Chapter 2: Bros

6 1 2
                                    

Alex's POV

While Jihyo unnie is driving i asked her a questions about Eunbi, kilala niya rin kasi ito. She told me that Eunbi is still in their old house which is good pero hindi parents nito ang kasama kung hindi ang mga kaibigan nito. Mga kaibigan

"What's your plan pag nag kita kayo ni Eunbi?" Tanong nito sakin. Hindi ko alam anong gagawin ko.

"Actually, I don't know. U think i'll just act cold towards her and also to her friends." sabi ko napatingin naman sakin si Jihyo unnie.

"Why?" Tanong nito sakin.

"I don't even know whyyy." I whine.

"Wow, siraulo ka." Sagot nito sakin at nag drive na lang. After 30 minutes of driving in silence nakarating na kami sa bahay.

"We're already her." Jihyo unnie said. "Ako na bahala sa bagahe mo" pagdudugtong nito.

"Okay, thankyou." I unbuckled my seatbelt and got out of the car.

Pagkalabas ko ng kotse ay tinignan ko ang paligid, may konting pagbabago. Napatingin naman ako sa katabi ng bahay namin. Ang bahay nila Eunbi, lumapit ako dito ang daming nagbago.

Habang tinitignan ko ito ay may narinig akong ingay sa loob na parang nag aaway, aalis na sana ako kaso narinig ko ang pagbukas ng gate at may lumabas na dalawang babae. Nakatingin lang ang mga ito sakin tinignan ko naman sila ng walang expression sa mukha.

"Alex, tara na sa loob." Sigaw ni Jihyo unnie. Napansin ko naman na nanlaki ang mata ng dalawang babae sa harapan ko. Tumalikod na ako at naglakad palayo sakanila, pero bago ako pumasok sa loob ng bahay kung nasan si Jihyo unnie ay tinignan ko ulit yung dalawa, ganun parin ang itsura nila.

Yujin's POV

"Yena unnie, bilisan mo nga dyan" Sigaw ko."

Pupunta kaming convenience store ngayon dahil ililibre ako ni Yena unnie, natalo kasi siya sa laro namin at may pustahan yun na kung sino man ang matatalo ay kailangan niyang ilibre ang mananalo hehe.

"Teka wait sandali." Sigaw naman nito habang papalapit sakin.

"Ibibili mo ako ng kahit ano ha." Sabi ko kay Yena unnie ng makarating ito sa gate kung saan ako naghihintay.

"Akala ko ba ililibre lang kita ng ice cream." Sagot nito sakin

"Hindi, ililibre mo ako ng KAHIT ANONG GUSTO KO." Sabi ko sakanya while emphasizing the word KAHIT ANONG GUSTO KO hehe.

"Ano? Akala ko ba ice cream lang usapan ang daya mo" Sabi nito sabay batok sakin.

"Akala mo lang yun" Sabi ko sakanya sabay batok.

"Bakit mo ako binatukan? Mas matanda ako sayo."

"Kasi binatukan mo ako kaya babatukan din kita." Sabi ko sakanya.

At bago pa kami mag suntukan ay binuksan ko na ang gate pagkalabas namin ay may nakita naman kaming matangkad na babae sa labas ng bahay. Nakatingin lang ito samin ng walang expression sa mukha. Tatanungin ko sana kung anong kailangan niya pero may biglang tumawag sakanya na isa pang babae.

Promise [Eunbi X Fem Reader]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon