CHAPTER 13 :)

44 5 0
                                    

"I wish my BESTFRIENDS house has a secret tunnel from ours. So I can go anytime I want!"
~Yzzah

--------------------


KATE's POV

Andito kami ngayon sa bahay nila Angelica wala kasi kaming pasok kaya may bonding time na naman kami ngayon. Pero dati-rati tatlo lang kaming nagbobonding dito, ngayon nadagdagan na ng tatlo. Si Micheal na kaibigan namin pero never pang nakapunta dito at  ngayon ay boyfriend na ni Jessy. At yong mga suitors namin na isip bata sina Jason at JP.

Ang saya-saya namin dito kina Ghec kasi nag-movie marathon kami. Pero sabi nga "The more the merrier", parang sa Mang Inasal lang ang peg namin.

"Kailan niyo ba kami sasaguting magkapatid?" Biglang tanong ni JP sa aming dalawa ni Ghec. I was about to say "Hindi na", pero naunahan na ako ni Ghec sa pagsagot.

"Ewan." -- Angelica

"Oo nga kailan niyo nga ba sasagutin yong mga pinsan ko?" -- Jessy

"Tsk, kadiri talaga kayo Jessy, PDA na naman kayong dalawa. Dito naman kayo magdadala ng virus. Alam niyo namang malala na kayo." Pag-iiba ko ng topic sa tanong ni Jessy. Sige siya na may boyfriend.

=_= -- Ako
^_^v -- Jessy

"Ah, basta ako willing akong maghintay kung kailan mo ako sasagutin. Patience is a virtue." Epal na sabi ni Jason sa amin.

"Sabi ko sa iyo wag mo na akong hintayin pa." Pambabara ko sa sagit ni Jason.

Haaayyy, sinabi ko na kasi kay Jason na wala talaga kaming spark sa isa't isa. Alam niyo yon kahit naman itry ko wala talaga. Pero ito siya at willing parin daw maghintay sa akin. Basta ako wala na — tapos na kasi hanggang magkaibigan lang talaga ang kayang kong ibigay kay Jason. Ayaw ko namang saktan si Jason kaya habang maagap pa sinabi ko na kaagad sa kanya yong nararamdaman ko.

"Katie, don't tell me galit ka parin sa mga boys. Di na ba magbabago yang feelings mo?" Tanong naman sa akin ni Jessy.

"I told you before na parang man-hater na ata ako. O sadyang may hinihintay pa ako, ewan ko ba, basta ayaw ko munang magka-boyfriend."

"Pero sincere naman yong pinsan ko sa iyo diba?"

"Oo alam ko yon at wala naman akong nakikitang masama dun. Kaso wala talaga akong feelings para kay Jason o sadyang ako lang siguro ang may problema. Hanggang kaibigan lang talaga at alam niya yon. Una palang sinabi ko na sa kanya yon dahil ayaw ko siyang masaktan. Pero ayon willing daw siyang maghintay. Ay, ewan ko dyan sa pinsan mo."

"Sana Kate makita mo na yong Mr.Right para sa iyo. Hindi man yon ang pinsan ko okay lang basta masaya ka — kayo ni Ghec masaya na rin akong nakikita kayong may ka-PDA."

"Hahaha. Lalim ahh, pero thank you"

Naks, si Jessy na ngayon ang nagpapayo sa akin — sa amin. Dati rati kami ang nagpapayo sa mga gagawin niya pero tingnan mo ngayon siya na ang nagpapayo sa amin. Sige ikaw ng may lovelife kami ng wala. Hahaha. Niyakap ko si Jessy for appreciation at ganun din siya sa akin. Sarap ng kaibigang nakakaintindi sa iyo.

"GROUP HUGS!!" Sigaw ni Ghec sa amin. Dahil nakita niya kaming magkayakap ni Jessy, inggit na inggit yon sa amin eh.

Sira talaga 'to si Angelica kaya naman pati yong mga lalaki nakisali na rin. Nagyakapan kami pero ang kinalabasan eh, Partners Hugs hindi Group Hugs.

"Sabi ni Ghec group hugs daw hindi partner hugs." -- Ako

"Ganun din yon.. " Sabi naman ni JP na nakayap kay Angelica.

"Hoy! John Paul wag kang kayakap dyan kay Angelica masuffocate yan. Tsaka pinag-nanasahan mo na naman yang kaibigan ko. Alis dyan. " Biro ko kay JP na kong makayakap kay Ghec eh, parang ayaw mg pakawalan.

"Kate naman pagbigyan mo na ako. Hug na lang kita gusto mo?" -- JP

"Suntok gusto mo?" Sagot ni Jason kay JP. Kaya ayon nanalo na naman po ang pagiging bromance nilang dalawa. Hahaha.

XD -- Kami
>;( -- Jason

Nagtawanan kami kasi si JP eh, binatukan ni Jason. Wawa naman ang bata. Ayon niyakap siya ni Angelica tapos kinurot ni Angelica si Jason ng pinong-pino. Hahaha! Para kaming mga bata, dahil super ingay namin dun sa bahay nila Ghec.


JASON's POV

Naks, totoo ba 'to may POV ako? Hi, ako nga pala si Jason Rodriguez. I'm nineteen years old and turning 20 this secret baka pumunta kayo. I'm taking up Bachelor of Science in Computer Science. And unfortunately I have a twin brother and his name is John Paul short for JP. Nauna daw akong ilabas kaya ako daw ang panganay at siya ang bunso.

Andito kami sa bahay nila Angelica bali first time naming makipag-bonding sa kanila simula ng dumating kami dito although lagi kaming napunta dito ngayon lang nila kami sinama sa bonding moment nilang tatlo. Binatukan ko si JP dahil yayakapin ba naman si Kate ako na nanliligaw eh, di pa nakakayakap siya pa kaya na kaibigan lang. Tsk.. unfair!

~PAAAKKKK...

"Aray! Kuya naman joke lang yon." Reklamo sa akin ni JP.

" Tsk, umayos ka." Sabi ko kay JP na niyakap ni Angelica tapos kinurot pa ako.

Napatingin ako kina Kate na tawa ng tawa. Ang cute niya talaga. Siya lang ang unang babaeng nagustuhan dahil sa para siyang lalaki kung kumilos pero deep inside eh, babaeng-babae pa rin siya. Her cuteness and being true to herself makes me fall for her.

XD -- Sila
?_? -- Kami

"Hoy! Rodriguez, punta ka dito dali." Sabi ni Kate sa amin. Sino ba kasing Rodriguez ang tinatawag niya? Eh, alam naman niyang tatlo kami ditong Rodriguez tapos yong isa kamukha ko pa. Pero sa akin si Kate nakatingin, it means akk yong tinatawag niyang Rodriguez.

Lumapit ako kay Kate at umupo ako sa katabi niya. Pagkaupo ko. Lumapit siya sa akin, as in malapit na malapit. Ang cute-cute talaga ni Kate.

*Pinchhhheeedddddd...

"ARRRAAAYYYY, ARRAAAYYY!" -- Ako

"Wawa ka naman Kuya." -- JP

Tulungan niyo akong makaalis dito sa tabi ni Kate kasi nate-tempt akong yakapin siya. Ang sakit tuloy ng tenga ko. Anong connection?  Hahaha. Pinikot niya kasi ang maganda kung tenga kaya ito namumula na parang kinagat ng di kilalang insekto.

"Hahaha! Kakatawa ka talaga Jason. Dapat pala nag-showbiz ka na lang ay di madali kang yayaman." -- Kate

"Partners Hugs!" Sigaw naman ng magaling kong kapatid. At niyakap kaagad ni JP si Angelica.

Tapos ako at si Kate? Malabo pa atang mangyari yon sa sabaw ng adobong pusit. Kaya ito ako tamang tingin na lang kay Kate at nakangiti lang siya sa akin. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Para akong lumulutang kasi niyakap niya ako. Ang saya naman- parang ayaw ko ng matapos itong araw na 'to.

^_^ -- Sila
O////O -- Ako

Yes! Nahug ko na rin si Kate para bang bakla ako? Wala akong pakialam basta masaya lang ako. Ang swerte ko kaya ito niyakap ko din siya. Mahal ko na talaga 'tong babaeng 'to. She's my unperfect but perfect girl for me.

"I love you Kate." Bulong ko sa kanya.

"Thank You." Sagot sa akin ni Kate. Masaya na rin ako kahit na di yong inaasahan kong sagot ang marinig ko. Kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong nakangiti siya. Dahil ngiti palang ni Kate kumpleto na ang araw ko.

Key To Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon