Prologue

1.1K 17 0
                                    

🔥🔥🔥

Nakangiti ako habang iniisip na isuprisa ang pinakamamahal kung boyfriend. Apat na taon na rin kami ngayon. Nagkakilala kami noong college hanggang ngayon. Pinasok niya rin ako dito sa kompanya nila. Pagmamay ari kasi nila ito.

Malapit na rin ang out namin ngayon. Nag iisa lang naman ang kompanya na pinapasukan namin. Sa madaling salita, boss ko siya at empleyado niya ako. At kung magkikita man ininform naman namin ang isa't isa kung saan magkikita. Kunti lang rin ang nakakaalam sa relasyon namin. Yon malapit lang sa amin ang nakakaalam. Ako rin ang nag pursue sa kanya na wag sabihin para maayos ang takbo ng kanya kanya naming buhay dito sa kompanya. Sumang ayon naman siya. Busy rin siya palagi dahil maraming ginagawa bilang may ari ng kompanya.

"Joe, tapos kana? Malapit na ang out natin. Bar naman tayo!" Masiglang sabi ni Vivian. Siya ang kaibigan ko dito sa kompanya. Hindi niya alam ang namamagitan sa amin ni David. Yon ang pangalan niya.

"Hindi na. Sa susunod nalang. May pupuntahan pa kasi ako." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Oh, sige. Basta ha! Sa susunod." Nakangiti sabi niya. Tumango naman ako. Nag ligpit naman ito sa mga gamit niya na nasa table niya kaya napagpasyahan ko na rin na mag lipit. Kinuha ko na rin ang paper bag na nilagyan ko sa mga regalo ko na ibibigay kay David.

Pagsapit ng 7 p.m. ay napagpasyahan kung pumunta sa opisina niya dahil kaunti nalang ang natitirang tao dito sa loob ng building. At kung magtatagal naman siya dito ay siya nalang at ang secretary niya ang maiiwan sa pinakataas na floor.

Nakangiti akong sumakay sa elevator papuntang itaas habang dala dala ang paper bag. Iniwan ko muna ang bag ko sa table ko at kukunin ko lang ito pagkabalik ko.

Pagtunog ng elevator ay nakita kong sa opisina nalang ni David ang may ilaw. Wala rin ang kanyang secretary siguro may pinagawa siya. Hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi ko habang nalalakad.

"Ohhh! Ahhh!" Napakunot naman ang noo ko ng marinig ang mga tunog na iyon. Sigurado akong nagmula iyon sa opisina ni David.

"Harder! Ahhh!" Nanatiling nakabukas ang pintuan ng opisina ni David. Nagmadali naman akong pumunta sa loob. Bago pa ako makatapak papasok ay nagsimula ng lumandas ang mga luha sa aking mata.

"Faster, baby!" sabi ng secretary niya. Naabutan ko naman si David at ang secretary niya na gumagawa ng kamunduhan sa itaas ng mesa sa opisina niya.

Napapulupot ang magkabilang binti sa bewang ng boyfriend ko habang bumabayo ito na nakatayo. Pareho silang nakapikit at dinadamdam ang langit.

Hindi ko naman namalayan na nahulog ko na pala ang dalang kung paper bag kaya nakagawa ito ng ingay sa kanila. Napatigil naman ang mga ito at napatingin sa direksyon ng tunog. Nagrehistro naman ang pagkagulat sa mukha ni David ng makita kung sino ang naroon. Pati ang secretary niyang hindi parin umaalis sa pwesto dahil sa gulat.

Tinanggal naman ni David ang mga binting nakapulupot sa kanya. Nanatili ang tingin ko sa kanila habang nagpatuloy ang paglalag ng mga luha sa aking mata. Ang sakit sa dibdib na makita ang tanginang pangyayaring iyon.

Nagtangkang lumapit sa akin si David. Umatras naman ako. Napatingin naman ako sa secretary niya nakayukop habang nanatili ito sa taas ng mesa nakaupo.

"Love" mahinang tawag niya sa akin. Mas lalo akong napaluha dahil sa pagtawag niya sa akin. Humakbang ito palapit para makawakan niya ako. Madami akong gustong sabihin pero hindi ko magawang sabihin dahil pagkagulat sa pangyayari pati na rin sa sakit na binigay niya sa akin.

"Kailan pa to?" Naluluhang sabi ko. Napayuko naman siya at hindi nagkaroon ng sagot sa tanong kong iyon.

"Kailan mo pa ako sinimulang lukuhin?" Tanong ko ulit sa kanya. Napatingin naman ako sa babae na nakayuko lang.

I Lust You (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon