Prologue

1.3K 41 4
                                    

I usually check my social media accounts kapag hindi ako busy, and also to check what's trending. Scroll lang ako nang scroll sa IG account ko nang mapansin ko ang dati kong classmate noong highschool.

Si Brenda, ang babaeng pasosyal.

Punum-puno ng branded bags, clothes at jewelries ang account niya. Meron pa siyang trips local and international parang celebrity lang ang peg.

It would have been nice to flaunt her luxury things pero sana matuto siyang magbayad ng utang niya. Kung tutuusin maliit lang naman na mahalaga iyon. Katumbas lang naman ng isang Chanel na bag. I wouldn't mind if she would pay it or not.

Ang ganda mo nga wala ka namang pera. Naku lang ha! Ang dami kong kilalang ganyan.

I am looking at myself in the mirror habang busy ang makeup artist sa pag-aayos sa akin. I prepared for three months to make this photoshoot possible. Isang bagong endorsement ang ilalabas sa market sa ibang bansa at isa ako sa napili na mag-brand para sa isang apparel na gagawing billboard.

Tumayo na ako nang matapos ang makeup ko. I put on the clothes then came out of the dressing room.

I was about to step out when I saw my co-models. Naramdaman ko kung paano nila ako titigan mula ulo hanggang paa.

Oh... I love to slap those bitches.

Hindi pa rin nila ako nilubayan ng tingin hanggang sa matapos ako sa harap ng camera, then this one gay man came to approach me. Isa siya sa mga androgynous model.

"What?"

"Wala naman," sabi niya. "I just hate your beard like a bird's nest. Ipatanggal mo, hindi bagay sa'yo"

I sensed the irritation on his voice.

I just laughed at that though. Hindi ko alam kung anong pinuputok ng butsi ng baklang 'to.

"Really? You find it weird?" I crossed my arms. "Bakit kaya hindi mo ipatanggal 'yang nose implant mo? O kaya bawasan mo ang sobrang pag-inom ng glutathione."

Bigla siyang napahawak sa ilong niya. I saw the redness of his face. Paano ba namang hindi sa putla ba naman ng mukha niya? Gawin ba namang hobby ang pagtuturok ng gluta.

Ilang buwan na kong nagtitimpi sa ugali ng tatlong 'to. Ayaw ko sanang mainis ngayon dahil masisira ang makeup ko pero hindi ko talaga maiwasan.

Nakakagigil lang kasi!

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang dalawa niyang asungot sa likuran.

Hinila ko palayo sa studio lights ang isa. "Ikaw lumayo ka sa sobrang liwanag baka malusaw ang silicone mo sa katawan."

I heard the laughter coming from behind me. Sila lang naman ang biktima lagi ng tatlong ulikba na 'to na feeling magaganda.

Nanlaki ang mata ng katabi niya nang tanggalin ko ang face tape sa kaliwang panga niya. "Poor you, my dear," Nakita ko kung paano lumaylay ang taba sa mukha niya. "This tape is not capable of hiding your baby fat."

Nanlilisik na ang tatlong pares ng mata. Kulang na lang ay bumuga sila ng apoy.

They call themselves as Charlie's Angels.

The Gorgeous Man's MadnessWhere stories live. Discover now