Chapter 5

131 21 29
                                    

Christine Acosta

Pagkatapos ng ilang araw na paghahanda, patungo na kami ngayon sa Hillsmile upang makipag cooperate sa ilang staff ng hotel at upang maging pamilyar na rin ang team sa buong lugar.

Sinalubong kami ng ilang empleyado na kasama ni Jane Cortes. Alam kong hindi sang ayon si Jane sa desisyon ni Leandro na makatrabaho ang Everyday Magazine subalit wala na siyang magagawa.

Siguradong iniisip niya lamang ang kapakanan ng Hillsmile dahil maaring maapektuhan ito sa pakikipag ugnayan sa aming kumpanya na siyang laman ng Social Media ngayon, ngunit sana ay pagkatiwalaan niya ang buong team katulad ng tiwala na binigay ni Leandro.

Sinimulan nila kaming I-tour sa buong hotel at talagang nakakamangha ito sa sobrang ganda .

Hindi ko na mabilang kung ilang kwarto ang pinasukan namin, sa first floor naka locate yung Casino at Gym na napakalawak.

Mabuti at wala pang katao-tao roon dahil maaga pa,  pero sigurado akong dudumugin ito ng mga bigating tao mamayang gabi.

May Swimming pool din pala sa 4th floor, gusto kong maranasan na tumampisaw roon kaso parang nakakahiya na ilubog kahit yung daliri sa sobrang linis nito, absolute yata yung tubig na sa pool eh.

Sa pinakataas naman matatagpuan yung office ni Leandro subalit off-limits na doon unless may permission galing sakanya o kay Jane na pumasok.


Nagtungo kami sa buffet area upang mananghalian, nagpa-cater pa pala si Leandro pang welcome daw sa team namin.

It’s good to know na hindi siya nagbago, siya parin pala yung mabuting tao na kilala ko from 8 years ago.

Habang nilalantakan namin yung mga masasarap na pagkain, dumating si Leandro na mukhang galing sa meeting.

Nagsitayuan ang mga kasamahan ko upang magbigay galang sakanya kaya ganun din ako.

Kumuha siya ng pagkain niya at hindi ko inaasahan na tatabi siya saakin, kinabahan ako bigla sa presensya niya pero handa naman ako sa ganitong scenario kaya naman I just acted natural.

“So how did you find my Hotel?” Tanong niya.

I don’t want to be rude kaya tumingin ako sakanya kahit sa pagkain siya nakafocus. “Your Hotel is very nice Mr. Lim, everything amazes me magmula sa mga disenyo, sa amenities and all”

Umangat ang gilid ng kanyang labi. 

”Do you finally regret leaving me 8 years ago?”

Ewan ko ba pero nainsulto ako sa sinabi niya.

“Excuse me?” Taas kilay ko siyang pinagmasdan.

“Hey, no need to be serious. I’m just joking” Tumawa siya ng malakas na maslalong ikinainis ko.

“Jokes are supposed to be funny Mr. Lim” Seryosong saad ko.


Para na siyang baliw sa paningin ko dahil tawang-tawa siya pero wala namang nakakatawa.

” Oh sorry I thought it was funny to you.”

Hindi ko na siya pinansin kahit salita siya ng salita dahil tungkol lang naman sa mga achievements niya ang lumalabas sa bibig niya. Pero kung sabagay mas okay na magmayabang siya kaysa inuungkat niya yung nakaraan.


Bandang 2pm na at kailangan pa naming bumalik sa office para magreport kaya nagpaalam na kami sa mga staff ng hotel.

Kanina pa sunod ng sunod si Leandro kahit hindi naman siya kailangan sa tour pero pinabayaan ko nalang siya.

Love Hate and Love AgainWhere stories live. Discover now