24

2K 86 10
                                    

Tulad nga ng kanyang inaasahan, mangiyak-ngiyak pa si Zaff habang namamaalam siya para umalis. Kahit masakit sa loob ay kailangan niyang gawin iyon, para sa anak at para na din sa kanyang pamilya.
            "Tatawagan mo ako madalas Mommy, ha?" ungot nito.
            "Oo naman po, baby. Everytime na may bakanteng oras ako, tatawagan agad kita." She nuzzled her face on his neck. Nakakaramadam kasi siya ng kaginhawahan kapag ginagawa niya iyon.
Humihikbi-hikbi pa ito habang nakatanaw sa kanya habang papasok ng kotse ng kanyang daddy. Nagpahatid na lang siya sa driver. Ayaw na din niyang ihatid siya ng mga ito at lalo lamang mahihirapan ang anak kapag nasa airport na siya.
She wave her last good bye bago siya tuluyang pumasok sa kotse. Umusal siya ng lihim na panalangin na sana ligtas siya at kanyang pamilya sa kapahamakan. She prayed also that her baby Zaff would be just fine even without her.
Two days lang naman. At kung susuwertihin ay baka makauwi siya ng maaga kapag naging positibo ang resulta ng lahat.
 Everything was going smoothly according to plan. Even the hotel kung saan gaganapin ang convention, very accommodating and welcoming.
            "For Miss Rosaline Acosta, please...." nakangiti niyang sabi sa receptionist.
             "Alejandro Martinez, please."
That voice. That same voice who made her fall deeply. The same voice na kinatatakutan niya ngayon. Naramdaman niya ang panginginig ng kanyang buong katawan at ang nagbabadyang pagkalaglag ng kanyang mga luha.
Bakit kasi ngayon pa? Hindi pa siya handang makita itong muli.
Sa nanginginig na estado ay pilit siyang humakbang upang makalayo rito subalit huli na ang lahat. Nakita na siya nito.
            "Baby girl...." mahinang usal nito ngunit sapat na upang marinig niya. Kasabay ng paghakbang nito ay ang paghakbang din niya papalayo rito.
            "H-huwag. Huwag kang la-lalapit sa a-akin." Hindi na siya makapagsalita dahil sa takot.
Nakita niya ang sakit sa mga mata nito ngunit wala nang halaga ang mga iyon sa kanya. Kaya nang magkaroon siya ng lakas ng loob ay nagtatakbo siya palayo rito.
Ilang minuto ng nakakaalis si Rosaline ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makahinga nang maayos. Hindi niya matanggap ang nakitang sakit at takot sa mga mata nito ng makita siya. Kahit ilang hakbang ito sa kanya ay ramdam niya ang panginginig ng buong katawan nito.
Kulang ang salitang sakit upang ilarawan ang nararamdaman niya ngayon. Ang mga mata ng babaeng dating puno ng sigla at paghanga sa kanya ay napalitan na ng takot at sakit. Wala namang dapat ibang sisihin kundi siya. Nasaktan niya ito sobra-sobra, not only emotionally but also physically. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa kanyang alaala ang mga nangyari ng gabing iyon at habang buhay na niyang magiging bangungot ang nangyari noon. All the horrible things he did to her that night was captured by the cctv he personally installed just for safety purposes. Hindi pala masasamang loob ang mahuhuli ng camera kundi ang kahayupang ginawa niya sa babaeng nagparamdam sa kanya kung gaano siya kaimportante. May mga pagkakataon pa ngang inakala niyang mahal siya nito pero may halaga pa ba ang mga ito ngayon?
Mapait siyang napangiti, hinahamig ang sarili dahil hindi na niya alam kung anong gagawin ng mga oras na iyon. He was still breathing because of her. Matagal niyang inantay ang oras na ito para makahingi ng tawad sa dalaga. Para sabihin dito na nagsisisi siya at nakahanda siyang gawin ang lahat mapatawad lang siya nito. Kahit ano gagawin niya. She could punch him to death or even sue him for all the horrible things he did to her.
            "Here's your key, Sir?" Bahagya siyang nawala sa sarili kaya hindi niya narinig na kanina pa pala siya tinatawag ng receptionist at ibinibigay ang susi ng kwarto niya.
Having a heavy heart, he made his way to his room. Nang tingnan niya ang ibinigay ng receptionist, it was Room 219.
Sa tanang buhay niya, hindi man lang sumagi sa isip niya na magkakaganito siya sa isang babae. Never.
Initsa niya ang hawak niyang bag sa couch na naroon at humiga siya sa kama. Nakatitig lang siya sa kisame, tuliro at hindi alam ang gagawin. Maya-maya ay kinuha niya ang wallet at pinakatitigan ang larawan ng dalaga. Kita ang saya sa mga mata nito habang nakangiti, always the jolly one. Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi. Natawa na lang siya. Sino ba ang mag-aakalang iiyak siya ng dahil sa isang babae?
Wala! He clutched his chest trying to ease the pain he was going through but it just won't go away. Maalala lang niya ang takot na mukha ng dalaga, para na siyang sinasakal. Nahihirapan siyang huminga.
God! How badly he wanted to hug and comfort her. But how in the world he can do that kung sa kanya ito takot na takot?
He was unable to breathe, hindi niya matanggap na ganito ang kinahantungan ng lahat. Kung kailan naman napagtanto niya mahal na mahal niya ito, saka naman ito nauntog at tuluyan ng lumayo sa kanya.
            "Mahal na mahal kita, baby girl," paulit-ulit niyang bulong. "Hindi ko kaya na wala ka. Mahal na mahal kita. Patawarin mo 'ko. I know I'm a devil way back but pleasae have the courage to face me again. Gusto kitang malapitan at mahawakan. Gusto kitang yakapin nang mahigpit."
Alam niyang wala siyang karapatan na mag-demand ng kung ano sa dalaga ngunit nagmamakaawa siya sa Diyos na sana, mabigyan siya ng chance na maipakitang nagbago na siya at handa siyang bumawi sa lahat ng mga kasalanan niya.
His cries turns into scream ng magsimulang sumikip ang kanyang dibdib. Marahas niyang pinagbabayo ang dibdib dahil sa sobrang sakit noon. Baka sakaling mabawasan man lang ang sakit. Ilang minuto niyang hinayaan ang sarili na maging mahina. Wala siyang pakialam kung maging mahina siya, ganoon na kasi ang naging epekto sa kanya ng iwan siya nito. Walang araw na hindi siya umiyak mula ng umalis ito.
Nang wala na siyang mailuha pa, kinuha niya ang gamot niya sa pampakalma. He needs that dahil kung hindi, baka bumalik na naman siya sa dati kung kailan bigla na lang siyang nagwawala kapag hindi na niya kaya ang kanyang nararamdaman. Ilang minuto niyang pinakiramdaman ang sarili, nang maramdaman niyang medyo umayos na kanyang pakiramdam, tinungo niya ang banyo upang maligo. Makaktulong din iyon upang mahimasmasan siya.
Pagkatapos niyang magbihis ay tinungo niya ang restaurant sa ibaba ng hotel para kumain. Wala man siyang gana ngunit kailangan niyang kumain, kailangan niyang maging malakas kung gusto niyang makabawi sa dalaga.
Nagpalinga-linga siya hoping to see her, hindi niya siya nagkamali dahil nakita niya itong kumakain. Naghanap siya ng upuan kung san malaya niya itong nakikita dahil base sa naging reaction nito kanina, she's not ready to see him. Alam niyang malaking pagkakamali ang nagawa niya rito, nasaktan niya ito ng sobra not just emotionally but physically kaya hindi na siya nagtataka kung matakot man ito sa kanya ngayon. Dahil maski siya, hindi pa rin niya mapatawad ang sarili niya ngayon.
Lihim siyang napangiti ng makitang magana pa rin itong kumain hanggang ngayon. She really changed a lot. Mas lalo itong gumanda ngayon at nagkalaman lalo.
Na-miss niya ito ng sobra. Saka lang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal noong iwanan siya nito. Ang pangungulit nito sa kanya, ang pakikipag-asaran nito at higit sa lahat, miss na miss na niya ang mga yakap nito at halik.
