Simula

3 0 0
                                    

Simula

Have you ever came to a certain point of life where you wanted to just give up and ignore all the shits in this world?

Sa mga luhang patuloy na pumapatak sa aking mga mata, habang pinagmamasdan ang bawat hampas ng alon sa dagat. Sa kabila ng malamig na hanging dumadampi sa balat ko ay pinili ko paring manatili sa lugar na ito.

Hindi ko alam kung bakit pero kayang pagaanin ng dagat ang bigat na nararamdaman ko. It seems like the ocean could make me feel better than no one else could. A peaceful scenery despite of the harsh movement of each waves.

Ngunit iba ata ngayon, kahit anong gawin kong pagmasid sa dagat, hindi parin nito kayang pawiin ang sakit at lungkot na nararamdaman ko. Sa katahimikang bumabalot sa buong lugar, tanging hampas ng alon at mahihinang hikbi lamang ang bumabasag dito.

Tumingala ako. Mga bituwin ang una kong nakita na tila ba'y kanina pa ako pinagmamasdang lumuluha.

What would it felt like to become a star? 'Yung tipong wala silang ibang ginagawa kung hindi ang patuloy na magningning sa kabila ng dilim na yumayakap sa kanila.

Why did I end up like this? I thought everything will fall back into their right places. Pero akala ko lang pala. Fate really has its own way of turning the tables upside down. In a way that you didn't even expect it to happen.

Bahagya akong nagitla ng biglang tumunog ang telepono ko. I fished it out of my pocket. I saw my aunt's name on the screen, together with her missed calls. I breath in before I decided to answer it. I heard a static sound from the background before hearing my aunt's shaking voice.

"C-Cedes?"

I didn't answer her but I know she could hear my breathing. I already know by this time na alam niya na kung nasaan ako ngayon. Hinuha ko'y hindi lang siya nag-iisa sa kung nasaan man siya ngayon.

I heard her sigh. A mixture of agitation and relief. Narinig ko rin ang pagtatanong ng isang boses sa kabilang linya kung nasaan ba ako.

"Cedes?" ulit niya. "Uwi ka na, please?"

I could feel the eagerness and desperation on her tone. How I hate making her feel like that. Huminga ako ng malalim. There's a bile in my throat that makes it hard for me to utter a single word.

"A-ayoko po munang u-umiwi, Tita."

She gasped loudly on the other line. Medyo nagkaroon din ng ingay kasabay ng impit na pagtangis ng tiyahin ko. I heard a static sound again. Maya't-maya pa'y narinig ko na ang boses ni Tito Chris.

"Archilla, please go home now. We're worried sick about you." malagong ang boses niya.

"I-I'm sorry, Tito. I...just want to clear my mind. Hindi ko muna po kayo mahaharap ngayon."

"No, Archilla. Talk to us, please. Ayokong nakikita ng ganito ang tita mo at alam kong ganon ka rin."

Napapikit ako. God, I'm sich a bad niece. Walang utang na loob. Narinig ko ang boses ni Tita Rose sa kabilang linya.

"L-Let me talk to her."

I heard Tito sighed loudly. He's softly talking to my aunt. Sa tingin ko'y pinapakalma niya ito upang makausap ako ng maayos.

"C-Cedes, please. It's not your fault, darling. Go home now, please?"

Muling namuo ang mga luha sa mata ko. Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang hikbi na gustong kumawala. Hindi. Kasalanan ko. Kahit ano pang sabihin nila na maaring magpagaan ng loob ko. Alam ko sa sarili ko na kasalanan ko parin.

"I know that you're blaming yourself, but please don't, hija. You belong here, Cedes. You belong here."

Sunod-sunod ang pag-iling ko. "No."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Brave HeartWhere stories live. Discover now