Chapter 33

199 8 0
                                    


🔥🔥🔥



Wala kaming trabaho ngayon dahil mamayang gabi na ang party ni Leighton. Para success ng produkto na pinaghirapan ng lahat. Dadating rin daw ang parents niya mamaya. Siguro kasali na rin ang Welcome Party na para sa kanila.

Nandito sa bahay namin si Vivian naghahanda ng kanyang susuotin. Maaga pa siya dito. Hindi halata na excited siya para ngayong gabi.

"Ano Joe?! Wala ka man lang gagawin?" Tanong naman niya sa akin. Napairap nalang ako sa kanyang sinabi.


"Tita Ganda what's the rush?" Tanong naman sa kanya ni Air. Katabi ko ngayon ang kambal habang nakatingin kay Vivian na naghahanda.

"Maaga pa Viv. Pwede pa naman nating gawin yan mamaya eh." Sabi ko naman sa kanya. Hindi lang siya sumagot sa akin at nagpatuloy sa pag aayos.

"Dapat magsimula na tayo ngayon Joe. Alam mo naman na dapat maganda tayo mamaya. Lalong lalo kana. Kailangan mong mabighani si Sir!" Sabi naman niya sa akin. Nanlaki naman ang aking mata dahil nandidito ang dalawang bata at nakikinig sa mga sasabihin niya.

"Tita Ganda, what do you mean? Who's Sir?" Seryosong tanong ni Wind sa kanya. Doon naman natahimik si Vivian at naalala ang kanyang sinabi. Tinikom naman niya ang kanyang bibig bago nagsalita.

"Alam mo Wind Benjamin, kung palagi kang gumaganyan nagiging kamukha mo ang daddy mo!" Napapikit nalang ako sa aking mata dahil sa kanyang sinabi. Sinamaan ko naman ang siya ng tingin. Iibahin na nga lang ang sasabihin, mas dumagdag pa ito sa problema.


"Really Tita Ganda? Did you saw my dad?" Tanong naman ni Air. Nakangiti ito habang nakatingin kay Vivian. Huwag lang niyang paasahin ang anak ko. Tiningnan ko naman siya at sinenyasan na ayusin ang kanyang sasabihin.

"Yeah! Alam mo naman, may Idol ako. Pareho kayo ng mukha dahil ang gwugwapo ninyo dalawa." Masiglang sabi naman ni Vivian sa kanila. Nakita ko naman ang pagkawala ng ngiti ni Air. Tumikhim lang si Vivian at tinuon nalang ang kanyang pansin sa mga damit.


"Wait! Mag ccr lang muna ako!" Sabi naman niya at nagmamadaling umalis sa kwarto. Napabuntong hininga nalang ako at pinaharap sa akin ang kambal.

"Is it true that Wind is look like daddy?" Tanong naman sa akin ni Air. Tumango naman ako sa kanyang sinabi. Nag aliwalas naman ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi.


"But, hindi na muna ninyo mamemeet si daddy. Dahil complicated pa ang situation. Okay? Hindi pa ninyo maintindihan ngayon dahil baby pa kayo ni mommy. Someday malalaman ninyo rin." Sabi ko naman sa kanya. Nagsitango naman ang mga ito. Kaya bgumiti naman ako sa kanila at hinalikan ang kanilang mga noo.

"Who wants some food?" Masiglang sabi ko naman. Nagsitaas naman sila ng kamay kaya natawa nalang ako. Hinawakan ko naman ang kamay ng dalawa at lumabas kaming dalawa.

Nang makalabas naman kami ay nakita ko naman doon si Vivian na nahuling nakikinig sa loob. Napailing nalang ako. Iniwan niya talaga ako dahil hindi na niya alam kung paano ipaliwanang. Mas mabuti na rin iyon para hindi na siya madulas pa at kung ano ano ang kanyang sasabihin.


"Saan kayo pupunta?" Tanong naman niya sa amin.

"Sa baba. Kakain na ang dalawang ito eh. Ipaghahanda ko lang." Sabi ko naman sa kanya. Tumango naman siya. Sumunod naman ito sa amin hanggang sa kusina. Panay na naman ang talak niya about sa party mamayang gabi.


I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now