Nagkaramdam naman siya ng pagkainis ng makitang may lalakeng lumapit rito at iniaabot ang kamay. Mukhang nakikipagkilala. Humigpit ang kapit niya sa tinidor na hawak, gusto na niyang iturok iyon sa mata noong lalake. Napuno ng paninibugho ang kanyang puso ng makitang tinanggap iyon ng dalaga at nginitian pa ito.
 Mabilis niyang tinapos ang pagkain ng makitang tapos na rin ito. He needs to talk to her. Kahit ngayon lang, gusto lang niyang humingi ng tawad sa ngayon ngunit hindi siya titigil sa pagsuyo rito hanggang sa dumating ang panahong tanggapin siya nito ulit. Palihim niya itong sinundan ng lumabas ito ng hotel ang naglakad-lakad sa labas. Kahit saan ito magpunta, nakasunod siya making his movements discreet para hindi ito makahalatang sinusundan niya.
Nakaramdam siya ng may biglang humarang na lalake dito. Agad siyang napatakbo ng makitang hinila na nito ang kamay ng dalaga. Nagdilim na ang kanyang paningin at hindi na nakapag-isip pa.
Isang malakas na suntok ang iginawad niya sa mukha ng lalake sanhi upang matumba ito. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga without thinking that na baka magalit ito sa kanya.
Ramdam niya ang pangingiig nito habang yakap niya. Tutungihin niya sana ang lalake at kukumprontahin sa ginawa nito ngunit mahigpit ang kapit ng dalaga sa kanya. Malambing niyang hinaplos ang likod nito hoping that it would erase her fear. Nakuyom na lang niya ang kamao ng makitang nagtatakbo palayo ang lalake.
 Nagtagis ang kanyang mga bagang, he noted himself that he should get back at him once he gets the time.
Ilang minuto din niyang ninamnam ang pagkakayakap sa dalaga.
Nakaramdam naman ng kapayapaan si Rosaline dahil sa lalakeng tumulong sa kanya. Kung hindi dahil dito, baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Subalit kumunot ang kanyang noo ng mapansing parang pamilyar ang amoy ng lalakeng tumulong sa kanya.
Hindi naman siguro siya? Panay ang tanggi ng kanyang isip subalit ang kalaamang narito rin ito sa Cebu, hindi imposible na magkita silang muli.
Dahandahan siyang nag-angat ng paningin at ng sumalubong sa kanya ang mga mata ng lalakeng isinumpa niyang ayaw ng makita, agad siyang nakaramdaman ng takot. Nakatatak pa sa isip niya ang kahayupang ginawa nito.Seeing him now just reminds her of what happened that night.
            "Lumayo ka sa'kin," sambit ng dalaga habang umaatras palayo kay Alejandro.
Humakbang palapit si Alejandro. Gusto niya ulit mayakap at maramdaman ang dalaga. Naging hungkag ulit ang kanyang pakiramdam ng kumawala ito mula sa kanyang pagkakayakap.
            "Baby girl, please...come here..." pakiusap niya rito.
Panay ang iling nito. Puno ng takot at hinanakit ang mga mata nito para sa kanya. He understood that she was hurt but Alejandro can't stand the fear in her eyes.
           "Ayoko, lumayo ka sa akin." Panay ang singhot nito habang umaatras.
Parang piniga ang kanyang puso ng makitang may luhang pumatak sa magkabila nitong pisngi. Gusto niya itong lapitan at sabihing okey lang ang lahat at hindi niya ito sasaktan.
Rosaline on the other hand couldn't stand seeing the man who hurt him. The man who made her life like a living hell for the past years. Gusto niyang umiwas rito. Gusto niyang tumakbo palayo rito ngunit natatakot siya sa pwedeng mangyari. Natatakot siyang balikan siya ng lalake kanina.
Napahawak siya sa kanyang ulo ng makaramdam ng pagkahilo. Maski ang mga salita ni Alejandro ay hindi na niya gaanong maintindihan, maski ang nasa paligid niya, nagiging malabo na rin sa kanyang paningin.
Ang tanging huli niyang naramdaman ay ang mga bisig ni Alejandro na sumalo sa pagal na niyang katawan. And one thing lingered on her, even in those darkest nights, an angel came in, disguise in a devil suit.
Sa katauhan ni Alejandro Martinez.


ALEJANDRO, THE DOMINANT POLITICIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon