Nagpabalik-balik nang tingin si Nori sa kanilang dalawa. "Bakit?" Her sister asked then faced their father. "Ang dad ba ni Justin ang nagpatakas sa inyo dad?."

"Calm down you two. Wag kayong mag-alala."

"Panong hindi po kami mag-aalala, you are a fugitive dad! Pwedeng gumawa nang shoot to kill ang mga pulis kapag tumagal pa ito."

Hindi nito pinansin ang sinabi ni Nori bagkus ay hinarap sya nito. "Nagka-usap na ba kayo ni Justin at nang ama nya anak?."

Tumalim ang mga mata nya. "Totoo ba yung kasunduan na sinabi ni Don Ramon dad? Bakit kailangan kung magpakasal kay Justin?."

"Anak, mas mapapabuti ka kung si Justin ang mapapangasawa mo. Kita mo nga't ginawa nya ang lahat para mailihis ang media sa inyo."

"Kasi may hidden agenda sya. Sila nang ama nya."

"But that hidden agenda will also do good to you and Nori. Anak, tanggapin mo na ang sinasabi ni Ramon. Siguro naman ay hindi ka mahihirapan na pakitunguhan ulit si Justin dahil naging kasintahan mo naman sya."

Madali para sa ama nila na masabi ang mga bagay na ito dahil wala naman itong kaalam-alam na patuloy parin ang relasyon nila ni Elio.

Si Elio. Paano nya ipapaliwanag ang lahat nang ito sa kanya?

"Dad, kung tulong pinansyal lang ang problema natin ay matutulungan din naman tayo ni Emilio Romulo." It was Nori. Alam nyang inis ang ate nya sa kasintahan pero marahil ay mas gusto naman nito si Elio kesa kay Justin na hindi naman nya mahal.

"That Sevilla." Their father frowned at her. "Wag mong sabihin Sandy na patuloy ka paring nakikipagkita sa lalaking yun?."

Sandy pressed her lips together. Paano nalang kaya kapag sinabi nyang buntis sya at si Elio ang ama.

"Like I said Dad Emilio Romulo can help us too. I don't think he's really that bad at all." Singit uli ni Nori.

"You two don't understand. My agreement with Ramon was deeper than that. It is safe for us if you and Justin get married."

"Oh I get it now..." pinukol nang masamang tingin ni Sandy ang kanyang ama.

"Tell me dad. Kasosyo nyo ba si Don Ramon sa mga transaction nyo dati? At kaya nya tayo ginigipit nang ganito ay para hindi kayo magsalita sa mga pulis?."

"Sandy, Ramon has only two options right now. Either he will help me or he will kill me. And we don't want him to choice the latter."

"Dad..."

"Sandy, alam kung labag to sa kalooban mo. Natatakot lang ako kung anong pwedeng gawin ni Ramon sa inyong dalawa."

"Pero Dad—." Magsasalita pa sana sya nang bumukas ang pinto nang silid nang kanilang ama.

"Justin..." wika ni Renato.

"It will be better kung dito na muna kayo mamamalagi Sandy and Nori. Tutal nandito naman ang Dad nyo."

Marahang tumango si Nori samantalang napailing sya. "I can't stay here tonight."

"Ihahatid na kita pauwi Sandy." Sambit ni Justin.

Buti nalang at hindi na umangal ang kanyang kapatid at ama sa tinuran.

Kasama nyang naglalakad si Justin at nasa may main door na sila nang mansyon nito. "Hindi mo na ako kailangan ihatid Justin..."

"But Sandy—."

"Kung gusto mong pumayag ako sa mga gusto nang mga magulang natin ay hahayaan mo kong makasama at maka-usap si Elio."

Desirous Men 1: ELIO | CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora