Chapter 1

3.9K 90 6
                                    

Nathalie's POV:

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

*Kringggggggggggggggggg*

(bell po yan ah! Ahaahha)

Yes! Tapos na ang klase! Wala naman kasi kaming ginawa. Nag introduce introduce lang kami. First day palang kasi. Kaya nga uwing uwi na ako eh. 

By the way, Ako nga pala si Nathalie Faith Lim, 16 na ako, 4th year high school na sa Xavier Academy. 

Anyways, Papunta na ako sa room ng best friend kong si Keisha

"Uyy Faith, Tara na?" sabi ni Keisha nung pumunta ako sa room nila.

Si Kesha Lee, 16 years old, Maganda din siya, May pag kakikay nga lang. Hindi nawawala ang make up niya sa tabi niya. Kailangan pag-aalis siya, kasama niya ang make up niya baka daw pangit siya. Nakakahiya daw. Pero believe me, kahit di yan mag make up ang ganda niya.

"Sige. Tara na" 

At ayun lumakad na kaming papuntang gate. Ang school namin ay isa sa pinakamalaking school dito sa bansa. Yung tuition dito ang mahal, ayoko nga sanang mag aral dito kaso lang yung mga magulang ko at si Kuya dito gumraduate. Kaya kilala na dito ang Lim.

By the way, malapit na kami sa gate ng school ng may nakita kaming pinagkakaguluhan, at syempre sino pa ba? Ang bad boy prince ng Xavier Academy, bakit tinaguriang bad boy? Because of his aura, and his attitude. His eyes are cold, yung kapag tinitigan mo siya malulusaw ka? Ganun. Kaya yung ibang babae di tumitingin sa kanya kapag nakikipagtitigan siya. And his attitude? Grabe! Mabangga mo lang siya titignan ka na niya ng masama! Like duh! Kahit di mo sinasadya ipapahiya ka niya? Ganun! Ganun siya ka bad boy! Pero bumagay naman sa kanya, kasi gwapo siya, matangkad, matangos ang ilong at may mapupulang labi. But take note, apo siya ng may ari ng Academy na 'to, at hindi siya basta basta kasi pangalawa siya sa matatalino sa Academy na 'to. Di katulad ng iba na kung makapag mayabang kala mo bagay sa mukha nila? Kala mo may ipagmamalaki. Di nila alam mukha lang silang tambay sa kanto. Pft. Kidding aside. Hahaha. But anyway, I don't care about him.

"Best, Ang gwapo talaga ni Daryll noh?"-Keisha

"Oo nga best, kaso ang sama ng ugali niyan noh?" sabi ko habang nakatingin pa din sa kaniya.

Aaminin ko gwapo siya, marami ngang nahuhumaling jan eh, Perfect na nga halos siya eh.

Ganon na ba talaga ang mga gwapo ngaun? Kailangan may diperensya sa ugali? Tsk tsk.

Binatukan naman ako ni Keisha,

"Araay!" sabi ko habang hawak ung batok ko.

"Tanga ka? Kaya nga bad boy prince tawag sa kanya eh kasi nga Bad boy siya." Sabi niya habang nakatingin sa akin ng masama.

"Maka tanga wagas? Alam ko naman na bad boy prince siya eh, kaso dapat itsura lang wag ugali, Tsk tsk." Sabi ko.

"Pero alam mo ba best, under yan sa Girlf- Ex niya pala." Sabi niya. Grabe ah. Swerte nung girl na under niya yung bad boy prince.

"Talaga?" Sabi ko

"Oo kaka-break nga lang nila kahapon eh. Pero di niya tanggap, Mahal niya kasi eh" sabi niya. Tsismosa ang babaeng 'to.

Loving a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon