27

1.7K 80 20
                                    

 Naging mahirap ang dalawang araw na convention para kay Alejandro. Napakalapit ni Rosaline sa kanya ngunit tila ba mahirap itong abutin. Ilang beses na niya itong tinangkang lapitan at kausapin pero sa tuwina ay sinusupla siya nito. Wala naman siyang magawa kundi ang sundin ang mga gusto nito sa takot na baka mawala ito at tuluyan na niyang hindi makilala ang anak.
Anak. Yes, he has a son. Ngayon pa lamang, grabe na ang tibok ng kanyang puso, mas lalo na siguro kapag nagkaharap na sila. Sobrang high ng emotions niya to the point na halos wala na siyang tulog. Natatakot rin siya na baka kapag natulog siya at nagising, eh panaginip lang pala ang lahat.
He sighs heavily.
Kanina pa nagsasalita sa harapan si Mr. Wong, a multinational distributor ng mga de-kalibreng furniture pero wala roon ang kanyang konsentrasyon kundi nasa babaeng palaging laman ng kanyang isipan. Attentive itong nakikinig samantalang siya, hindi mapakali habang dito nakatingin.
Nakuyom niya ang kamao nang makitang pinalis nito ang buhok sa bandang balikat nito kaya kitang-kita niya ang makinis nitong batok.
Oh, God! How he misses burying his face there! At nang kagatin nito ang ibabang labi, damn! Gusto niyang takbuhin ang pagitan nilang dalawa upang kuyumusin ito ng halik.
Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin nang lumingon ito sa gawi niya. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
Damn! Bakit ba siya nahiyang makita nito na kanina pa siya nakatitig rito? Para siyang teenager! Bulong niyang kastigo sa sarili.
Nang masigurong hindi na ito nakalingon sa gawi niya, noon lamang niya napakawalan ang hiningang kanina pa pala niya pinipigilan.
Napabuga siya ng hininga upang kalmahin ang sarili. Having Rosaline around made him uneasy. Gusto niya itong yakapin at halikan. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi pwede.Naiinis siyang nai-excite.
Mabuti na lang at hindi na gaanong nagtagal ang seminar. Naging maagapa ng kanyang mga mata para tingnan kung nasaan na si Rosaline. Papasa siyang stalker nito dahil sa pagsunod-sunod niya eh.
Nakita niyang pumasok na ito sa hotel room na inuukopa nito. Marahil ay maghahanda na ito sa pag-uwi dahil tapos na ang convention. Natapos iyon, way ahead of schedule kaya makakauwi na ang lahat.
Buong akala niya, uuwi na ito subalit nagpalit lang pala ito ng damit tsaka lumabas ito ng mismong hotel. Hindi naman siya nag-aksaya ng oras at sinundan ito.
Una nitong pinuntahan ang isang clothing store kung saan namili ito ng nga damit. Gusto sana niyang lumapit at mag-protesta sa mga pinili nito pero nanatili siyang nakamasid sa malayo, naiinis at aburido. Paano ba naman kasi, kung hindi kapos sa tela, maiksi naman!
Kahit naiinis ay nagawa pa rin niyang sundan ito.  Sunod nitong pinuntahan ay isang toy shop. Napangiti siya. Maghahanap siguro ito ng maipasasalubong sa anak nila.
Si Rosaline naman, kanina pa naiinis dahil alam niyang nakasunod sa kanya si Alejandro. Pagkalabas pa lang niya ng hotel kanina, alam niyang ito ang palihim na sumusunod sa kanya. Bawat puntahan niyang stall ay naroon ito. Nakaisip siya nang kapilyahan nang maging abala ito sa cellphone nito. Mukhang may kausap. Mabilis siyang umikot sa kabilang stall pagkatapos ay siya naman itong palihim na nakamasid dito.
         "Hmm, buti nga sayo," bulong niya.
Napangisi ang dalaga nang maging aligaga si Alejandro sa paghahanap sa kanya. Napasiksik naman siya sa mga naka-hanger na damit doon para hindi siya nito makita. Napalingon kasi ito sa gawi niya.
          "Miss, may napili ka na ba?" Nagulat pa si Rosaline nang biglang magsalita ang isang tindera sa likuran niya.
          "Ate, huwag kang maingay. Ate..." Pigil niya sa tindera na huwag mag-ingay.
Subalit, huli na. Nakalingon na sa gawi nila si Alejandro.
Lihim namang napangiti si Alejandro nang mahuli ang dalaga. Hindi na siya nag-aksaya pa, nilapitan niya ito.
          "May balak ka bang takasan ako, baby girl?" sambit niyang nang makalapit rito.
         "Bakit naman kita tatakasan? Wala naman akong ginawang kasalanan sa'yo para takasan kita. As far as I know, ikaw ang may kasalanan sa ating dalawa."
Naumid na lang ang dila ni Alejandro. Hindi niya mai-defend ang sarili dahil alam niyang mali siya.
             "Ang galing mo pa ring mambara hanggang ngayon," bulong ni Alejandro.
            "Anong sabi mo?" asik ng dalaga rito. Kanina pa kasi bulong ng bulong si Alejandro sa kanyang likuran.
           "W-wala," sagot niya. "Pero infairness,ha, mukhang nahiyang ka pagkapanganak. Lalo kang naging blooming. Lalo kang gumanda. Masarap-"
          "Itikom mo 'yang bibig mo, Alejandro!" Gigil na putol ni Rosaline sa sasabihin pa nito.
Kinikilabutan siya sa sinasabi nito eh. Kilabot nga ba? Kastigo niya sa sarili dahil mukhang ibang kilabot ang nadarama niya lalo na at nasa likod niya ito. She could feel his glare from her back na para bang kanina pa siya hinubaran nito. Gusto niyang humarap dito upang tusukin ang nga mata nito subalit baka mapahiya lang siya. Baka kasi, siya lang itong nag-iisip nang ganoon dito.
         "I wanna feel you again, baby girl-"
Hindi na nito natuloy pa ang buong sasabihin niyo nang bigla siyang humarap dito at binigyan ito sipa sa gitna ng pagkalalake nito.
         "Oh, shit! W-why did you do that?" Kahit namimilipit sa sakit ay nagawa pang magtanong ni Alejandro. Sapo-sapo niya ang harapan na sinipa nito. And God knows na nakakita siya nag stars dahil sa sobrang sakit kanina. Pinangapusan siya ng hininga kasabay ng panginginig dahil sa sakit.
Rosaline just smirked at him. "Hindi lang 'yan ang aabutin mo kapag hindi mo itinigil ang kabastusan niyang bunganga mo!"
And with that, she marched out from the store. Hindi na siya nag-abalang lumingon pa kahit panay ang tawag ni Alejandro sa kanyang pangalan. Buong akala niya, hindi na ito nakasunod sa kanya pero nakahabol pa rin ito. She tried calming herself dahil mayayamot lang siya kapag pinatulan niya ito. Hindi rin niya kasi ma-enjoy ang me time niya dahil sa walang kapararakan nitong pagsunod sa kanya.
Huminto siya sa paglalakad,nilingon ito.
            "Alejandro naman! Gusto kong i-enjoy ang moment na 'to kaya please lang, tigilan mo na ang kasusunod mo sa akin. Pilit mo na namang iginigiit ang gusto mo. Pwede bang kahit ngayon lang, makinig naman." Tila hapong-hapo na sambit ni Rosaline.
Doon naman tila natauhan si Alejandro. Umawang ang bibig niya upang magpaliwanag ngunit sa huli ay nagpasyang huwag nang umimik pa.
Nang umalis ang dalaga sa kanyang harapan, wala siyang nagawa kundi ang tanawin ito habang papalayo. Pero kahit ganoon, gumawa pa rin siya nang paraan para masigurong ligtas pa rin ito. He just watched her from afar, enough for her not to notice that his still after her.
Kinagabihan, sinundan niya rin ito sa airport. Nagawan nga niya ng paraan na makasabay ito sa eroplano kahit out of the way iyon para sa kanya. Kung magagawan din sana niya nang paraan na makatabi ito sa eroplano, gagawin niya. Siguro nga, kahit paano ay malakas siya sa Panginoon noon dahil napakiusapan niya ang isang pasahero na katabi na makikipagpalit siya. Mabuti na lang at pumayag. Sinakto rin niyang tulog na si Rosaline bago siya lumipat sa tabi nito.
            "You can run, but you can never hide, baby girl." anas niyang may bahid ng kapilyuhan ang mga ngiti.
Ngiting tagumpay dahil nang humilig ang dalaga sa kanyang balikat at magsumiksik, dahil na rin siguro sa sobrang lamig, parang naka-jackpot siya. Pero sobra ang kaligayahan niya tovthe point na halos maiyak na siya. He wanted to touch her face, to feel her. Gusto niyang yakapin ito nang mahigpit at sabihing miss na miss na niya ito. Gusto niyang malaman nito kung gaano jiya ito kamahal.
Pa-simple siyang tumingala upang pawiin ang luhang kanina pa nagbabadyang malaglag sa kanyang pisngi.
Habang nasa ere sila, hindi niya magawang pumikit man lang. Pinagsawa niya ang sarili sa pagtitig sa katabi dahil alam niyang anumang sandali ay gigising ito at pagagalitan na naman siya. Might as well savour the moment like this.
            "Holy shit!" sambit niya nang biglang umalog ang eroplano.
Kasunod noon ay ang announcement na kasalukuyan silang nakararanas nang turbulence. Ang dalagang tulog na tulog kanina ay biglang nagising at napuno nang takot ang magandang mukha nang ma-realize kung ano ang nangyayari.
            "Oh my God!" sambit nito. Hindi na ito mapakali sa tabi niya. Her breathing became uneven.
Sinapo niya ang magkabila nitong pisngi at pinakatitigan ito.
            "Hey, baby. Look at me. Please, look at me." Sinubukan niyang kunin ang atensyon nito dahil nagpa-panic na ito.
She stared back at him. And the next thing he knew, her lips were on his already. Mukhang siya naman ang magpa-panic dahil sa ginawa nito.
Noon lang din napagtanto ni Rosaline ang kanyang ginawa ngunit iyon lang ang naiisip niyang paraan upang pakalmahin ang sarili. Lalo na nang maramdaman niya ulit ang pag-alog ng eroplano.
Naging alerto naman si Alejandro at mabilis siyang niyakap nito. Kahit paano, nabawasam ang takot na kanyang nararamdaman knowing na kasama niya ito. Napaka-ironic lang nang mundo dahil ang lalakeng kinatatakutan niya, ay siya ring lalake na pumapawi sa takot niya. She still finds that comfort in his arms.
            "Isipin mo na lang na kaya umaalog ang eroplano dahil inaangkin kita," bulong ni Alejandro.
Mabilis namang dumapo ang kamay niya sa tagiliran nito pagkatapos ay binigyan ito ng mga pinong kurot.
            "Cease fire tayo ngayon pero makakatikim ka talaga sa aking hayop ka!" Yamot na sambit ng dalaga. Napapikit na lang siya nang mariin nang umalog ulit ang eroplano. Mabuti na lang at naroon din si Alejandro, kahit paano nabawasan ang takot niya.
Pero mas natatakot siya para sa sarili niya. Dahil mukhang nagugustuhan niya ang pakiramdam habang nasa mga bisig siya nito.

ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon