Chapter 8

1.5K 81 4
                                    

Authors POV

Nakatanaw lang si Nathalie sa dalawang taong naguusap, sa sobrang busy niya sa pagtingin sa dalawa, hindi na niya namalayan na may tumulo na palang mga luha sa kanya. Di niya alam kung bakit lumuluha siya ngayon. At mas lalong di niya alam kung bakit naramdaman niyang may kumirot sa puso niya.

"Ito na ba yung feeling na nababasa ko sa mga stories sa wattpad?" Tanong niya sa isip niya. Hindi pwede. Sagot niya sa mga katanungan niya sa isip niya. Alam niya kasing ganito din yung mga nararamdaman ng mga bida sa stories na nababasa niya.

Agad siyang tumalikod at nagsimulang tumakbo. Sa sobrang bilis niya may nabangga tuloy siyang lalaki. Lumanding tuloy siya sa lalaking nakabangga niya at ang pinakamalala eh pati lips niya nag landing din sa lalaki.

Habang ang mga labi nila ay magkadikit pa, nagkatitigan sila. Kaloka. Hindi muna tinanggal ang kanilang mga labi sa isat isa. Hmp!

Pagkatapos ng kanilang pagtitigan, hiniwalay ni Nathalie ang kanyang labi sa lalaking nakabangga niya at tumayo na din. Alam ni Nathalie na pulang pula na siya ngayon dahil nararamdaman niyang umiinit ang mukha niya. Sa sobrang hiya niya napayuko na lang siya.

"A-ang f-first kiss ko." Napaangat ng ulo si Nathalie at nakita niya ang nakabangga niya na nasa sahig pa din habang hawak hawak ang mga labi nito.

"F-first kiss mo?" Gulat na taong ni Nathalie sa nakabangga niya. Pano kasi , sa mga nababasa niyang story palaging girl ang nawawalan ng first kiss, pero ngayon lalaki ang nawalan ng first kiss.

"O-oo f-first kiss ko yun eehhh! Uwaaaaaaaah~!" At mas lalong nagulat si Nathalie ng maglumpasay yung lalaki sa sahig.

"U-ui, tumayo ka diyan."

"Huhuhuhu! Kinuha mo ang virginity koo!"

Nanlaki ang mga mata ni Nathalie. Nakakuha na tuloy sila ng atensyon. Ang O.A naman kasi nang lalaki. Pag nakuha ang first kiss, nakuha na din ang virginity? Kaloka!

"O-oi, p-pinagsasabi mo jan?" Gusto nang lumubog ni Nathalie sa lupa nang dahil sa sinabi ng lalaking yun.

"Huhuhu! Hindi na virgin lips koooo~!" Hiyang hiya na si Nathalie dahil sa lalaking yun. Dinaig pa ang isang babaeng nakunan ng first kiss.

"Bakla ka ba?" Natanong niya out of the blue. Bigla namang nagseryoso yung lalaki.

"Hindi ako bakla." Sagot nito na nakatingin sa kanya ng seryoso.

"Eh bat kung makaarte ka jan para kang bakla?" Bukod sa hiyang hiya na siya, naiinis na din siya. Sarap itapon  sa Ilog Pasig.

"Eh kasi naman yung virginity ng lips ko, nakareserve na yun sa babaeng mamahalin ko~" bigla na namang nag lumpasay ang lalaki nayon.

"Hayaan mo na, meron pa namang First Real Kiss eh, kaya wag ka nang mag inarte jan, tumayo ka na,"

Hindi pa din nag patinag ang lalaki. Nag lumpasay pa din sa sahig.

"Mas maganda pag siya pa din first kiss ko~" Nawawalan na ng pasensya si Nathalie.

"Bahala ka nga jan!" Inis na umalis si Nathalie.

***

Dito naman tayo sa sitwasyon nila Daryll at Sophia. Kasalukuyang hinahalikan ni Daryll si Sophia dahilan para matulala si Sophia ng ilang segundo.

Napabalik sa mundo si Sophia at inilayo ang labi at sinampal si Daryll.

"Wag mo na akong pakikielaman!" Aalis na sana si Sophia nang hawakan siya ni Daryll sa braso dahilan para tumigil siya sa paglalakad.

"Ano munang rason kung bakit mo ko iniwan?" Tanong ni Daryll

"Hindi pa ba sapat yung sinabi kong boring ang relasyon natin?!" Sagot naman ni Sophia.

"Hindi! Bigyan mo ko ng isang malalim na dahilan!" Sigaw ni Daryll

"Gusto mong malaman? Sige! I used you! I used you because I want to be popular! I used you because of Fame!"

I used you!

I used you!

I used you!

Ilang beses nag paulit yung sinabi ni Sophia sa utak ni Daryll, nasaktan siya, dahil first time niya lang magmahal tapos magiging epic fail lang. Ansakit! Tagos tagusan sa backbone yung sinabi ni Sophia kay Daryll. Paalis na sana si Sophia nang may nasabi si Daryll na siyang kinabigla niya.

"Then just use me"


§§§§§§§§

Sana po may mag vote at mag comment new character po. Park hyungsik

Loving a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon