Ngumisi ang binata. "Si Zamiel ang main pero dahil 'di ka kuntento—"

Inagapan niya ito. "'Di nga kami ni Zamiel. Ang kulit mo, a."

"Well both of your action speaks otherwise, Ridge!" Napahalakhak ang binata at nagpameywang. "Gusto kong makipagpustahan na maghahanap ka ng iba, Ridge."

Mataman niyang tinitigan ang manager bago napuno ng disgusto ang itsura niya.

"Makinig ka Wade, katatapos ko lang na mag-compose ng musical piece noong isang araw." Iniangat niya ang dalang keyboard. "'Di ko pa nate-test kung 'di ba sintunado 'to o kailangan pa ng revision. Kaya 'pag tapos na mga photoshoot ko, ito ang balak kong gawin."

Aliw siyang tinitigan pabalik ng manager niya. May naglalarong mapanudyong ngisi sa mga labi nito, at lalo lang kumunot ang noo niya.

"Come on, Wade. Just tell me that you don't believe me."

Wade playfully hummed. "I don't."

He grunted. "Fine, then. Believe whatever you want to believe."

Namutawi ang katahimikan sandali sa pagitan nila nang basagin iyon ni Wade.

"Magkwento ka nga pala kung ano iyong nangyari sa inyo ni Zamiel."

Inismiran niya ito. "Isa ka rin, pinoy ka talaga. Tsismoso."

"Concerned ako, Ridge," mabilis na sagot ni Wade, "isa pa, parang kapatid na rin naman turing ko sa 'yo. At base sa madalas ninyong pag-aaway ni Zamiel, alam kong merong kulang sa pagkakaibigan ninyo."

Pinakatitigan ni Ridge si Wade at inalam kung may hidden agenda ba ang dimuho.

Pero wala siyang ibang makita kung hindi sinseridad. At ayaw niyang mahulog sa patibong dahil baka may balak itong masama.

"Ba't ganyan tingin mo sa 'kin? 'Di naman ako kriminal at saka seryoso itong pag-uusapan natin."

But Ridge knew better. So he snorted which made Wade grunt.

"Alam kong 'di mo gustong nagshi-share ng problema Ridge pero kung wala kang gagawin, maghahabulan nalang kayo ni Zamiel."

Imbes na pansinin ang pangaral ni Wade, lumapit si Ridge sa baggage carousel at idineposit na roon ang sariling mga gamit.

Hindi lingid sa kaalaman niya na hinihintay ni Wade kung anong magiging sagot niya, pero hindi niya ito nilingon. Sa halip, lumapit siya sa mga kasama nila at nakinig ng usapan ng mga ito.

Pero kahit na anong iwas ni Ridge sa manager niya, mukhang desidido talaga ang isa na marinig ang ganap sa buhay niya.

Dahil nakipagpalit pa ito ng pwesto sa isa sa mga kasama nila para lang kausapin siya!

"Ano ba, manager." Isinuot niya ang seatbelt at sumagitsit. "Balak ko pa naman na matulog."

"Patutulugin naman kita," mabilis na sagot ni Wade, "gusto ko lang na ako kaagad makikita mo 'pag handa ka na mag-open ng problema."

Ridge stared at Wade incredulously. His eyebrow twitched and his lips parted, somehow displaying his gritting teeth.

"'Di nga ako mag-oopen."

"Nagbabaka sakali lang! Ayaw ko naman na sumabog ka riyan."

"Ano ako, cartoon?"

"'Pag ba sinabi kong sasabog ka, ibig sabihin, cartoon character ka agad?"

His lips thinned. "Maswerte ka wala akong mai-rebat."

Humalakhak naman si Wade.

"Mabuti, ang witty ko talaga."

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Where stories live. Discover now