CHAPTER 17 :)

26 5 0
                                    

"Enjoy the little things in life for someday you will realize they were the big things."
~Anonymous
--------------------


ANGELICA's POV

It's been two months na nang sabihin ko kay JP na ayaw ko pang pumasok sa isang relationship. Katulad ni Kate I'm not ready to have a serious  relationship, bakit? Wala natatakot ako eh, pero di ako katulad ni Kate na bitter sa mga lalaki.


//

Well, andito ako ngayon sa bahay at walang magawa. Sem break namin at mamamatay na ako sa katahimikan dito. Bored na bored na ako dito sa bahay. Anong gagawin ko ngayon dito? Wala naman akong mapanuod na maganda sa TV, nakakasawa na ang palabas dito paulit-ulit na lang. Asan kaya si Kate, mag-mall na lang kaya kami. Hmm, ano kayang gawa ni Kate ngayon? Maitext nga para may magawa akong maganda ngayon.

|To: Kate
Ghel, asan ka? Punta ka dito sa bahay nakakainip eh.|

Sana naman di tamarin yon sa pagpunta dito. Sadyang wala lang akong magawa dito sa bahay. Pag kasi andito si Kate nabubuhay ang diwa ko kasi naman sobrang daldal nun. Imagine di yon nawawalaan ng sasabihing topic, kahit ano basta alam niya.

|Rae-Rae's Note: Pronunciation:  Ghel / GEEL/.|

~bzzttt ...

|From: Kate
Andito sa bahay. Ayakong pumunta dyan tinatamad ako. Wala ka bang magawa?|

Naka, anak ng fishball napakatamad talaga nitong babaeng 'to. Oo wala akong magawa kaya pumunta ka na dito. Tuyot na tuyot na ang laway ko dahil sa nag-iisa ako. Wala ako ditong kausap alangan namang yong alaga kong aso ang kausapin ko. Kawawa naman ako, LONER ako. Huhuhu.

|To : Kate
Tamad ka talaga. Tsk, wala nga eh. Punta ka na kasi dito sa bahay. Ay wait tatawag na lang pala ako sa iyo.|


After 2 minutes ..

|From : Kate
Sige tawag kana.|

Tsk, napaka-tagal magreply. Ano kayang ginagawa nito? Pagrereply lang napakatagal pa. Buti pa si Kate may ginagawa. Eh, ako? Wala.

~Calling Kate..

*riiinggggg...

After 8 rings sinagot na din ni Kate. Walanjo yan napakatamad talaga sasagutin na nga lang nahihirapan pa.

(Hello?)

"He.. Sino ka?" Bakit lalaki yong sumagot. OMEEEGGESSSHH! Kaya ba busy si Kate? Waahhh! Erase na maduming isip.

(Ikaw 'tong tumawag tapos tatanungin mo ako kung sino ako.) Pilosopong sagot sa akin ng kausap ko sa kabilang line.

"Malamang di kita kilala kaya nga tinatanong kita diba? Common sense naman Kuya. Tsaka, bakit nasa iyo ang phone ni Kate?"

(Ah.. Si Ate Kate ba? Wait lang..) Ate Kate? Sino ba 'to? Pwew., bastos kailangang malapit pa sa phone sumigaw sakit sa eardrums. Loner na nga ako tapos masisira pa yong eardrums ko sa kausap ko na walang common sense.

"Asan na sobrang tagal eh." Inis na taning ko kung sino man 'tong kausap ko.

(Wait, lang daw bumubili daw eh.)

"Ah.. ANO BUMIBILI?"

(Opo, anong masama sa pagbili tsaka pwede po wag kang sumigaw." Anak ng siopao tagal naman nitong babaeng 'to. Pinatawag-tawag ako tapos iba pala ang sasagot. Asar naman. Tapos yong kausap ko parang tanga pa.

(Uy, andyan ka pa ba? Sorry ah may binili kasi ako.)

"Tsk asan ka ba? Tsaka sino ba yong kausap ko?"

(Andito sa ako bahay. Ah, yon ba pinsan ko yon.)

"Punta ka na kasi dito sa bahay." Pag-de-demand ko kay Kate. Please pumayag ka na.

(Eh, sayang sa pamasahe. Andito kasi ako ngayon sa Antipolo.)

"At anak ka ng tokwa talaga, akala ko naman nasa  bahay ka niyo mismo. Tsk, sabi mo sabay tayong mamimili ng gamit. Mag-mall tayo tsaka sa NBS na lang tayo mamili. Mas mura kasi dun."

(Sige, itetext kita kung kailan ang uwi ko dyan. Sige next time na lang nanunuod kasi kami ng movie. Bye.)

"Ah okay by.."

*toot .. toooot *

At bastusing nilalang di pa ako tapos magsalita pinatay na kaagad. Ngayon wala na — wala na talaga akong magawa. Ang boring dito sa bahay. LONER ako. I hate vacation pag wala si Kate at si Jessy. Nag-iinarte pa ako ng biglang mag-vibrate yong phone ko. Ramdam na ramdam ko yong vibration kasi naupuan ko pala yong phone ko.

~~bbbzztt...

Sino kayang nagtext sa akin? Sana naman may sense yong text. Kasi kung wala ay di wala. Nakakapang-hina naman, nakakaubos din pala ng energy ang maghapong pag-upo dito sa bahay. Akala ko ba ang vacation ay for relaxation eh, mukhang sa akin eh, naging disaster.

|From : Kate
Wala kang magawa diba? Kuha ka ng tali tapos itali mo sa puno ng kamatis. Pagna-itali mo na itali mo ngayon sa leeg mo. Ay di may nagawa ka. Hahaha.|

Adik talaga 'tong Kate na ito, turuan ba naman ako. Hmmm.. magawa kaya? baka naman buhay pa ako eh, sira na yong puno ng kamatis. Sayang lang ang ganda at effort ko dun.

Manuod na lang kaya ako ng TV, boring naman ang mga palabas puro cartoons. Tsk, sorry naman bitter ako sa cartoons eh. Pero si Kate ang tanungin niyo sa mga cartoons daming alam. Lalo na sa anime, dyan sila nagkakasundo ng kapatid ko.

Si Jessy at yong dalawang kambal naman ay nagbakasyon din. Huhuhu LONER na talaga ako. Sana pala sumama na lang ako kay Ate sa Cavite. Aisshh.. tama sila laging nasa huli ang pagsisisi. Tuyo't na tuyot na talaga ako dito.

| Rae-Rae's Friendly Advisory: Mga bata wag gagayahin si Angelica. SPG po para kay Angelica. Hahaha.|

Key To Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon