The 9th Madness

266 22 4
                                    

These past few days, I felt something strange about me. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Mahimbing na rin ang tulog ko sa gabi, at ang aliwalas ng gising ko sa umaga kahit hindi pa nakahawi ang kurtina.

I don't know, but I started to like this feeling. Positive vibes transcends into my system.

"Packed up!" sigaw ng photographer namin.

Kahit katatapos lang ng photoshoot ay hindi ko ramdam ang pagod. Tinulungan ako ni Ayla sa pag-aayos ng gamit ko. By the way, bumalik na ulit siya as my handler pero ang bruha nag-enjoy sa pagiging P.A ko. Bukod daw sa naa-apply niya ang skills bilang makeup artist, satisfied na siya sa sweldo niya.

"Nice shot!" she exclaimed. Sabay naming tinitignan ang mga photos sa monitor.

"I know," sagot ko. Hindi naman kasi ako tulad ng tatlong android na co-models ko na kailangan ng fifty shades ng foundation para lang masabing presentable sa harap ng camera. Hindi ko na kailangan ng palitada sa mukha.

Napansin ko, mula nang kausapin ni Nyle si Raphael noong araw na iyon. Hindi na siya muling lumapit sa akin. I'm not saying na nagiging clingy ako or something, It's just that it bothers me.

May nangyari kayang hindi maganda? Usually, kukulitin niya ako or ang buong team para makinig sa mga corny niyang jokes. Bago magsimula ang photoshoot ay mang-aalaska muna siya.

"Napansin mo ba?" tinawag ko si Ayla. "Parang ang tahimik ni Raphael lately. May sakit ba?"

"Oo nga, kanina pa 'yan," sagot niya. "Mukhang wala namang siyang sakit, sadyang tahimik lang siya ngayon."

Hindi kaya may kinalaman ang nangyari the other day? Knowing Nyle and his possiveness and manipulative tactics, mukhang may hindi nga magandang nangyari. Sinubukan kong batiin si Raphael. Isang ngiti lang ang ibinigay niya at nagpatuloy na sa paglalakad habang hawak ang phone niya.

"Una na ako," pagpapaalam ni Ayla.

"Huwag muna, bata ka pa!"

Naghiwalay na kami ng daan palabas ng building. Papuntang main road ang daan niya para mag-abang ng sasakyan, samantalang nag-stay lang ako sa lobby para maghintay.

Ilang minuto pa lang ako nakakaupo nang mag-ring ang phone ko.

"Where are you?" bungad ko.

"Turn around."

Lumingon ako at nakita ko siya sa hindi kalayuan. Simpleng polo shirt at pants ang suot niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit iba ang dating niya sa akin. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya.

Nagkusot pa ako ng mata dahil baka namamalikmata lang ako.

"Kanina ka pa?"

I felt his warm skin when he held my hand. "Nope. Kararating ko lang."

Hindi ko na lang siya sinagot kahit na alam ko namang lagi siyang maaga sa usapan.

He was like that kahit noong nag-aaral pa lang kami. May mga times na may usapan kami na magkikita sa gate ng school para gumala kasama sina Brian at Tessa. Siya ang laging pinakamaaga sa meeting place.

Noon, may usapan kami na kung sino ang late ay siyang manlilibre. Ako ang laging late sa usapan pero never pa akong nanlibre na kahit na ano dahil lagi akong sinasalo ni Nyle. Sagot niya ang foods, fair, or even other expenses kapag nagkayayaan kami kung saan.

I was so naive that time, hindi ko alam na iyon na pala ang simulan ng panliligaw niya ayon kay Tessa. Sorry, hindi ko kasi ramdam.

The Gorgeous Man's MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon