"juskocolored!! Ang cellphone ko!" bagong bago pa ito. Nung nakaahon siya sa utang binili niya ang touchscreen phone niya na ngayon ay basag ang screen at di na gumagana.

"what the fvck!!" mura rin ng lalake. Mas uminit naman ang ulo niya dahil nagawa pa itong mag mura.

"My documents!!" nakita niya ang mga basang credentials dahil natapunan ito ng dala niyang ice coffee. Waaaaaaa!!

"Waaaaa!! Basa na. Sorry. Pero ang phone ko nabasag rin---" nagkatinginan naman silang dalawa.

" You are not looking where you are going woman!" kinuha neto ang mga basang credentials. At pinaypayan. Hindi siya makapagsalita dahil si Matthew ang kausap niya.

Tiningnan naman siya ni Navin. Agad nag iba ang tibok ng puso niya. Minsan niya na itong nakita sa abroad. At ganito rin ang epekto sa kanya dati.

Mahabang wavy na buhok, makinis, maliit na babae, patpatin, at may maamong mukha.

"ah-- "Nanginginig rin ang kamay neto na may hawak na cellphone. At dahil mainit ang ulo niya, di siya naawa sa basag na phone neto sa halip....

"i dont care 'bout your phone. I can pay for that. But these documents is important to me." nakatulala parin ito sa kanya.

Shet! Si Matthew nga ang ugali! Yosiboy days! Ganitong ganito siya bago ko siya minahal ng over over!--- jessy.

"Ah. Kasi..kasi.." nanginginig ang kamay niya habang hawak niya ang cellphone.

"Goddamnit!!!" mura neto na nawindang naman siya. Nakita niya na magalit si Matthew pero matagal na yun.

At kinagulat niya nang itapon sa harap niya ang basang documents. "What do you expect me to do now?! Some of it are documents company!"

Napahawak ito sa sentido at napapikit ang mata. "Sorry po." mahinang sambit niya. Kasalanan naman niya talaga di siya tumitingin sa daanan.

"Hays!! What would I do now?!" kita niyang galit na galit ito. Kahit sino naman kasi.

"Nag sorry na nga ako, diba?" bitch man ang sagot, pero di na siya nakapag tiis. Naiinis rin siya sa kilos ng lalakeng kaharap niya ngayon.

"so, ikaw pa ang may ganang magalit?" tinaasan pa siya ng kilay ni Navin. Kinuyom niya ang kamao niya dahil gustong gusto niya ito sapakin.

"Hindi naman ako galit. Pero nakakainis ang ugali mo eh! Nasira rin naman ang cellphone ko eh!"

"You know what? Recently, Wherever I go there's you. And it pisses me off. Sino kaba talaga at puro gulo ang dala mo saken?" Hindi nakapagsalita si Jessy dahil nasaktan siya sa sinabi ni Navin sa kanya. Alam niya na hindi pa naman sila sigurado na iisa ito at si Matthew. Pero bakit ang sakit?

Cold man si Matthew, pero may mga unexpected na ugali ito na napaparamdam sa kanya.

"ako--ako lang naman ito." tiningnan niya ulitsi Navin.

"ikaw parin ba yan Navin?" out of the topic na tanong niya dito. Hindi naman nakapag salita si Navin. Sa halip umalis ito pero pinigilan ito ni Jessy.

"Teka lang---" nagulat siya nang inabot neto ang kamay niya at binigyan ng cheque.

"Bayad na ako." natameme naman si Jessy, dahil nainsulto siya at nainis dahil akala neto pera ang habol sa nasirang cellphone.

Hinabol niya si Navin at sinipa ang likod neto.

"GAGOOOOOOO!!!"

****
Nagulat rin sina Ren at ang ibang kasama neto sa nasaksihan nila. Si Jessy sinipa si Navin. Agad naman nakabangon si Navin sa pagkatumba.

Mabuti nalang at walang tao sa paligid nila.

"You are Crazy!!" ang sakit ng likod neto dahil talagang malakas ang sipa ng lampayatot na babae.

"DINADAAN MO PARIN SA PERA ANG LAHAT LAHAT!" tinaas naman ni Jessy ang sleeves niya.

"Fvck? It surely brings back memories. Am I right, joe?" malayong nakamasid sina Ren at ibang kasama neto.

"Ang harsh parin pala ni Jessy. Haha" natatawang pahayag naman ni Carl.

"Ahm.. Di natin pipigilan ang dalawang yan? Baka magsasagupa nanaman?" Nagaalalang tanong naman ni Ace sa kanila.

"They can take care of themselves. Matatanda na sila. Hindi na tayo teenagers." tumalikod naman si Nathan at naglakad palayo.

***

"Hoy babae! Ano bang gusto mo? Binayaran na kita!" at umaatras naman si Navin habang palapit ng palapit sa kanya ang baliw na babae.

"Hindi yan ang gusto ko marinig! At ikaw ang gumugulo saken lalake ka!!" hihilain sana ni Jessy ang kwelyo ng damit neto nang hinuli ni Navin ang kamay neto at tumungo sa likod ni Jessy.

"Aray! Aray!! Hoy lalake bitawan mo ako."

"You are one violent woman! Ikaw ang tumigil. Ano bang gusto mo saken ha?!" tinadyakan naman siya ni Jessy sa paa, nabitawan niya ito at akala niya masasapak siya neto nang hinila ang kwelyo niya at humarap sa kanya.

"Gusto ko lang naman makaalala ka ulit!!" sigaw neto sa kanya. Natigilan ang lahat ng nakasaksi sa dalawa. Nakita ni Navin ang lungkot sa mata ni Jessy.

"Ako 'to si Jessy. At.. Sana maalala mo yun."

"Hehe.. Sorry Navin." hinila naman palayo ni Ace si Jessy kay Navin. Ang gulo gulo ng isip ni Navin.

"is she your friend too?"

"err. Oo, nabanggit rin namin siya sayo diba? Pasensya kana dito kay Jessy, may pagka baliw rin ang isang to." inakbay naman ni Ren si Jessy at hindi na makapag salita ito dahil pinipigilan niyang maiyak.

"Sorry kung nabasag ko ang cellphone mo. Ikaw rin naman kasi ang hindi tumitingin sa daanan mo. I'll take care of my documents and your phone too. " umiwas ng tingin si Navin sa kanila. Naiilang siya sa kinikilos ng babaeng kaharap niya kanina.

"Great!! Now this is Jessy's number. You can call her too. Kapag ok na lahat. And maraming alam 'to sa bagay bagay Navin. Kung hindi kame available, siya ang tawagan mo. Hindi naman tatanggi si Jessy dyan dahil nabasa niya mga documents mo, diba?" tumingin naman si Jessy kay Ren.

"And besides, si Jessy is dating scholar sa school na 'to. At matalinong bata rin 'to. Kaya matutulungan ka niya talaga Navin since she works part time as Lecturer in this university. Bilang kapalit sa pagpapa aral ng school sa kanya.  Kaya mag ingat ka rin sa babaeng 'to Navin, who knows she'll be one of your teacher. " sabay wink naman ni Ren kay Navin.

****
Nakauwi si Navin sa kanila. Nahiga sa kama at napa isip ulit sa sinabi ni Jessy.

"Ako 'to si Jessy. At.. Sana maalala mo yun."

Sino kaba talagang babae ka?  Bakit ako naapektuhan ng ganito? Kilala mo ba talaga ako?

Napapikit si Navin sa pag iisip.

"don't lose the trust Jackie gave you. "

***fin

TIG2: Intertwined FatesWhere stories live. Discover now