CHAPTER 36 :)

34 5 0
                                    

"A boy and a girl can never be just friends forever."
~Shakespeare
---------------------

KATE's POV

Andito kami ngayon sa waiting area ng school. Bakit? Di ko alam pero sinabi nila sa akin este naisip ko naman na kanina kung bakit kami andito. Pero ano nga ba yon? Ah, alam ko na naghihintay nga pala kami ng susunod na klase namin kaya andito kami ngayon sa tambayan namin bakit ba nagsuper malilimutin ako, this past few days. Haiiissstt! Malilimutin na nga ako tapos minsan sasabayan pa ng tibok ng abnormal kong puso.

Pero ang BORING naman wala akong magawa dito. Magpakamatay na lang kaya ako kasi naman napaka-LONER ko, tapos itong dalawang mag-lovebirds pinag-gitnaan pa ako. Ipamukha bang wala TALAGA akong partner tapos sila meron. Tsk, sige sila ng may love life ako ng wala, tanggap ko na

=_= -- Ako
(*^﹏^*) -- Sila

"Pwede ba wag niyo akong pag-gitnaan. Ano ako puso niyo, huh?" Inis na inis na reklamo ko sa kanilang apat.

"Kasi naman why don't you try to open up your heart, para magmahal ulit." Panenermon na naman sa akin ni Angelica. Sige siya ng expertsa love siya na talaga. Tapos ako na yong LONER, tsaka walang lovelife.

"Ayaw ko masasaktan lang ako. Nakakadala na.." Sagot ko kay Angelica.

=_= -- Ako

Tsk, pinagkaisahan na naman ako nitong dalawa kong kaibigan. Kung makapagsalita naman itong dalawang ito akala mo naman napaka-expert na sa love. Kung hindi naman sa bright idea ko dati di naman magkakatuluyan sina Jessy at Micheal, tapos kung di ko naman na meet si Migs di naman sila magkakakilala yong dalawa ni Angelica at Jerome. Ano naman yon? Wala na ba akong justice dito sa story na ito. Hanggang sa huli ako na lang ang laging ganito? Bawian na lang po kaya para fair. Huhuhu.

Dahil sa naglalakbay na naman ang kaluluwa ko sa ibang dimensyon at napunta na naman sa outer space at nakipag meet pa kay Kokey sa planetang Yekok, bumalik lang ang kaluluwa ko ng may magsalita sa tabi ko kaya syempre automatic napatingin ako sa kanya. At isang nakangiting mukha lang ni Doraemon este ni kambal ang nakita ko.

"What's with the face?"

"Jason?" -- Ako

"Ahm.. di na ako magpapaligoy-ligoy pa. I just want to invite you for lunch.." Napatingin lang ako sa kanya from forehead to lips. Ngek? Hmm.. pero invite daw? So, ibig sabihin libre diba? Libre ang kain, wala akong gastos. Pero baka mamaya kanya-kanya palang bayad eh, ayako nga sayang sa baon.

"My treat.." -- Jason

"Okay.." Agad-agad pumayag na ako. Libre daw eh. Hahaha. Wala akong gagastusin sa lunch mamaya.

"Okay. Puntahan na lang kita sa room niyo mamaya." Nagpaalam na sa amin si Jason ng ma-settle na namin kung saan kami kakain mamaya. Nagwave siya sa akin nung oaalis na siya. Ang saya-saya ko naman libre ako ng lunch mamaya. Yes! Wala akong gastos.  Napangiti naman ako dun — pero hindi dahil sa inaya niya akong kumain sa labas, kundi sa libre niya ako mamaya. Ano kayang kakainin ko mamaya? Dapat  lubusin ko na para di ako lugi sa libre diba? Sorry PG lang po ako.

"Napapaano ka?" Napatigil ako sa pagde-day dream ko ng kakainin kong spaghetti tapos may kasamang chicken tapos may sundae dahil sa may narinig akong boses na nagpabilis na naman sa abnormal kong heart.

"Kasi may DATE siya mamaya. Hehehe." Di pa man ako nakakasagot eh, nakasagot na si Angelica. Kasi siya ang tinanong eh, kaya siya ang sumagot *sarcastic tone here*.

"Kanino naman?" Balik tanong ni Migs sa kanila pero sa akin parin siya nakatingin.

"Sa pinsan ko." -- Jessy

Key To Your HeartWhere stories live. Discover now