CHAPTER 31 :)

44 4 0
                                    

"Simple efforts are really appreciated especially when you don't expect someone to do it for you."
~Dhan
--------------------


KATE's POV

Andito kami ngayong apat sa office ni Dean dahil bukas na daw ang alis namin papuntang South Korea. Excited na ako halata ba? Syempre halatang-halata yon, sino bang hindi matutuwa eh, natupad na yong matagal naming wish. Sana makita namin yong favorite K-Pop Group namin bukas. Hehehe. Kasi kung hindi niyo naitatanong fangirl kasi ako este kami pala ng mga K-Pop, kaming dalawa ni Angelica parehas kami. Siguro si Jessy lang ang hindi nakaka-appreciate ng K-Pop groups sa aming tatlo. More on OPM siya lagi pero dahil nga sa lagi namin siyang kasama ayon nahahawa na rin siya sa amin ng konti lang naman. Kasi kaming dalawa ni Angelica OBSESSED na daw kami. Hahaha.

//


Pagkatapos sabihin samin ni Dean ang mga rules and regulations at mga dapat naming gawin dun ay dinismiss na rin niya kami kasi alam kong nafe-feel ni Maam na bored na bored na kami at halatang inaantok na kaming apat. Para kasing nagbabasa ng kung ano si Dean sa amin, ito pa mandin ang ayaw na ayaw ko sa lahat kasi kulang na lang eh, basahin na ni Dean ang buong pages ng kung anong mga constitution kasi baka daw kung ano ang gawin namin tapos di daw namin alam na bawal ang ganito-ganyan. Haayy, para naman kasing di namin nabasa ang batas sa Korea.

Pagkalabas na pagkalabas namin sa opisina ni Dean sa wakas nakahinga na rin kami ng maluwag kasi tapos na si Dean sa mga binabasa niya. Kasunod lang namin sina Jerome at Migs sa paglalakad sa hallway. Di naman kasi halatang excited si Angelica kasi kung makasigaw wagas. Hahaha!

"KYAAHHHH!" Sigaw ni Angelica sa hallway, buti na lang at wala ng mga studyante don. Pero kahit na pakialam ba naman nila. Hahaha.

"Girl, sana makita natin ang Super Junior o kaya U-Kiss o kaya naman SNSD. Waahh! Lali na ang EXO. Excited na talaga ako bukas." -- Ako

"Oo nga eh. Hehehe. Sana nga makita natin sila para naman may sense ang pagpunta natin dun. Yessss." -- Ghec

"Tsk, sana di niyo makita." Sabi nung dalawang negative na kasunod namin.

"Mga Nega!" Sigaw ko dun sa dalawa na parehas nakasimangot lang sa amin.

Iniwan na namin yong dalawang nega at umuna na kami sa paglalakad. Habang naglalakad kami, nakasalubong namin yong dalawang kambal sina Jason at JP. Parehas pa silang nakangiti sa amin nung makita nila kami sa hallway. Si JP umakbay kaagad sa akin nung makalapit sila sa amin. Si Jason naman ay yumakap sa aming dalawa ni Angelica. Nakakatuwa naman silang dalawa kasi bigla na lang silang lumilitaw from nowhere para silang mushroom. Hehehe.

"Hi." Bati namin kina Jason at JP.

"Hello.."

Tagal din naming di nakasama itong dalawang batang isip na 'to ah. Nakakamiss din pala sila kahit papaano lalo na anf kakulitan nila pag magkakasama kami. Wala na kasing isip batang sumusunod sa amin tapos wala ng nagbibigay sa amin ng chocolate.

Pero speaking of chocolate, alam ko galing din sila sa ibang bansa kasi isinali din sila sa academic activity dun. Kasi kahit na isip bata sila matalino din naman sila di lang halata sa itsura nila. Para kasing easy go lucky sila pero may pag ka-nerd din sila. Kumbaga beauty with brains din sila. Oh! Diba pang-universe lang ang peg nila.

"Chocolate namin.." Sabi ni Ghec kina Jason at JP.

"Ako din .." Sabi ko din sa kanilang dalawa. Kasi nag-promise sila na may pasalubong daw kami pagka-uwi nila dito.

Key To Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon