Chapter 2

247 50 49
                                    

Leandro Sanches

Kilala ako bilang Mr. Lim ng halos lahat sa mundo ng negosyo, pero Leandro ang pagkakakilala saakin ng mga tao na kilala ang totoong pagkatao ko.

Naisipan kong magpatakbo ng Negosyo kahit saan basta malayo sa Maynila, ang lugar kung saan paulit-ulit na dinudurog ang puso ko dahil sa mga ala-ala na ipinagdarasal kong mawala na sa aking isipan.

Tinangay ako ng hangin papunta dito sa Baguio pero hindi ko inaasahan na tatangayin din pala ako pabalik muli sa kanya.

“Please tell him that Christine Acosta from Everyday Magazine have an important business to discuss”

Nakumpirma ko na siya nga ang babae na nakatayo saaking harapan nang banggitin niya ang kanyang pangalan.

Katulad ko, nagulat din siya at halos hindi na makagalaw nang magtama ang aming mga mata. Walang sino man ang kumibo saamin hanggang sa naglakad siya papalayo saakin.

“You're looking for Mr.Lim right?”

Naramdaman ko na tumigil siya kaya lumingon ako sa kinaroroonan niya.


“I'm Mr.Lim and it's nice to meet you again.....Christine"

Inilahad ko ang aking kamay upang makipagkamay sakanya subalit hindi niya ito tinaggap dahil tila ba napako na siya sa kinatatayuan niya.

"Follow me"

Nauna akong umupo sa couch at ilang sandali pa ay sumunod na rin siya.

“Even though I’m a busy person, pagbibigyan ko ang fifteen minutes na hinihiling mo”.

Napangiti ako dahil halata na natataranta siya sa presensya ko.

“Mr. Lim I am here in behalf of Everyday magazine to propose a business. W-we would like to feature Hillsmile in our m-magazine”.

Halos hindi siya makatingin ng matagal sa mata ko.

“Hindi mo naman kailangang maging pormal masyado, you can call me Leandro if you want”

Sa pagkakataong ito, gusto kong malaman kung ano nararamdaman niya sa muli naming pagkikita pagkatapos ng mahabang panahon.


Pero sa isang iglap wala na akong mabasang emosyon sa mga mata niya maliban sa kagustuhan niyang pag-usapan ang tungkol sa trabaho.

“Mr.Lim , I guarantee you that you will not regret If ever you will say Yes to this proposal.”

Marami pa siyang ipinaliwanag subalit nanatili akong naka tingin sa bawat pagbukas ng bibig niya.

“Stop! You’re 10 minutes is up” saad ko kahit nagsasalita pa siya.

Kumunot ang kanyang noo at mabilis na tumingin sa Relo niya.

“I understand that you’re a busy person Mr. Lim but I hope that you could give us another chance to explain more of this."

Nagsimula na siyang magligpit ng mga gamit niya.

"Thank you very much for your time and We're looking forward for a next formal appointment"

Aalis na dapat siya ngunit agad kong pinigilan.

“Wait! We agreed for 15 minutes, right? Binigyan kita ng sampung minuto para sa nais mong I-propose ngayon naman para sa mga natitirang minuto, pag usapan natin ang tungkol sayo.”

Nagulat siya sa sinabi ko ngunit nanatiling nakatitig sa akin na para bang kinikilatis kung nakikipag biruan ba ako.

“Where have you been this past eight years? Why did you run away from me?”

Love Hate and Love AgainWhere stories live. Discover now