Chapter 8

310 8 0
                                    

🔥🔥🔥

Nakabaon naman ang aking mukha sa aking lamesa. Nakakahiya! Nakakahiya talaga! Ilang ulit na ba akong napahiya.

"So ano na?" Tanong sa akin ni Vivian. Nag angat naman ako ng tingin sa kanya. Nakita ko naman ang kanyang ngiting aso kaya binaon ko ulit ang aking mukha sa mesa.

"Ano yong nakita ko?" Sabi ulot niya. Hindi ko lang ito pinansin.

"Kung hindi ako dumating. Baka saan pa umabot yon."

"Aminin mo nga sa akin? May nararamdaman ka ba kay Sir Leighton?" Tanong niya sa akin. Umangat naman ang tingin ko.

"Hindi ko alam! Parang ang bilis." Seryosong sabi ko.

"Mabilis talagang pumasok si sperm!" Natatawang sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Seryoso nga! Ano ba!" Inis na sabi ko sa kanya. Natawa lang ito.

"May papulupot pa sa leeg. Ang higpit ha. Ayaw bitiwan? Masarap?" Umiiling na sabi niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Naramdaman ko naman ang pag init ng aking magkabilang pisngi.

"Tapusin na nga natin ito para makapag break na tayo." Sabi ko sa kanya.

"Oo tapos pagkatapos, alis ka na naman, punta ka restroom tapusin ninyo ang naudlot na nangyari." Sarkastikong sabi niya. Inirapan ko nalang ito at nagpatuloy sa ginagawa.

Napabuntong hininga nalang ako. Kahit anong iwas ko sa kanya, bumibigay rin naman ako pagkatapos. Aminin ko man o sa hindi sa kunting panahon kong nakasama siya para may namumuo na akong nararamdaman sa kanya.

Alam kong sinabi ko na nasa anak ko na ang priority ko pero kusang lumalapit ang grasya. Umiling iling nalang ako. Naaalala ko, nangako ako kina Kuya at sa aking magulang na dapat ipaalam ko sa kanya kung ano ang istado ng buhay ko ngayon. Alam kong may karapatanan siya. Pero may mga tanong na hindi ko maiwasan isipin at napapalitan ito ng takot. Wala rin sa tamang oras ang aming pagkikita palagi nauuwi sa kung anong bagay.

Umiling iling nalang ako dahil palagi nalang pumapasok sa isip ko ang mga bagay na iyon.

"Hoy! Anong nangyari sayo? Kanina ka pa iling ng iling diyan! Iniisip mo naman ang nangyari sa inyo no?! Kay aga aga landi na ang iniisip mo!" Sabi naman ni Vivian. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Kung ano ano ba sinasabi mo diyan!" Inis naman na sabi ko sa kanya.

"Oh? Kamusta naman ang kambal. Hindi ko na nakikita ang dalawang feeling aso ah!" Natatawang sabi niya.

"Ayon. Iba naman ang gusto! Gusto na naman maging robot. Alam mo naman inispoil ni kuya." Sabi ko naman sa kanya. Umasim naman ang kanyang mukha ng marinig ang salitang kuya.

Natawa naman ako dahil sa reaksyon niya.

"Bakit ka ba galit na galit kay kuya?!" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Wag mo ng tanungin. Sasama lang lalo ang masama kung araw." Inis naman na sabi niya.

"Sige na. Sige na. Kailan mo ba ipapasyal ang dalawang yon. Namimiss ko na ang mga iyon." Pag iiba niya.

"Viv! Nakita kami noong isang araw ni Ma'am lucy." Mahinang sabi ko.

"Ano? Hindi ko marinig." Sabi naman niya. Inirapan ko naman ito kaya lumapit naman siya.

"Sabi ko. Nakita kami ni Ma'am Lucy noong isang araw kasama ang kambal." Sabi ko sa kanya.

"Ano! Paano nangyari? Bakit? Paano? Nahalata ba niya? Anong sabi niya? Galit ba siya? Ano?!" Sunod sunod niyang tanong.

I Lust You (COMPLETED) Место, где живут истории. Откройте их для себя