CHAPTER EIGHT

738 79 13
                                    

CHAPTER EIGHT

KRISTINE'S POV

"A-Anong kailangan mo sa 'kin?" Is it weird na kahit papano eh kinabahan ako? Because I really am nervous.

"What's your status with Jairo?" pagtataray ni Blaire sa akin.

Kinalma ko ang sarili ko at pinatapang sa harap ng babaeng 'to. "What should I answer? Lovers?" I sarcastically answered bago naghugas ng kamay at naghilamos.

"B*tch!" Nakita ko mula sa salamin na naglakad siya papalapit sa akin. "You flirt—"

Sakto namang pagkaharap ko sa kanya ay sinampal niya ako. Amporkchop! Ansakit nun ha! Nawala lahat ng kaba ko sa katawan pero hindi ko siya binawian ng sampal at kalmado akong tumingin sa kanya.

"Blaire, number one, I'm not a flirt and for a second," Tiningnan ko siya ng masama. "sa ating dalawa? You're the b*tch."

Sasampalin niya na naman sana ako pero naunahan ko siya. 'Di ko siya sinampal kundi sinuntok ko yung mukha niya, and of course, nagulat siya sa ginawa ko. Pareho naming nakita na bigla siyang nag-nosebleed. Sakto namang bumukas yung pinto ng CR at pumasok sina Mariella, Gretchen, at Cath, mga kaibigan ni Blaire.

At sila pa talaga ang makakakita ha?

"Oh my god, Blaire! What happened to you‽" sigaw ni Cath sabay lapit kay Blaire.

Cath Pangilinan, volleyball team libero. And if I'm not mistaken, siya ang sumunod na pinaka-war freak sa grupo nila. So, abang-abang Tine.

"What the hell did you do‽" Nagulat ako nang biglang hatakin ni Cath ang buhok ko at kaladkarin ako palabas ng CR. "Ano ha‽ Ba't 'di ka sumagot‽" Nakuha niya lahat ng atensyon sa corridor.

Porkchop ansakit! Lintek!

"Cath, calm down." Narinig kong sinubukan ni Gretchen na pakalmahin si Cath pero walang effect.

Ansakit na talaga ng pagkakasabunot niya, to the point na naluluha na ako.

"Walang kakalma! She made Blaire bleed!" sigaw pa ni Cath.

"Cath! What the hell‽" May narinig akong sumigaw. "Let her go. D*mn it!"

Nabitawan na ni Cath yung buhok ko at may tumayo between me and her.

"What the f*ck is your problem, woman‽" Narinig kong may nagsalita.

Naramdaman kong may dalawang tao na umalalay sa akin na tumayo—it was the Concepcion twins.

"Bryle, that woman made Blaire bleed!" B-Bryle?

"We know Kristine won't do that without a valid reason," sabi ni Hyaciel.

"Hya is right. Nandoon ka ba nung nangyari 'yang pag-aakusa mo ha‽" sigaw pa ni Xei.

"We weren't but Blaire told us what that woman did to her." Nakita kong umapila si Mariella.

"What happened here?" I—I know that voice.

"Jairo, she—" Tinuro ako ni Cath. "—punched Blaire's face!"

Patay na ako. Blaire is Jairo's girlfriend.

"And you pulled Kristine's hair!" Hyaciel shouted.

Jusmiyo, Hyaciel. Anong sense na sinabi mo 'yan?

"Are you okay? Dadalhin na ba kita sa clinic? Nathan, get my car right now!" Nakita kong tumakbo si Nathan. "Hey, naririnig mo ba ako ng maayos, Tine?"

Wha-what? Napatingala ako. S-Sa akin talaga siya nakatingin. Hala amporkchop!

"Hey, okay ka lang ba? Dadalhin na lang kita sa ospital." Naramdaman kong inalalayan ako ni Jairo. L-Like pinalibot niya yung braso niya sa bewang ko at hinawakan ang kamay ko.

"J-Jai—"

"Shh... 'Wag mong piliting magsalita kung 'di mo kaya," sabi niya pa sa akin.

P-Pero kasi... naiihi na ako. Gusto ko sanang sabihin pero 'di ko na tinuloy. Kaya nga ako magc-CR dapat eh.

Sabagay may point siya. Feeling ko nanghina ako sa pagkakahatak ng buhok ko.

"Jairo," Napahinto kami sa paglalakad. "sa clinic mo na lang siya dalhin. Wala namang serious damage."

"Fine, Bryle," sagot ni Jairo. "Cy, sabihin mo kay Nate na 'di na ako aalis."

"I can take her. Why not assist Blaire?" tanong ni Bryle kay Jai.

"Why would I do that?" Pati ako gininaw sa lamig ng tono ni Jairo.

"Umm... ano—" Magsasalita sana ako pero c-in-ut off na naman ako.

"'Wag mong piliting magsalita," sabay pa nilang sabi.

Nahihilo na kasi ako.

Porkchop! Paano ko sasabihing pakiramdam ko eh hihimatayin ako kung ayaw niyo 'kong pagsalitain? Wala na. Ito na. Babye world. Saka ako hinimatay.

~•~

XEI'S POV

"Shut the hell up, Mari!" 'di ko napigilang sumigaw. "We all know that Blaire is a big fake!"

Susugurin na sana niya ako pero humarang sa gitna namin ni Hyaciel.

"Don't you dare harm my sister kung ayaw mong makarating 'to kay Nathan," pananakot ni twin kay Mari.

Tumingin sa akin yung malandi bago ako irapan. "I'll be back for you, and I'll make sure that Nathan won't be taking your side." Saka siya nag-walk out.

"Hay! Pasalamat siya at hindi ko siya sinabunutang maharot siya!" react pa ni Hya. Humarap naman siya sa akin. "I'm sorry for using Nathan as a shield."

Nginitian ko naman siya. "It's fine, twin."

"Let's go to the clinic, Blaire." Rinig kong sabi ni Chen.

"Kristine!" Sabay na sumigaw sina Bryle at Jai kaya naman napatingin kami sa direksyon nila at nakitang hinimatay na si Tine.

"Oh my! Is she okay?" tanong ko kela Bryle.

Si Sean naman ang sumagot. "Baka sobrang nasaktan kanina."

"We should take her to the clinic," JP suggested.

"Yeah, pero like... not sa building na 'to kasi..." Tinuro ni twin ang Mean Girls na papuntang clinic.

"Good call. Iwasan natin sila." Napatango naman si Sean. "Tara sa kabilang building."

Pagtutulungan na sana ng boys na buhatin si Tine pero sinolo siya ni Jairo.

"Ayy sanaol," nasabi ko na lang. 'Di ko naman napigilang tumili nang may biglang bumuhat sa akin. "Nathan‽"

"What? Sabi mo sanaol eh." Ngumiti siya sa akin. "Kaya bubuhatin kita hanggang sa clinic." Kinindatan naman niya ako bago siya naglakad.

~•~

MARIELLA'S POV

Akala niya 'di ko makukuha si Nathan?

Tiningnan ko ang kwintas na hawak ko.

Wait 'til I wear this.

My Most Stupid Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon