CHAPTER 24 :)

35 5 0
                                    

"We must know that there's always a little truth in every 'JOKE LANG'
a little knowledge in every 'EWAN'
a little emotion in every 'BAHALA NA', a little pain in every 'OK'
Because what you see and what you hear is not always what it is."
~Anonymous
--------------------

KATE'S POV

Ang tagal ko bang natulog para magising ako sa ibang lugar sabagay nasa sakaakyan ako tapos naandar malamang makakarating ako sa ibang lugar, ayyytt! common sense na po diba. Tapos itong Angelica na ito kung ano-ano pa ang sinasabi sa akin.

"ASAN TAYO?!" Sigaw ko kay Angelica na nasa kabilang dulo na at super layo sa akin.

"DI BA OBVIOUS, NASA GAS STATION TAYO." -- Angelica

"ALAM KONG NASA GAS STATION TAYO DI AKO TANGA .."

"ALAM MO NAMAN PALA NAGTATANONG KA PA."

"AIIISSHH, WHAT I MEAN IS ASAN NA TAYONG PARTE NG PILIPINAS."

"AHH! DI KO RIN ALAM BASTA MALAPIT NA DAW TAYO.."

Habang nagsisigawan kami ni Angelica, alangan namang magbulungan kami sa layo ba naman namin sa isa't-isa eh. Lumalapit ako sa kanya ng pasimple. Hahaha.. lagot ka sa akin.

"Gutom na ako. Kanina pa ba tayo dito?" -- Ako

"Hindi naman mga 5 to 10 minutes pa lang. Andun sila sa loob kumakain tara na." -- Angelica

Mag-kasabay na kaming pumasok ni Angelica sa McDo. Nakita namin kaagad sila na naghihintay ng order nila. Si Jerome naman ay nakaupo lang at nagtetext ata, pero nung nakita niya kaming pumasok ay tumayo pa siya at tinago yong phone niya. Wew! Under to kay Ghec.

"Oh, sina Migs at Mikki?" -- Jerome

"Tulog pa." Sagot ko kay Jerome nung di sumagot si Angelica.

"Pinaghehele kasi ni Kate kanina kaya yon, nakatulog ng PAGKAHIMBING-HIMBING." Pang-aasar na naman sa akin ni Angelica. Buti na lang di na gets ni Jerome kaya ngumiti na lang siya sa amin.

Sige lang pagtripan mo ako lagot ka sa akin mamaya. Umupo na ako sa katabi ni Jerome. Pinatong ni Angelica yong camera at phone niya sa ibabaw ng table at dahil dun makukuha ko yong phone niya at madedelete ko na yong picture kanina.

"Ghel, anong gusto mo?" -- Angelica

"A-ah kahit ano." -- Ako

"Okay.."

Umalis na si Angelica para bumili ng kakainin namin, kasama niya si Jerome na pumunta sa counter. Ako naman kinuha ko kaagad yong phone niya at yong digi-cam. Hahaha! Pumunta ako sa CR at dun ko tiningnan yong mga pictures pero wala sa cp niya wala din, lahat na ng folder tiningnan ko wala talaga. Tsk! asar naman oh, saan niya yon nilagay.

Lumabas na ako at nakita ko kaagad si Angelica na nakangiti sa akin ng malapad. Tsk, nang-aasar na naman 'tong babaeng 'to. Binalik ko sa kanya yong phone niya at yong digi-cam niya. Walang kwenta!

"Kate tingnan mo yong wallapaper ko ngayon super ganda." Tiningnan ko yong pinagmamalaki niyang wallpaper sa akin malay niyo maganda talaga siya diba. Bakit ba di ko naisip na dalawa nga pala ang phone niya, nakakainis talaga.

O_o -- Ako
ˋ︿ˊ-- Ako pa rin
XD -- Angelica

"ANGELICA!" Pasigaw kong sabi kay Angelica kaya ayon napatingin sa amin lahat ng kumakain sa loob especially sa akin. Pahiya naman ako kaya lumabas na ako ng fast food at pumunta ako sa parking lot kung saan naka-park yong van nila Micheal, dahil dito ako sasakay mamaya ayaw kong makasama si Ghec sa sasakyan mamaya. Pagbukas ko ng pinto nung van I saw Jason and Carla expressing their affection sweetly.

Key To Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon