20

134 9 15
                                    

YURI POV

Haysss nakakainis talaga si Chaewon Oppa iniwan ba naman ako dito kay Choi Yena. Porket fiancé ko siya sa kanya na ako. Eh, di ko naman siya kilala at di niya rin ako kilala. Nakasakay kami ngayon sa kotse niya papunta daw sa bahay namin. Hindi ko alam kung saan yun. Siya siguro alam niya wala naman sinabi si papa sa akin eh.

Bigla ko naalala yung hamster na di ko pa nabibili. Napa-face palm na lang ako.

"Bakit? Ano nakalimutan mo?" Tanong sa akin ni Yena.

"May madadaanan ba tayo na nagtitinda ng stuff toy?"

"Hmm, sa tingin ko meron. Bakit?"

"May kailangan lang akong bilin."

Tumahimik lang siya at nakarating kami sa tindahan ng stuff toys. Nagumpisa na ako maghanap ng hamster na stuff toy. Nakakita ako ng iba't ibang klase ng stuff toy na hamster pero isa lang ang nakakuha sa akin paningin. Hamster siya na stuff toy na kamukha ko. WAHHH ANG CUTE KASING CUTE KO HAHAHHA.

"Para kanino yan?"

"AY KABAYONIMANGKEPWENG" Gulat kong sabi.

"Hahahaha ano yun?"

"Ikaw kasi nang gulat ka" inis kong sinabi

"Hahahaha para kanino ba kasi yan?"

"Wala ka nang pake dun" umalis na ako sa harapan niya at pumunta na sa cashier para bayaran na yung hamster.

Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa kotse para umuwi. Sana magustuhan ni 'mystery guy' yung peace offering ko. Cute naman ito, Kung akin lang ito bibigyan ko ito ng pangalan. Pero bakit hamster gusto nun? Ang weird. Di kaya gusto niya ng hamster dahil siguro may nililigawan siya.

"Andito na tayo"

Napatingin ako sa paligid at nakita ko ay isang resto.

"Bakit tayo andito?"

"Nagugutom na ako at kanina pa kitang tinatanong pero di ka sumasagot."

Ang gulo talaga nito ni Choi Yena kanina lang mapangasar siya ngayon ang sungit ano yun mood swings?

Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa loob ng resto para kumain. Pumunta kami sa isang table na pang dalawang tao lang ang pwede. Nagorder nadin kami ng gusto namin. Tahimik lang kami habang hinihintay ang order namin. Dumating na Yung order namin at nagsimula na kami kumain.

"Para kanino yung stuff toy nayun?" Kanina niya payan tinatanong bat gusto niyang malaman.

"Bat gusto mong malaman?"

"Gusto ko lang malaman para kanino yun pwede naman kasi sa akin na lang"

"Tss, di pwede malaman atsaka wala ka nang pakielam dun. Okay?"

Sumubo siya ng pagkain niya.

"Atsaka simula ngayon may rules tayo." Panimula ko

"Ano yun?"

"1. Wala tayong pakielam sa personal na buhay ng isa't isa. So kung anong gusto nating gawin. Malaya tayong gawin yun.
2. Ang makakaalam lang nitong arrange marriage natin ay pamilya natin wala ng iba."

"Kahit mga kaibigan natin?"

"Oo kahit sila"

"3. Kailangan natin makaalis dito sa arrange marriage na ito. Hanggang maari bawal tayo mafall sa isa't Isa."

"Paano tayo makakaalis dito?"

"Ang naisip ko pagnarealize ng papa ko at papa mo na di tayo bagay at may mahal tayong ibang tao. Baka ibreak off na nila itong engagement." Masaya kong sabi.

"Okay, Basta wag ka lang mafall sa akin Yuri"

"Don't be so assuming Choi"

---------------------------

So ayun na ngaaa hahahaha. Nag update na ako hahaha. Try ko Lang magud weekly hahahaha. Nagumpisa na online class namin hahahaha. Good luck sa atin may mga klase na dyan at sa October pa klase SANA ALL na lang hahahaha.

Hope you enjoy

HER STALKER  |  YULYENWhere stories live. Discover now