Chapter 13

1.5K 63 5
                                    

Nathalie's POV

Hindi ko alam kung bakit sinabi yun ni Zach. Kinakabahan ako kasi wala pang nababalitaan si kuya na may boyfriend ako. Oo nagka - boyfriend ako, pero hindi ko yun pinakilala sa kanya, kasi hindi naman ako nag seryoso non.

"Ah..wait lang kuya..ka-kausapin ko lang siya." Tapos hinila ko na si Zach, malayo kay kuya. Jusko! Nagkandautal - utal pa ako kay Kuya. Alam ko kasing sesermonan ako niyan pag - uwi namin. Ayaw pa niya kasi akong mag - boyfriend, dahil baby pa daw niya ako. Sweet noh?

"Bakit mo sinabi yun kay Kuya? Sesermonan ako 'nun pag - uwi!" Galit ko sabay kotong sa kanya. Agad naman siyang napahawak dun.

"Aray ko! Malay ko ba! Akala ko kasi-" di na natapos yung sasabihin niya kasi hinampas hampas ko siya.

"Anong akala mo?!"

"Aray! You're a fvcking saddist! Stop- Aray- Fuck! Pwedeng patapusin mo ko?!" He said. Tinignan ko lang siya ng masama.

"I thought he's your suitor - stop! Makinig ka muna kasi! Okay, I thought he's your suitor, so plano ko sana siyang lokohin, pag - selosin, and what - so - ever na feeling na mararamdaman ng isang suitor if they knew na may boyfriend na yung nililigawan niya."

"Ganun lang?" He nodded. "Purkit may kasamang lalaki manliligaw na? Eh paano yan? Sesermonan ako ng Kuya ko pag - uwi? Siraulo ka kasi eh."

"Sorry naman." Napailing na lang ako at hinila siya papunta kay kuya na inip na inip na ka - ka - antay sa akin - amin.

"Ah sorry Kuya, may sinabi lang ako sa kanya." Napataas ang kilay ni Kuya sa sinabi ko, at tumingin sa akin na sinasabing " ipapakilala mo o hindi?"

"A-ahaha, Zach, si Kuya Nathaniel, Kuya, Si Zach,

Boyfriend ko."

****

Andito kami sa isang restaurant ngayon nila Zach at Kuya. Yup, kasama siya dito dahil siya ang nag imbita kay Zach. Gusto niya daw kasing makilala. Mag - katabi kami ni Zach, tas sa harapan namin si Kuya na nakatitig lang sa amin. Alam mo yung awkward? Grabe! Naiilang ako kay kuya! Siguro napansin ni Zach na naiilang ako kaya tinawag niya yung waiter at nag order ng makakain namin. Nung dumating yung pagkain namin, nawala yung awkwardness, o siguro gutom lang kami. Biglang nag salita si Kuya , kaya napatingin kami sa kanya.

"So, ilang months na kayo?" Bigla kaming napatingin ni Zach sa isa't isa at sabay na sinabing,

"8 Months/6 Months" ako/siya.

"Ah, 8 months na po pala! Ang bilis ng panahon. Hehehe." Halatang kabado si Zach, dahil nanginginig siya kung mag salita. Napatingin naman ako kay kuya na na nakunot na ang noo na naka - tingin sa akin.

"Sorry po Kuya, makakalimutin po kasi siya kaya ganun." Paumanhin ko.

"So, matagal na pala kayo, bat hindi mo pa siya pinakilala sa akin, kay Mom and Dad?" Tanong niya.

"A - ah, sasabihin naman po namin yun, plano na nga po namin na, pag one year na po kami, tsaka na namin sasabihin." Rason ko. Buti na lang napag - handaan ko ito kanina sa sasakyan!

"Oh, paano kayo nag ka- kilala Zach?" Napatingin naman ako kay Zach na napatigil sa pag nguya. Tumingin siya sa akin at lumingon ulit siya ng dahan dahan kay kuya, habang nilulunok yung pagkain niya.

"N-nagkakilala kami sa may fishbolan, ano, nag iisa na lang kasi yung kwek kwek nun, tapos, nung tutusukin ko na sana, tinusok niya na kaagad, at kaagad sinawsaw sa suka, tas kinain. Tapos yun, nag away kami, hanggang sa pag tingin namin sa isa't isa, biglang huminto yung oras ko. Tapos, biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Tapos yun, inistalk ko siya, nalaman ko yung name niya, and her section. We became friends, we confessed our feelings to each other,  I courted her. Tapos sinagot niya na ako." Napa - nga - nga kami ni Kuya sa kwento niya. Halatang gawa gawa niya lang kasi walang fishbolan sa may tabi ng school namin.

"Oh. So that's your relationshit started. Nice. Are you a basketball player?"

And that's their conversation started. Di na ako nakinig, kasi di naman ako maka - relate dyan. Kumain na lang ako at nag tingin tingin sa mga napasok, nang biglang pumasok ang hindi ko inaasahan. Daryll with Sophia. Naka - akbay siya kay Sophia. Bagay silang dalawa. Biglang sumakit yung puso ko sa naisip kong yun. Naramdaman kong hinawakan ni Zach yung kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya. Wrong move pala kasi muntikan na kaming mag kiss, buti tumingin ako kay Kuya.

"H'wag mo namang ipahalata sa Kuya mo na , ako yung pinakilala mong Boyfriend mo, pero iba yung tinitignan mo."

Nagulat ako ng bigla siyang bumulong. Tumango na lang ako, then suddenly, i want to throw up, kaya nag paalam ako Kay Kuya At Zach na mag c-cr ako. Pag punta ko ng cr dumiretso ako sa isang cubicle at sumuka. Pag katapos kong sumuka, nag hilamos ako. Madalas na kasi akong mahilo at sumuka, hindi naman pwedeng buntis ako, eh virgin pa ako. Napatigil ako sa pag - iisip ng bumukas ang isang cubicle, si Sophia pala, tinarayan niya lang ako at lumabas na ng cr. Di ko na lang siya pinansin at lumabas na din.


Pag ka labas ko , si Kuya, ang saya niya tignan. Si Zach naman nag tetext lang. Ako nalang pala ang hinihintay kasi tumayo na sila pag kakita sa akin then we paid our bills. Hinatid namin si Zach sa school kasi andun daw naka - park yung car niya, then umuwi na kami.

***

Andito kami ni Kuya sa Living Room, wearing our PJ's. Nakahiga ako sa Lap niya ngayon while watching The Walking Dead.

"Nat, do you remember the girl I liked?"

"Yup, yung lagi mong dinedescribe. Hahaha, yung hindi mo pa alam yung name hanggang ngayon." I said while munching Mang Juan.

"Hahaha, yeah, but guess what, i saw her kanina sa restau." He happily said.

"Really?! Bakit di mo tinuro sa akin?"

"Nasa Cr ka that time. Grabe! She's so beautiful! Buti na lang nalaman ko na yung name niya."


"What's her name?!" I excitedly asked.


"Sophia Rodriguez."

"WHAAAT?!"

₹₹₹

Taeyeon at the right side

Loving a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon