Chapter 17

1.5K 62 30
                                    

Nathalie's POV

Nandito ako sa isang coffee shop, thinking some random thoughts. Alas kwatro y media na ng hapon at hindi pa rin ako nauwi sa bahay namin, but I texted my Mom para sabihin na may  project pa akong tatapusin. I just want to be alone.  

Nakakatawang isipin na nagsinungaling ako kay Mommy para lang mag stay dito sa isang coffee shop. Hindi pa ako nagsinungaling sa kaniya-- I mean, yung sasabihin na may project na tatapusin tapos gagala lang? I never did that. Ngayon lang. Sinusulit lang, malay mo mamatay na ako bukas? Napatawa tuloy ako ng wala sa oras sa naisip ko.

 But seriously, ngayon ko lang naisip na ganito pala yung feeling ng parang nasa isang hukay na ang isang paa mo, yung pakiramdam na kinakabahan ka sa pagtulog mo kasi baka kinabukasan, hindi ka na magising. Ganito pala yung pakiramdam na gusto mo ng gawin lahat ng di mo pa nagagawa. Doing some sweet actions to your parents para lang maiparamdam mo yung pagmamahal mo sa kanila. I want to do that. Im not a sweet person, but I want them to feel my love, so I want to be a sweet person. I'm willing to be. 

Naglakad na lang ako papunta sa amin, isang oras akong naglakad dahil malayo layo ang coffee shop na pinuntahan ko. Alas singko y media na ako nakarating sa bahay, naghahanda na sila Yaya ng pagkain para sa dinner. Come to think of it, ngayon ko lang napansin na ang tahimik ng bahay namin. Napailing ako sa napansin ko. Lately, napapansin kong ang dami kong napapansin sa paligid ko. Ganun siguro talaga pag malapit ka ng mamatay. Joke. 

Binati ako ng mga kasambahay namin, binati ko rin sila at ngumiti. Umakyat ako sa kwarto at humiga sa kama ko.

Naalala ko si Keisha, ilang araw na siyang hindi napasok. Wala akong balita sa kaniya. Kinuha ko yung phone ko and dialled her number. Ilang ring ang narinig ko pero wala pa ring sumasagot. I just ended the call. Pinindot ko na lang yung Voice Mail. I wonder, bakit hindi siya sumasagot sa tawag ko.

"Keisha.."

Automatic na namuo ang luha sa mata ko pagkabanggit ko ng pangalan niya. Nam-miss ko na ang bestfriend ko, gusto kong i-kwento ko sa kaniya yung mga nangyari sa akin.

"Where are you? I miss you Keisha."

I sent the voice mail bago niya marinig ang hikbi ko. Ayaw kasi niya na umiiyak ako. Sabi niya pag nasasaktan daw ako, o kaya ay may problema ako,huwag ko daw dibdibin. Wala daw kasi akong dibdib. Kaya imbes makatulong siya eh nagalit pa ako sa kaniya, pero agad naman siyang bumawi.

"Tuhudin mo Nat. Kneel down and Pray."  She said with a smile.

Napangiti ako nung naalala ko iyon. Kahit maraming kalokohan si Keisha, hindi naman siya mawawala kapag may problema ka.

***

Nagising ako ng ala siete y media ng gabi. Bago ako bumaba nag-shower muna ako hindi pa kasi ako nag bibihis. Pagka-baba ko sa sala, wala sila Mommy kaya nag-tungo ako sa sala. At tama nga, nasa kusina na sila, nag uusap, naririnig ko na ang boses nila kaso di ko maintindihan ang pinaguusapan nila. Napangiti  ako, masaya akong naglakad sa kusina ngunit napahinto ako.

"...dalhin sa Amerika." Wika ni mommy. Napakunot ang noo ko.

"Inayos ko na yung mga papeles niya. Siguro after 2 days makaka alis na kaagad tayo. Yung Lola niya nam-miss na siya."

For the moment, natulala ako. Sa Amerika? Aalis kaagad? Sumilip ako sa pinto ng kusina namin, naka-takip ang kamay ni Mommy sa mukha niya habang si Daddy naman ay nakatulala sa pagkain niya.

"Pa, n-natatakot ako." My mom suddenly cries. Dahil sa nakikita ko, namumuo na ang mga luha sa mata ko. I really hate when my mom is crying. Di ko na napigilan at napa hikbi na rin ako. Napalakas ata ang hikbi ko kaya napatingin sa direksyon ko sila Mommy.

Loving a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon