Chapter 3

464 11 0
                                    


****

Nakatingin lang ako ngayon sa bintana ng kanyang sasakyan. Tama ba tong ginagawa ko. Naramdaman ko naman ang kanyang paghawak sa akin kamay kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla nalang niya inihinto ang kanyang sasakyan sa may gilid. At biglang sinalubong ang aking mga labi. Walang pag aalinlangang tinugunan ang kanyang mga halik. Nakapikit ang aking mga mata at dinadama ang kanyang malabot na mga labi.

Nagulat naman ako ng bigla nalang siya bumitaw kaya napatibgin ako sa kanya pero lasing parin sa kanyang mga halik. Naramdaman ko naman ang kanyang kamay sa aking mukha kaya napatingin ako sa kanyang mga mata. Naramdaman ko naman ang kanyang mga daliri na dinadama ang aking mga labi na kagagaling lang sa kanyang nga halik.

"Hindi ako magsasawang halikan ang mga labing yan." Bulong niya at hinalikan na naman ang aking mga labi. Tumugon naman ako sa kanyang mga halik. Naramdaman ko naman ang kanyang isang kamay na hinahagod at pinipisil ang aking bewang at ang kanyang isang kamay na nakahawak sa aking mukha habang hinahalikan niya ako.

Bumitaw ulit siya at humarap sa akin ng may ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko magawang ngumiti sa kanya. Lasing na lasing pa rin ako. Sa halik at sa alak na nainom ko kanina.

"We should stop. Hindi tayo aabot nito." Nakangising sabi niya sa akin. At hinalikan muna ulit ako sa labi bago pinaadar ang kanyang sasakyan. Bigla na nama akong kinabahan.

Hanggang sa makarating kami sa kanyang bahay. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala. Diba ang ibang lalaki ay sa isang hotel dinadala ang mga babae. Pero siya hindi siya nagdalawang isip na dalhin ako sa bahay niya.

Naramdaman ko naman ang pagbukas ng pinto sa aking kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman ito at dinala niya ako sa loob ng kanyang bahay. Bago ko pa magala ang aking mata ay bigla nalang niya akong hinatak palapit sa kanya at sinalubong ng halik. Naramdaman ko naman ang aking likod na nakalapat sa pinto ng kanyang bahay.

Parang hayok na hayok ito na halikan ako. Na parang mawawala ako kung hindi niya mahalikan. Bumaba naman ang kanyang kamay at nilagay sa aking bewang. Hinagod naman niya pataas, baba.

Naramdaman ko nalang na nilagay ko na pala ang aking dalawang kamay sa kanyang leeg. Naramdaman ko na rin ang pag angat ko sa lupa. Nakapulupot na ngayon ang aking dalawang binti sa kanyang bewang.

Naglakad naman siya pero hindi parin kami tumitigil sa paghalik. Kaya parati siyang nababangga sa mga kung ano ano.

Naramdaman ko nalang ang paglapat sa akin sa isang malambot na kama. Mabilis naman niyang tinanggal ang kanyang damit. Napakagat nalang ako sa aking labi ng makitang ang kanyang naglalakihang abs. Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Hindi ko na natapos ang pagbibilang ng bigla naman niyang akong hinalikan. Mabilis naman akong tumugon.

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now