Chapter 42

210 6 0
                                    




🔥🔥🔥

"Ma'am JoceLeen, nandito po si Miss Vivian." Sabi naman ni Lizzie. Tumango naman ako sa kanya.

"Papasukin mo. Sabihin mo nandidito ako sa kwarto ng kambal." Sabi ko naman rito. Tumango naman ang mga ito sa aking sinabi.

Pinagpatuloy ko naman ang aking ginagawa. Hanggang sa may biglang bumulabog sa tahimik ko buhay.

"Hoy! JoceLeen, Ano yong naririnig ko na sinabi ng kambal. Aalis saw sila kasama ng kanilang ama?" Bugad naman niya pagkapasok niya rito sa loob. Tiningnan ko lang siya at nagpatuloy sa aking pagliligpit sa mga damit ng kambal.

Nakalabas na ako ng ospital. Paminsan minsan naman kaming bumibisita sa bahay nila Tita Bella. Pumupunta naman si Leighton doon. Sa susunod na araw ko pa sila ihahatid sa bahay ni Leighton.

Hindi ko pa nakaka usap si Mommy at Daddy. Hindi naman sila nagtatanong tungkol sa nangyari noong nakaraan. Baka hinihintay lang nila akong magsabi.

Pero si Kuya. Hindi man lang niya ako pinapansin, simula noong nakalabas ako sa ospital. Kung gusto niya makasama ang kambal ay pinapasabi lang niya sa mga nanny ito o di kaya kilang mommy at pinapasabi sa akin.

Hindi naman ako galit sa kanya. Nagtatampo lang dahil hindi man lang niya ako pinapansin. Gusto ko naman sabihin sa kanya pero hindi ko nagawa dahil busy siya. Tapos kung wala naman siyang ginagawa ay nilalabas niya ang kambal.

"Hoy! Hindi mo ako papansinin?! May nangyari ba simula noong na ospital ka? Bakit hindi ka man lang nagkwento sa akin?" Tanong naman niya sa akin. Umiling iling nalang ako sa kanya. Hindi man lang niya ako pinasalita.

"Nalaman na niya." Sabi ko naman kay Vivian. Tumingin naman siya sa akin at umupo kaharap ko. Tinutulungan na niya ako ngayong mag tupi sa mga damit ng dalawa.

"Ang alin?" Tanong naman niya.

"Na nagshasabu ako!" Sarkastikong sabi ko naman sa kanya. Inirapan naman niya ako at pabagsak na inilagay ang damit na kanyang tinutupi.

"Malamang ang tungkol sa kambal. Sinabihan ka na nga ng dalawa tapos nagtatanong ka pa." Inis naman na sabi ko sa kanya.

"Tinatanong ko nga ng maayos! Bahala ka diyan." Sabi naman niya.

"Bahala ka rin! Hindi na kita sasagutin." Sabi ko naman sa kanya. Inirapan lang niya ako at pinagpatuloy ang pagtutupi.

"Sure ka talaga? Ano naman ang naging reaksyon niya?" Tanong naman niya sa akin. Nagkibit balikat naman ako bago nagsalita.

Sinimulan ko naman ang kwento. Noong naka alis na si Vivian. Hanggang sa biglang dumating si Leighton.

"Nagulat siya ng pag bukas niya ng pinto. Bigla nalang bubungad sa kanya na mga bata at tinawag pa siyang daddy." Sabi ko naman sa kanya. Tumango naman siya sa aking sinabi at natawa.

"Parang nakakatawang isipin ang pangyayaring iyon." Sabi naman niya. Umiling iling nalang ako sa kanyang sinabi.

Pinagpatuloy ko naman ang pagkukuwento sa kanya sa mga napag usapan namin ni Leighton. Hanggang sa dumating yong part na doon kami titira sa bahay niya.

"Oh? Anong sabi mo? Wag mong sabihin, umuo ka kaagad! Wag namang marupok Joe! Nagkaaminan nga lang. Bibigay ka na!" Sabi naman niya sa akin.

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now