UMIIYAK ANG PUSO

98 14 0
                                    

Fifth Entry 💚

I hope tama yung song title na ito haha. Ito kasi yung alam kong song na UMIIYAK ANG PUSO!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - - -

Para ka na namang pinagsuklaban ng langit at lupa Angeline ano ba bangon at ipakita mo na hindi siya kawalan sa buhay mo!

Ikaw yan ha yung babaeng never nagpatalo sa mga taong pilit kang tinatapakan!

Eric never fail to love me but I don't know what happen...

Akala ko nga noon magiging kami hanggang sa huli pero nagkamali ako....he left me without words

Ako yung taong taon ang lumipas pero mahal pa rin kita Eric.

Nangako ka na ako lang,pero nakalimot ako na hindi lahat ng pangako natutupad yung iba napapako.

"Goodmorning everyone"
Bungad ko sa mga kaibigan ko

Sila din ang kasama ko sa work dahil magkakasosyo kami sa isang cafe

Si Yena,Luke at ako

"Goodmorning mukhang good mood ka ha,naka move on na?"
Natatawa pang sabi ni Yena

Inirapan ko naman ito habang inaayos ko ang mga gamit ko sa table..

"Shhh aga mo manira ng araw babs"
Ani Luke na girlfriend"

Pinandilatan ko naman ito at tinawanan

Buti nga hilig kasi manira ng araw!

Sa totoo lang naiinggit ako sa relasyon na meron sila....akala ko noon ganito din kami ni Eric e yung magkasama na tinutupad ang pangarap pero nagbago sa isang iglap

He left me without words....nagising ako na wala ng siya sa tabi ko. Nagising ako ng isang umaga na ako nalang pala ang nagmamahal sa kaniya. Nagising ako na wala na pala yung kami.

"Magsi tigil na nga kayo mag trabaho na tayo dahil baka mamaya kung ano pa ang away na mabuo ha"
Pag putol ko sa kakulitan nila

Ayaw ko na din kasi pag usapan pa,dahil sa tuwing naririnig ko pangalan niya para bang sumpa sa akin na ang pangalang Erik ay isang malaking pagkakamali sa buhay ko pero hindi ko naman maipagkakaila na ang Erik na sumpa sa akin ay siyang kailangan at mahal ko hanggang ngayon.

Nagtungo ako sa office ko na nasa likod lang din ng cafe hindi lang din naman ito ang pinagkakaabalahan ko minsan naraket ako sa mga kantahan and most of the time naman nandito ako sa munting office ko na parang library na din dahil sa mga sinulat kong libro.

Most of them are us, the story of us. But never kong sinulat ang ending ng story namin. Kasi meron ako sa sarili ko na babalik siya para akin kahit taon na yung lumipas.

Sa lawak ng room nadapo ang mata ko sa frame namin ni Eric, nakaramdam ako ng matinding sakit sa dibdib ko kaya napahawak nalang ako dito.

"Okay ka lang? Nakainom ka na ba ng gamot?"
Nag aalalang tanong pa ni Yena

Oo nga pala hindi pa din ako nakakainom ng gamot kaya siguro medyo sumasakit ang dibdib ko.

"Hi-ndi pa"
Tipid kong sagot ng makaupo

"Hay naku Angeline paano ka gagaling kung matigas ang ulo mo? Ito kumain kana ha tapos uminom ka ng gamot ayokong nalipas ang oras ng walang laman ang tiyan mo and sinabi sakin ng isang staff uminom ka daw ng kape kahapon!"
Nilapag naman nito ang isang paper bag sa table ko at isang bottle ng water

YOUR TITLE,MY ISTORIWhere stories live. Discover now