12

390 22 4
                                    

Chapter 12: Date

"I am looking forward to it, Jin."

I am too, Shine. And now is that day. Our date in the park that he's been looking forward with. Magmula nang magsimula ang araw ko ngayon ay naging maganda na ang mood ko. I even listen to a retro music while I'm on my way to fetch my beautiful sunshine. My whole life, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. I didn't know that falling in love feels like this.

Tatlong katok sa bintana ng passenger seat ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. There he is, my beautiful Shainon. Pinagbuksan ko siya ng pinto and he's dashing wearing a purple kimono. Naka bagsak ang buhok niya ngayon.

"Pasensiya na. Kanina ka pa ba?" tanong nito habang naglalagay ng seatbelt. He brushed his hair using his hand that made me wonder how soft it is.

"Kakarating ko lang rin," nakangiti kong sagot sa kaniya. "Shall we?"

He smiled brightly at me na tila pinaparating na hindi na siya makapaghintay pa. Finally, Shainon inside my car with only the two of us. Listening to some cheerful songs while enjoying the ride. Luckily, today is also a clear, sunny, day.

"I can't wait to try every rides, Jin!" Shainon beamed at nakita ko pang ilabas niya ang kaniyang kamay sa bintana ng kotse.

He's feeling the wind like a teenager who's having a one day getaway with his childhood sweetheart. Well, he is a sweetheart for me.

"Mind you if I ask, you haven't experience going on a park eversince?"

I shouldn't have asked that, pero mukhang hindi naman siya nabigla. Tipid siyang ngumiti at tumingin sa harap na tila ba may inaalala mula sa nakaraan. His eyes reflected both sadness and loneliness.

"As you can see, I grew up in a very strict household," panimula niya. "Pinalaki akong pormal, they never let me socialize with kids my age. Marahil siguro ay sa ganoon ding environment pinalaki ang mga magulang ko, but I can't help but to feel jealous of the kids around me. Bilang only child at iniistriktuhan pa, I can't help but to feel like that everytime, Jin. I really hate it. I also hate that I don't have a choice."

Well, it's not a surprise anymore. Sa galaw pa lamang niya, halata na kaagad kung sa anong klaseng environment siya pinalaki. Pero nakakalungkot nga ang ganoon. Me and Jun, pinalaki kaming malaya ng mga magulang namin. They let us experience anything kahit sa pagtayo mag-isa kapag nadapa. They are only there to guide and support us, but never did they choke us on our necks.

"Mabuti naman at ngayon, kahit papaano ay hindi ka na hinihigpitan? I mean, nakakalabas ka na ng ganito?"

He was shocked with that question. That taken me aback. Yumuko siya na tila ayaw tignan ng diretso ang mga mata ko pero kalaunan ay tumingin muli sa akin habang nakangiti. His smile never even reached his ears. His eyes shouts gloominess.

"Yeah, it's a good thing."

Feels like he is lying.

Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa kaniya at sa pamilya niya. I don't want him to feel uncomfortable kung kaya nagbukas na lamang ako ng panibagong topic. Hanggang sa nakarating kami sa park at sa sasakiyan pa lang, halos hilahin na niya ako pababa. His eyes sparkled in an instant. That's good.

"I want to ride that first!" turo niya sa rollercoaster!

Fuck, the ride I hate the most. Hindi sa takot ako sa ride na iyan. Noong maliit kasi ako ay muntik na akong mahulog diyan. But fuck, if it's what my sunshine wants. Then here goes nothing, I guess. Ayaw kong biguin ang napakasaya niyang mukha.

Hindi ko lang akalain na halos lahat ng rides ay sasakiyan namin! We even rode the rollercoaster three times for heaven's sake. It became his favorite and became my worst nightmare. Not even when I was young I rode all of the rides for a day this crazy! I felt like my whole world was spinning noong gabi na. But my Shainon, he is still as energetic like a bull in the run. Binuhos niya yata ngayong araw lahat ng frustrations niya magmula nang maliit siya. That made ma laugh secretly.

Pero ayos lang. As long as he is happy, I'll give anything for him.

"Happy?" tanong ko noong napagod na siya sa paulit-ulit na pagsakay ng rides.

Inabot ko sa kaniya ang isang ice cream na nabili ko malapit sa bench na kinauupuan namin. Sa harapan namin ay isang fountain at matatanaw rin ang napakataas na ferris wheel na huli naming sinakiyan kanina. Maya-maya ay ang fireworks na ang matatanaw roon. Kids are running around at may mga mascot pa na may hawak na mga lobo. Well, this is relaxing.

"That was fun!" Shainon giggled at hindi ko na naitago ang tawa ko noong makita ko ang mga ice cream sa paligid ng labi niya.

I unconsciously wiped it using my thumb feeling his soft tender lips in there. Nahugot ko ang aking hininga habang tinititigan ang mapula niyang labi. It's tempting.

"Ay makalat ba? Sorry, Jin. Thank you," sabi niya.

I cleared my throat at nag-iwas ng tingin. He is so innocent, I felt sorry. My heart was beating hard though. Noong sinilip ko siya ay tila wala naman siyang napansin at patuloy lang sa pagkain ng ice cream. What a lucky ice cream to be licked like that. Sana maging ice cream na lang ako sa susunod na buhay.

"Hindi ba magtataka ang parents mo na wala ka pa ng ganitong oras?" nag-aalala kong tanong.

He looked up at me, lights are reflecting his beautiful face.

"Don't worry. They are on a business trip."

That's a relief. Gusto ko pa siya makasama ng matagal. No. I don't even want this moment to end. At sa isiping iyon, buo na ang desisyon ko.  This moment might be perfect para umamin sa kaniya.

"Shine..." I called him out.

"Hm?"

C'mon Jin, man up. Tsansa mo na iyan. This is the right moment. Let him know. Let him reach your feelings. Kinakabahan man na baka hindi niya maibalik ang nararamdaman ko or I might lose him, as long as alam niya. As long as maiparating ko.

"I..." Okay, here it goes. "I like you."

My voice was drowned by the noise caused by the fireworks. Natuon kaagad ang atensiyon ni Shainon doon. He didn't hear it. Akala ko ang dibdib ko ang sumabog sa mga oras na iyon, kasinglakas ng putok sa kalangitan.

Well, better luck next time Jin. Baka hindi pa ito ang tamang oras.

"Ano nga pala ang sinabi mo?" may kalakasan niyang tanong na hindi pa rin maalis-alis ang paningin sa fireworks.

I smiled and patted his head. Taka siyang bumaling sa akin.

"Nothing. I just asked if you want to do this again."

Next time. For sure.

To. Be. Continue.

🌈 BLS3: Chasing Your Love (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon