The 8th Madness

264 20 7
                                    

"Dito na tayo."

Inihinto ni Nyle ang sasakyan sa tapat ng building. Sinimulan ko nang tanggalin ang seatbelt nang pigilan niya ako. I don't know why I am trembling right now. I can feel his warm hand next to mine. Ilang segundo akong hindi nakagalaw dahil doon.

"Let me do it," dagdag pa niya. Umigsi ang distansya sa pagitan naming dalawa. Kinalas niya ang seatbelt. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga mata niyang nanghahamon.

Agad akong lumabas ng sasakyan dahil baka hindi ko kayanin ang tensyon sa loob. Baka himatayin ako. Nakita ko sa peripheral vision ko na lumabas din siya ng sasakyan.

"Salamat."

"Xander," napahinto ako sa paglalakad. "Pwedeng makibanyo?"

"Sa lobby."

"How about in your condo?"

"Huh?" I narrowed my brows. "Maraming comfort room sa lobby."

I know he's up to something else. But I don't understand why people want to invade my privacy? Why they want to go into my place? Pero sa mga oras na ito bigla akong naguluhan. Alam kong pagsisisihan ko ang magiging desisyon ko, bahala na. "Tara pasok ka."

Muli siyang pumasok sa sasakyan para i-park ang kotse. Then we entered the building together. Kanina ko pa napapansin na nakatingin sa amin ang mga tao, at ito namang kasama ko ay walang pakialam. Hanggang sa makapasok kami ng elevator ay hindi niya binitiwan ang kamay ko kahit ilang beses ko iyong binabawi.

I swiped my card to unlocked the door. I also turned on the lights.

"This is smaller than I expected," bungad ni Nyle. "Ayaw mong lumipat sa mas malaki?" He looked around the corner. "Or better yet, move in into my place instead."

"Magbabanyo ka ba o ano?"

"Right." Sinimulan niyang maglakad na animo'y kabisado ang buong lugar. Napataas ang kilay ko dahil tamang lugar ang napuntahan niya.

"I know you're already set so goodnight, Nyle," pinagtutulakan ko siya palabas ng pinto. Sa paraan pa lang ng ngiti niya ay alam ko ng hindi siya mapagkakatiwalaan. At tama nga ako. Bago pa ako makahakbang ay agad niya akong isinandal sa nakasaradong pinto. Kinulong sa tigkabilang braso. My heart beats so fast. Feeling ko malulusaw ako sa mga tingin niya.

Sinubukan ko siyang itulak pero hindi man lang siya natinag. He held my chin and traced my lips. "I want to stay with you tonight."

I let him stay tonight in my place pero sa coach siya matutulog. Natatawa ako sa busangot niyang mukha. I threw my excess pillows and blanket para may magamit naman siya. Ilang beses niyang pinilit na gusto niyang tumabi sa akin sa kwarto na hindi ko pinayagan. I know he's expecting something else and I ruined his fantasy. Manigas siya!

I locked the door immediately and changed my clothes into pajamas. Pinatay ko ang ilaw saka natulog nang mahimbing.

---

I opened my eyes and slowly scanned the room. Madilim pa rin sa labas. Nakalimutan ko 'yatang babaan ang temperature ng aircon dahil biglang uminit ang paligid. Sinubukan kong hanapin ang remote sa side table nang may iba akong nakapa.

Sinundan ko iyon nang bigla akong nakarinig ng ingay. I shrugged my head. Panic struck me. Minumulto ba ako? I turned on my lampshade. I was shocked on what I saw.

"Paano ka nakapasok dito?"

Nagkusot pa siya ng mata. Nagising 'yata. "What time is it?"

"Anong ginagawa mo dito?" Nagsimula nang tumaas ang boses ko dahil paano niya nabuksan ang pinto. Bago ako matulog ay sinigurado kong sarado iyon at naka-locked.

The Gorgeous Man's MadnessWhere stories live. Discover now