CHAPTER FOUR

880 95 26
                                    


CHAPTER FOUR

KRISTINE'S POV

Sasabihin ko ba? Kapag sinabi ko, ano namang mangyayari?

Saka sino ba ako para sabihin sa kanya that his girlfriend is playing him?

"Hay! Naguguluhan na ako!" Pabagsak akong humiga sa kama at tumitig sa kisame.

Simula nang makauwi ako, 'yun at 'yun pa rin ang laman ng utak ko. I was about to close my eyes when I remembered something.

I don't want Chad to get hurt. I don't think he deserves to feel that pain. Tiningnan ko ang vial ng potion. Should I? Umupo ako nang maayos saka inabot ang bote. Am I gonna do it now? Umalis ako sa kama at nagpalakad-lakad sa kwarto.

To use it or not to use it? That is the question.

Hay! "Sige na nga!"

Naglakad na ako papuntang kusina at naghanap ng matchbox or lighter. Sakto namang may ilang piraso match sa cabinet.

"Kandila, kandila, kandila." Binuksan ko na lahat ng cabinet na pwedeng paglagyan ng kandila, ultimong yung ref, pero wala. Wala kaming kandila.

Kagaling! Hindi naman ako pwedeng bumili sa labas kasi sobrang gabi na. Hayst!

Next time na lang siguro. Kapag nakabili na ako ng kandila. For now, I'll wish you all the best, my dear Chad.

Hay! Bibili na ako ng kandila bukas! Bago ako umuwi! Promise 'yan, Chad. Cross my heart, mamatay man ang ipis ng kapitbahay.

Wala tuloy akong magawa kundi bumalik sa kwarto, ipatong ulit yung bote sa study table ko at humiga sa kama. Itutulog ko na muna ito. At sana, hindi ko na ulit maencounter ang bullies.

Teka nga, alam ko may pangalan yung grupo nila eh. Kasi if I'm not mistaken, parang gang ang grupo nila at may kaaway sila sa kabilang school.

Or baka naman chismis lang yun. Ayy hindi! Sabi kanina ni Blaire, baka madamay siya sa gang fights nila Jairo, kaya...

"Oh my! Gang nga sila!"

Dangerous kids. Tsk tsk tsk. Kaya dapat ko silang iwasan. Pero pa'no ko sila iiwasan kung sila mismo ang kusang lumalapit?

Hayst! Natandaan ko na naman yung mga linya ni Bryle! Kala niya naman naapektuhan ako. Kung 'di ako naaapektuhan, edi ba't ko iniisip‽

Kainis naman, Tine! Ayusin mo nga yang sarili mo! Myghad! Loyal ako kay Chad! Loyal ako kay Chad! Chad lang malakas! Tama tama. Amporkchop naman eh! Itutulog ko na nga lang 'to!

Buti na lang nakisama sa akin ang antok ko, at mabilis din akong nakatulog.

Kinabukasan, nakahinga ako nang maluwag nang walang Jairo o Bryle na humarang sa akin. Laking pasasalamat ko na rin at lesson lang ang ginawa ni Miss April kahapon, at least hindi ako mahihirapang maghabol.

My day went well at lunch na, so balik sa dating gawain. Tambay sa ilalim ng puno sa field habang kumakain nagpapatugtog.

Maganda pa ang sumunod na kantang nag-play sa phone ko kaya naman nasabayan ko yun. Always be my baby by Mariah Carey. Buti na lang at walang taong dumadaan.

Damang-dama ko pa ang pagkanta, as in ginawa kong mic ang kutsara ko habang nakapikit.

Kaya lang may iba akong boses na narinig pagdating ng chorus.

Hala! Ang ganda naman talaga. Kaya naman napangiti ako at tuloy pa rin sa pagkanta hanggang sa matapos ito.

"Ang ganda rin pala ng boses mo, Kristine." Napalingon naman ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko.

My Most Stupid Mistake [COMPLETED]Where stories live. Discover now