Chapter 7

47 23 6
                                    


note: guys itong chapter nato ay still reminiscing her memories with syd and it end masyado ko ng pinaaga dahil magfocus na tayo sa present life ni allura yun lang.





***




Chapter Seven: Bringing back memories.


I'm still confused about sa amin. Wala kaming label pero we're acting like we're on a thing. Hays!

Nevermind just don't think about it. Remember he said to you na kapag may nagtanong tungkol sa inyong dalawa manatili ka lang tahimik.


Pagpasok palang namin ng Lousville Academy andyan na yung mga tinginan ng estudyante sa akin. Hindi ko nalang pinansin ang mga tinginan na yon at naglakad na papasok ng room.

Magkaklase nga pala kami nitong si Syd suot-suot ko parin yung binigay niyang kwintas na may pendant na singsing umupo na ko sa upuan ko at nakita ko naman siyang natutulog.

Nang pumasok na yung professor namin kaagad na siyang nagstart ng klase.

Discussion.

Discussion.

Break.

Nanatili akong nakaupo doon sa upuan ko tinignan ko kung may fangirls niya sa labas mabuti at wala. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.

"Hey? Okay ka lang?" nakakunot-noong sabi niya sa akin.

"Oo." pero siguro halata naman niyang hindi ako makakilos ng maayos.

"Stay there. I'll get you a food." sambit niya sakin.

Mayamaya lang ay nakabalik na siya dala ang dalawang box na parang galing sa fast food chain. Isang rice, chicken at coke ganon din ang kanya.

"Thank you." sambit ko sakanya.

"Sure kang okay ka lang? What's with you huh? Ang tahimik mo." binigyan niya naman ako ng tissue para ipangpunas ko sa may gilid ng labi ko. Bat alam niyang may sauce ako doon? Tsk.

"Syd? What if malaman nila na..."

"Di ba sinabi ko sayo na manatili ka lang tahimik kapag may tinatanong sila huwag mo nalang pansinin. Just finish your food we're going somewhere else, Okay?" Mabilis kong tinapos yung pagkain ko at niligpit ito siya na ang naglagay sa tapunan ng basura uminom muna ko ng coke at nang maubos ko yun tinapon ko na sa basurahan.

"Let's go." saad niya.



Minsan naiisip ko kung tungkol parin ba ito sa pagaact namin sa harap ng magulang niya. If it is just for a show? Lumabas kami ng school mabilis kaming nakatakas sa guard. Saan na naman kaya ang punta namin nito?



Pumunta kami sa Hidden Lane Café isa siyang coffee shop na pinagtatambayan ng mahilig magkape at gusto ng tahimik na ambiance mukhang mahalaga ang paguusapan namin.


"Si Ate pati yung asawa niya ikakasal na. Nagschedule ulit sila ng wedding for their 26th Anniversary. I need you to be there." seryosong sambit niya.

Kailangan na naman niya ko?



"Syd ano ba talaga? Bakit na naman ako? Ano ba tong ginagawa mo sakin? Bakit ganito ka? Diretsuhin mo na nga ko Syd."



"I'm sorry, Allura. Sorry kung nadadamay ka sakin sa tingin ko, Allura. Nagugustuhan na kita. Gawin na nating totoo ang lahat hindi na kita gagawing fake girlfriend ko."


"Ang speed mo naman, Syd." bahagya akong natawa.


As in kami na? Ganon. Grabe naman! Ang speed nito besh!



"So ano na kailangan ko na ng approval mo?" nakataas na kilay niyang sabi sabay higop ng latté niya.

"Wait lang ah, wait lang no! Ang speed mo kasi eh grabe!" napakamot tuloy ako sa ulo.


"Second wedding ng Ate Sydney mo tapos kailangan mo ko doon."

"Yup." sagot naman niya.


"Kukulitin na naman nila ko so kailangan ko ng makakapartner to attend my sister's second wedding. Pumapayag kana ba?"



"Oo sige na, sige na." sagot ko kahit pilit. Wala rin naman akong choice ewan ko ba dito bakit kasi ako pa!

***


So ifa-fastforward ko na lahat ng to! Nang dumating na yung second wedding ng ate niya na gaganapin sa church, church wedding kasi ang theme.

Ayon meeting his family again for the second time. Ang bait ng pamilya ni Syd sa akin. Hindi ko pa naipapakilala kina Mommy itong si Syd wala pa sa plano ko yun at baka kasi hindi rin naman sila pumayag eh.

"Allura? Is that your name?"

"Yes po."

"You and Syd are both looking good together. Bagay na bagay kayong dalawa. I'm rooting for the both of you." nakangiting saad niya sabay beso sakin at kinausap ang mga bisita nila.

"Uhm, thank you po." nakangiting sagot ko sa Ate ni Syd.

Kanina pa ako nakaupo dito at tahimik silang pinapanood.

Si Syd ayun nakikipagusap sa mga pinsan niya ewan ko kung anong pinaguusapan nila kinuha ko nalang ang phone ko at nagbrowse nalang sa mga social media accounts ko.


Nang may lumapit sa akin na magandang babae pinsan din ata nito ni Syd.

"So your the girlfriend, welcome to the family! You're alone here." tinignan ko lang siya sabay tango sakanya. Mukhang mabait naman siya.



"Alam mo bang ikaw pa lang ang dinala ni Syd sa pamilya namin. Natatangi hahaha!" nakangiting sabi niya. We? Ako lang ba talaga?



"Oo. Ikaw lang ang dinala niya, Allura. Si Syd nako hindi madaling pakisamahan iyan mabait yang pinsan ko at the same time he care about the people he love especially the girl that he is love right now. May naka- arrange marriage na kay Syd siya nga lang ang umayaw dahil masyado pa raw siyang bata. He still not agreed with that arrange marriage sa totoo nga lang galit na galit siya kapag pinaguusapan nila Tita kasama siya ang ganong mga bagay kaya siguro mas pinili niyang tumira sa isang malawak na bahay na siya lang ang nakatira. Hindi naman nagalit sila tita doon bagkus tinulungan pa nga siya nito tignan mo naman siya ngayon malayang magagawa ang mga gusto niyang gawin. I'm happy for that. So maiwan na kita stay strong sainyo ni Syd." mahabang sabi ni Ate Dona yung magandang pinsan ni Syd at nawala na sa paningin ko.




Nakita ko na papalapit sa gawi ko si Syd kaya binalik ko na yung cellphone sa purse ko. Hinalikan niya ang gilid ng noo ko at tinanong kung okay lang ako tumango ako bilang sagot.







At ayun na ang huling beses na makikita ko na masaya para saming dalawa kasama siya sa sandaling panahon na nagtagal sa aming dalawa mananatili nalang alaala nalang ng nakaraan ang mga iyon.




Si Syd Faustino ang first boyfriend ko na akala ko ay hindi magloloko sa tagal ng pinagsamahan namin pero nawala lahat ng iyon ng makita ko ang bagay na hindi ko inaasahang gagawin niya sa akin ang halikan ang babaeng hindi naman niya nakilala sa bar niya lang mahahanap!







What a jerk! He still a f*ckin playboy that i've met!

Have You ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon