shouldn't have met her again. Lumalim nanaman ang sugat na hindi pa naghihilom.

I really hate this.

Pangako ito na talaga ang huli, pagkatapos ng proyektong ito dapat tapos na rin ang natitirang nararamdaman ko para sa kanya pagmamahal man ito o galit.

Christine Acosta

Mukhang may iba pang lakad si Leandro dahil umalis agad siya pagkatapos niyang ibalita na pumapayag siyang makatrabaho ako.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil dito. Oo malaki ang chance na magiging content creator ako pero natatakot ako na baka ang kapalit noon ay ang muli niyang pagwasak sa pinto ng tahimik kong mundo.

Natauhan ako ng may malambot na kamay akong naramdaman sa aking palad.

"Mommy dahil ba saakin kaya tayo iniwan nung lalaki kanina?" Inosenteng tanong ni Khrystal.

Umupo ako upang pumantay sa lebel niya. "No baby, it was never your fault. Siya yung unang tumalikod at wala na tayong magagawa roon"

Tumango-tango lamang siya kahit magulo ang sagot ko sa tanong niya.

"Nag sorry naman po ako kasi parang bago pa yung clothes niya. Hindi ko po sinasadya na matapunan siya ng iniinom ko mommy"

"Yes I know. Hwag na natin siyang pag-usapan okay?"

Akala ko hindi na siya magsasalita pero napatigil ako sa sumunod na tanong niya.

"By the way mommy, who is he?"

Paano ko ba sasabihin sakanya na siya ang tao na nag-iwan saakin ng pinakamalalim na sugat at pinaka magandandang regalo.

"Hmmmmm katrabaho siya ni mommy"

Mabuti nalang at naka uwi na kami kaya naputol ang usapan tungkol sa tao na kung pwede ay ayaw kong nang pag-usapan pa.



Pagkapasok ko sa office, sinalubong ako ng malakas na palakpakan.

"Congratulations on Convincing Mr. Lim. Hindi ako nagkamali sa pag hire sayo Christine"

Masayang bungad ni Ma'am Loise.

Come to think of it, si Lily at ang sarili niya ang dapat na I-congratulate dahil sila naman ang kumausap kay Leandro at siya rin ang nag present nung Proposal.

Ang part ko lang naman ay yung ilang araw na pangungulit ko kay Leonardo para pumayag na mag set ng appointment with Everyday Magazine.

Pero hindi na iyon mahalaga, basta magmula ngayon mag fofocus ako ng mabuti at ibibigay ko ang puso ko sa project na ito.

"We have seven days to plan everything cover to cover. Just show me your drafts so that we could add it to the over all plan. " Saad ni Ma'am Loise.

Huminga ako ng malalim.

Tama nga siya, I have seven days to prepare myself dahil araw-araw ko siyang kailangang harapin. I need to make things straight and do nothing but business with him.

Isang buwan lang ang kailangan ko, isang buwan ko lang ito titiisin at pagkatapos ng lahat, ako na mismo ang lalayo sa lalaking iyon dahil sa puso at isipan ko matagal na siyang patay mula ng tinalikuran niya ako.

Love Hate and Love AgainWhere stories live. Discover now