Chapter 6

1.9K 74 3
                                    

Nathalie's POV

Sabay kami ni Daryll pumasok sa room at siyempre maraming mga dakilang chismosa, maraming nagbubulungan, at siyempre kasama na dun ang aking kaibigan na si Keisha, siguro kung wala lang kami sa classroom eh, nagtatatalak na to. Umupo na ako sa tabi niya. Magtatanong sana siya kaya lang dumating na yung adviser namin.

"Goodmorning class" bati ni maam

"Goodmorning Maam" we said in chorus.

"May bago kayong kaklase, so i hope maging mabait kayo sa kanya" sabi ni Maam tapos tumingin siya sa may pinto

"You may come in"

Pagtingin ko sa may pinto.

0___0

Yung kaagaw ko kay Daryll andito 

0__0

Lah!  Erase! Erase! Wala akong sinabing ganun ah!

Take two tayo.

Yung ex ni Daryll andito?

Yan ang dapat kong sasabihin.

Tumingin ako kay Daryll , nakita kong nabigla din siya tapos tumingin siya sa akin. Nagtatanong  ang mga mata ko nang "Bakit di mo sinabing ngayon siya magtatransfer?" at sinagot naman niya gamit ang mga mata niya nang "Di ko din alam" .

Tumingin na ako sa harap dahil nagsalita na yung ex ni Daryll.

"Hi everyone, I am Sophia Rodriguez, 16 years old, I hope we can be friends" sabi niya yun habang nakatingin kay Daryll

Psh. Tag landi tong babaeng to.

Tumingin ako kay Daryll at ang Damuho, namumula ang tenga, tag landi din tong lalaking to eh.

Tapos na palang mag pakilala yung Sophia na yun.

At dahil wala ako sa mood makinig, Tumingin ako sa may bintana nakapalumbaba pa ako nun nang biglang naalala ko yung pinagusapan namin ni Daryll kanina, ngayon na siguro kami magsisimula bilang mag fake girlfriend at boyfriend dahil andito na si Sophia, mangyayari kaya yung mga nababasa ko sa ebook at wattpad, yung tipong magsisimula kami sa fake relationship tapos maghoholding hands  tapos  magkikis- ay! erase! erase! Ano ba tong iniisip ko.

Naputol ang pag-iisip ko nang mapansin kong nakatingin lahat nang kaklase ko sa akin, napataas ako ng kilay at tinignan si Keisha

"Bakit sila nakatingin sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Tawag ka kasi ni Maam" sagot niya

Napatingin naman ako sa harap, halatang tinawag nga ako ni Ma'am kasi nakatingin ito sa akin.

"Bakit po Maam?" tanong ko.

"Your spacing out Ms. Lim,  my question is  what is Thermodynamics?" tanong ni Ma'am

Isip! Isip! Nabasa ko yan eh.

10%

15%

25%

35%

56%

75%

85%

95%

10-

Bago pa mag 100% yung utak ko, May tinawag si Maam, at yun ay si Damuho.

"Yes, Mr. Alvarez?"

"Thermodynamics is a branch of physics concerned with heat and temperature and their relation to energy and work" sagot naman ni Daryll

Loving a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon