29

1.1K 54 4
                                    

Hindi malaman ni Rosaline kung ano ang gagawin nang biglang pumasok ng bahay si Zaff habang hawak-hawak ang kamay ni Alejandro.
            "A-anong ginagawa mo dito?" bulong niya nang makalapit ang dalawa sa kanya.
           "Mommy! Mommy ko!" Panay ang sigaw ni Zaff habang naglululukso. Hindi rin nito magawang bitiwan ang kamay ni Alejandro.
           "Yes, baby?" malambing niyang tanong sa anak. Pero sa loob-loob niya, kumukulo ang dugo niya sa ama nito dahil sa hindi nito pagsunod sa sinabi niya. Hindi man lang nakapaghintay na sabihin muna niya sa bata ang lahat.
           "Si daddy po ba ang sinasabi ninyong surprise ko dahil naging mabait ako when you went to Cebu?" Halata ang kasiyahan sa mukha ng anak niya. There was that anticipation and gladness in his eyes na hindi niya kayang kontrahin kaya tumango na lang siya bilang sagot sa tanong nito.
         "Yehey! Nandito na ang daddy ko!" Panay ang hiyaw nito. Kasunod noon ay ang pagpapabuhat nito sa ama. "Hindi ka na aalis Daddy di ba? Hindi ka na magtra-trabaho sa malayong lugar na walang signal di ba?"
Nalilito din sa mga pangyayari si Alejandro. Everything was overwhelming that he could not decipher. Napagtanto niyang hindi naman siya tuluyang inalis ni Rosaline sa buhay ng kanyang anak dahil kilala siya nito.
Nilapitan niya ito, pa-simpleng bumulong, "Salamat. Hindi mo 'ko tuluyang tinanggal sa buhay ng anak natin."
           "Hindi para sa'yo ang gunawa kong desisyon. Para sa anak ko 'yon. Para hindi siya magtanim ng sama ng loob and that he was made of love even if his parents are not together," paliwanag ng dalaga. "Ayokong isipin niyang may kakulangan sa kanyang pagkatao dahil lang wala ang isa sa atin.
          "Daddy, dito ka na ba sa amin titira? Makakasama na ba kita palagi? Hindi mo na kamin iiwan ulit?" Sunod-sunod na tanong ni Zaff.
Nagkatinginan na lang si Alejandro at Rosaline. Hindi naman malaman ng dalaga kung ano ang isasagot sa mga tanong ng anak.
Nang sulyapan niya si Alejandro, mayroong mumunting ngiti sa mga labi nito. Mukhang nakaka-sense na hindi niya kayang tanggihan ang anak.
             "It's up to your mom, anak." Sa isip ni Alejandro, lihim itong nagpapasalamat na tumuloy siyang pumunta roon. And now, he has a bigger chance to be with these two.
           "Anak, dahan-dahan naman," saway niya rito ng hilahin nito si Alejandro patungo sa kwarto nilang mag-ina subalit hindi ito nakinig sa kanya. Tuloy-tuloy nitong hinila ang ama nito.
Nakita naman niya sa mga mata ni Alejandro ang paghingi nito ng permiso kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango dahil wala naman talaga siyang choice eh. Pagdating kay Zaff, nahihirapan siyang tumanggi. 
Naiwan siya sa living room, nakatulala habang habol ng tingin ang anak na hila-hila ang ama nito sa kwarto nila.
Nasa ganoon siyang sitwasyon ng madatnan siyang ng kanyang papa.
           "Rosaline? Anak?" tawag ng kanyang papa. Kung hindi pa siya niyugyog nito, malamang tuliro pa rin siya hanggang ngayon.
          "Anong nangyari, 'nak?" tanong ulit ng kanyang ama.
          "Narito siya," tangi niyang naisagot.
 Nagtaka ang kanyang ama. "May nangyari ba kay Zaff?"
Umiling siya. 
           "Eh, bakit ganyan ang mukha mo?"
Hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig. She was out for words. A minute later, her son was already in his high pitch voice while calling out for her name.
           "Mommy! Mommy ko!" sigaw nito habang pababa ng hagdan.
Nang lingunin niya nag dlawang matanda sa kanyang tabi, maski ang mga ito, hindi makapaniwala kung sino ang nasa kanilang harapan.
It was the mighty Alejandro, the intimidating and cunning one. Sana lang ngayon, nagbago na ito dahil tis will be his last chance to be wit his son dahil kung hindi, magpapakalayo-layo silang mag-ina kahit pa sa bundok tralala sila mapunta. Isang lugar na hindi naman yata nag-i exist.
           "Anong ginagawa ng hayo-"
Mabuti na lang at naging maagap ang kanyang Mama Maritess na takpan ang bibig ng kanyang daddy. Mahigpit nilang ipinatutupad sa bahay na hindi dapat nagmumura. Because of Zaff. Madali kasing makatanda ang kanyang anak. Ayaw niyang makalakihan nito ang pagmumura.
             "No cursing, dad," bulong niya sa ama. Pero hindi pa rin nito napigilang hindi tanungin si Alejandro.
             "Ano ang ginagawa mo rito?" Medyo mataas ang boses doon ng kanyang ama kaya natakot siya na baka masamain iyon g kanyang anak. Nang tingnan nga niya ito, he looked confused. 
             "Galit po ba kayo sa daddy ko?" tanong ni Zaff. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kani;ang tatlo.
             "Hindi kami galit, baby. Medyo na-excite lang siguro ang lolo mo na makita ulit ang daddy mo kaya siya napasigaw." Siya na ang naunang nagsalita.
Binalingan naman niya ang ama saka pabulong na nagsalita, "Dad, kalma lang po kayo. Hindi magandang makita ni Zaff na nagagalit kayo."
Nakita niya ang paghinga nang malalim nito, pilit pinakakalma ang sarili.
              "Hindi kami galit, baby. Na-surprise lang kami na narito na pala ang Daddy mo," tugon ng kanyang ama. 
              "Mommy, pwede po bang dito na tumira sa atin si Daddy ko?" tanong ni Zaff. Ang mukha nito ay kababakasan ng excitement at saya. Parang hindi niya kaya na i-break ang puso nito sakaling hindi sila pumayag. Zaff happened to be like his father. Mausisa, mabait pero maloko, ,malambing pero moody.
Hindi siya makasagot sa tanong ng anak. Nilingon niya ang ama, hinihintay niyang ito ang sumagot pero ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa rin ito natitinag.
 Maya-maya, umiling ito. "Hindi pwede, apo."
And with that, Zaff was already crying out so loud. Kahit anong pakiusap ng lolo nito, hindi talaga ito tumitigil sa kaiiyak.
            "I want my Daddy! Gusto ko, dito na titira ang daddy ko!" panay ang hiyaw nito. Pati ang luha at sipon nito ay naghalo na. Para na rin itong tuko habang nakapangunyapit sa leeg ng daddy nito.
Walang nagawa ang kanyang ama kundi ang  sundin ang sinabi ni Zaff.
            "Mag-uusap tayo mamaya." Tinanguan lang nito si Alejandro pagkatapos ay tumuloy na ito sa kwarto nito.
Abot langit naman ang ngiti ng kanyang anak dahil sa sinabi ng lolo nito. Parang may automatic switch ito na kaagad na sumaya ang mukha kahit galing pa lang sa pag-iyak.
            "Baby, it's time to sleep na," yaya niya sa anak. Ngunit ng akmang kukuhanin na niya ito sa daddy nito, panay ang iling at ayaw ng sumama sa kanya.
           ''I want my Daddy to tuck me to bed. Gusto ko magkakatabi tayo matulog," ungot nito.
Pakiramdam ni Rosaline, lumaki ang ulo niya dahil sa narinig. Nang tingnan niya si Alejandro, he had that apologetic look na para bang sinasabi na wala itong kinalaman sa gusto ng anak nila.
Animo isang masayang pamilya sila habang paakyat sa kwarto nila. Naunang maglakad si Rosaline paakyat habang nasa likuran ang kanyang mag-ama. Ramdam niya ang nakakpasong init ng mga tingin ni Alejandro sa kanyang likuran. The feeling was familiar dahil ganoon ang epekto nito sa kanya noong sila pa. Kung naging sila nga ba talaga.
Naiinis naman siya kung paano umasta si Alejandro, feeling at home habang katabi si Zaff sa kama nila. Siya dapat ang katabi ng anak ngunit dahil narito na ito, bigla siyang naging outsider.
             "Mommy, tabi ka na po sa amin," tawag ni Zaff sa kanya. 
Ayaw man niya ngunit hindi talaga ito tumigil kaya ng hindi siya natitinag mula sa pagkakatayo, bumangon ito at hinila siya papahiga, katabi ng mga ito. Nasa pagitan nila ni Alejandro si Zaff ngunit kahit may espasyo sa pagitan nilang dalawa, nahihirapan si Rosaline sa sitwasyon nila. Seeing Alejandro up close bothers the hell out of her. Lalo na nang kuhanin ni Zaff ang kamay ng ama nito at idinantay sa kanyang baywang.
She mouthed at him, "Gago ka! Alisin mo 'yang kamay mo."
Mukha namang nabasa nito ang sinasabi ng kanyang mga labi dahil ngumisi ito sa kanya. Maya-maya, naramdaman niya ang pagdiin ng daliri nito sa kanyang tagiliran. Bahagya pa siyang  napaigtad dahil sa ginawa nito.
Mabuti na lang at madaling nakatulog si Zzaff kaya bumangon siya agad at nagtungo sa terasa ng kanyang kwarto. 
Her grip on the railing tightened when she heard footsteps from behind. 
It was Alejandro.
             "Baby-"
Hindi na nito natapos ang sinasabi nito ng dumapo ang pald niya sa pisngi nito. Mukhang ini-expect na nito iyon. He didn't budge nor say a thing but the next thing he did was unexpected.
He kneeled in front of her.
           "I'm so sorry, baby girl. Alam ko walang kapatawaran ang mga ginawa ko noon sa'yo pero  heto pa rin ako, luluhod at magmamakaawa na sana bigyan mo ako ng chance na makilala at makasama ang anak ko," he plead while holding on to her knees.
           "Tumayo ka diyan! Hindi ako santo para luhuran mo," angil niya rito. Naiinis siya dahil hindi ito sumunod sa ipinakiusap niya. Bigla na lang itong sumulpot sa bahay nila ng wala man lang abiso. And now, her son is up to him at mas gustong ito na ang kasama.
          "Hindi ako ganoon kasamang ina, Alejandro. Dapat mong ipagpasalamat na ipinakilala pa kita sa anak ko. Ang alam niya, nagtra-trabaho ka abroad kaya never ka pa niyang nakasama. Lumalaki na si Zaff at hindi ko na siya mapapaniwala ng ganoon katagal. Matalino ang anak ko. Magtatanong at magtatanong siya kung bakit kahit man lang sa video call ay hindi ka niya makita. Alam kong darating ang araw na ito pero sinabi ko sa'yong maghintay ng kaunti kasi kailangan ko munang kausapin ang anak ko pero hindi ka nakinig. And now, you think you all have the right to claim him as your son?" she tsked. "Looks like hindi ka pa rin talaga nagbabago. Gusto mong ikaw ang nasusunod palagi."
Gustong magsalita at magpaliwanag ni Alejandro pero sa huli, nagpasya siyang huwag na. No need. Ang mas importante sa kanya ngayon ay ang kapatawaran ng kanyang mag-ina.
Kaya kahit anong paramdam ni Rosaline na ayaw na nito sa kanya, palagi siyang bubuntot dito at hindi magsasawang hingin ang kapatawaran nito.
Not again. Hindi na ulit siya makakapayag na mawala ulit ito sa kanya. Kahit nga pinalalabas na siya ng kwarto nito, hindi niya ginawa. He just sat silently at the sigle sofa near her bed. Tahimik lang siyang nakatingin dito hanggang sa makatulog ito. Doon lang siya nagpasyang lumabas upang harapin naman ang tatay nito.
Ngunit mukhang hindi lang ang taty nito ang kailangan niyang harapin dahil pagkababa niya, agad na dumapo ang kamao ni Michael sa kanyang panga.
             "Anong ginagawa mo ditong hayop ka!" singhal nito sa kanya.


ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon