“Wait lang eh ako lang naman ang nakakakilala sa lahat ng…” She muttered to herself.

Bigla niyang akong tiningnan bago paningkitan ng mata, “Were you describing me?”

“Maybe. Maybe not.” I cocked my head to the side.

Ngumuso lang siya, “If I know better, crush mo ko.  Tss, pero over-qualified nga ako remember? Kaya pumili ka na sa siyam na babaeng yan para mameet mo siya bukas or ako ang pipili para sayo.”

Inabot niya uli sakin ang folder at tiningnan ko na lang yung mga pangalan, with no interest of meeting ANY of them. Mas interesado ako sa babaeng nasa harapan ko na pilit kineclaim na over-qualified siya.

She’s right though.

She’s over qualified. Kasi siya lang naman ang qualified para sakin.

“Ikaw na lang ang pumili. Text me the address and time pati na din yung number ng girl.” I told her. Hindi na niya kinuha yung folder para daw makapili pa din ako. Napasandal na lang ako sa chair at pumikit. Hindi ko alam pero bigla akong tinamaan ng pagod.

Nung tingnan ko siya ay nakatingin pa din siya sakin, concern etched on her face. “Are you okay, Chance?”

“Yup.” I forced a smile while still leaning on the swivel chair. Knowing Eleanor, pipilitin niya din naman akong ngumiti.

“Are you sure? Baka naman gusto mong i-move ko na lang yung meeting dahil stressed ka over work?”

“No, I’m fine. I’ll meet the girl. Pero andun ka naman diba, kapag kikilalanin ko yung babae?”

“Do you want me there?” She asked.

“Of course.” I smiled.

“Then I’ll be there.”

She smiled thoughtfully, “Just put yourself together, tomorrow. And you should probably rest, I know you’re tired.” Tumayo si Eleanor bago lumapit sakin. Nanatili naman akong nakaupo. Nung makalapit siya ay hinawakan niya ng bahagya ang noo ko.

“Kumain ka na ba?” I shook my head. Nakalimutan ko na palang maglunch after umalis ni Fier dahil binabad ko ang sarili ko sa trabaho. Mas lalo kasi akong naguluhan sa mga sinabi ng kapatid ko. Maybe I do care for Eleanor but it’s too early to say that I’m inlove with her.

“Tsk, tumayo ka diyan. Kakain tayo. Tatanga-tanga naman kasi, bakit hindi ka kumain?” I chuckled, instead of answering her question. Kahit tinawag akong tanga ni Eleanor ay napangiti pa din ako.

“Lunch?” She asked.

“Yes, Hon.” I smirked. Tumayo na ako at niluwagan ng bahagya ang tie ko bago siya akbayan. Tiningnan niya lang ako ng masama pero hindi siya nagreklamo.

Habang palabas kami ng building para kumain ay hindi na matanggal sa mukha ko ang pagngisi. My arm was still draped around her shoulder and people would probably think about anything. Not that I care anyway.

I knew it. I just knew.

Eleanor cares. She just had a weird way of showing it.

===

So here it is. Natagalan, sorry.

No Strings AttachedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt