CHAPTER TWO

1.1K 104 18
                                    


CHAPTER TWO

KRISTINE'S POV

Finally, nakauwi na rin ako!

Hay! Ano na kaya 'tong gagawin ko ngayon?

Tiningnan ko ang bote na binili ko kay lola magic.

"'Wag muna siguro ngayon. Andami ko pang assignments eh."

#StudyPersMunaLabLyfLeyter

Pinatong ko muna ang bote sa study table ko sa kwarto bago bumalik sa kusina at nag-ayos ng pang-hapunan ko.

Miss ko na sila Mama at Papa.

Napatingin ako sa pintuan. "Sana makasama ko na sila." Pero imposible 'yun. Nasa ibang bansa si Papa at si Mama naman ay nasa probinsya at inaalagaan ang dalawa ko pang kapatid.

Kasama ko rito sa bahay si Tita Winette pero umaga na siya kung umuwi dahil laging gabi ang work niya. Kaya ang dating, parang ako lang mag-isa sa bahay na 'to.

Pagkatapos kong magluto, nag-ring naman ang phone ko.

(Ate!) Bumungad agad sa akin ang boses ni Angelica.

"Jusmiyo naman, Angge. 'Di naman mahina pandinig ko para sigawan mo."

Mahina siyang natawa. (Sorry, Ate! Mangungumusta lang po kami ni bunso—Hi, Ate!) Narinig ko ang boses ng bunso naming lalake.

"Hi, Al! Ayos naman si Ate rito, kayo ba? Kumusta pag-aaral niyo?"

(Maayos naman po, Ate! Andami ko pong na-perfect sa exams po kanina!) masayang sagot sa akin ni Marc Allen. (Tapos ako naman, 'te, panalo sa quiz bee namin.) pagkukwento naman ni Angelica. Grade 11 ngayon si Angelica habang Grade 8 naman si Allen.

Napangiti naman ako. "Buti naman. Kumusta si Mama?"

(Nasa palengke pa, 'te, pero malamang po pauwi na rin si Mama.) Nagpaalam na si Allen at tatapusin pa raw ang proyekto niya kaya naman si Angge na lang ang kausap ko.

"Nakapagluto ka na ba ng hapunan?" tanong ko habang inaayos ang kakainan ko.

(Ayy opo, Ate! Adobong baboy ulam namin. Ikaw ba?)

Tiningnan ko ang nakahain kong instant noodles at nilagang itlog. "Hala! Pareho tayo!" Umupo na ako tsaka nagpaalam. "Oh siya sige. Tawagan niyo ako kapag nakauwi na si Mama ha? Kakain na muna ako, kayo rin."

(Opo, Ate! Kain po kayo nang mabuti!—Bye, Ate!!) pahabol pa ni Al.

"Bye! Ingat kayo palagi! Mahal na mahal kayo ni Ate!"

(Mahal ka rin namin, Ate! We miss you!) sabay nilang sabi na nagpangiti sa akin.

"Miss ko na rin kayo. Bye." Saka nila tinapos ang tawag.

Tinitigan ko ang pagkain ko bago napabuntong-hininga at nagsimulang kumain. Sana bukas makapag-grocery na ako.

Ano na kayang ginagawa ni Chad? Malamang nag-aaral pa rin.

Tinapos ko ang pagkain ko saka nagligpit, nag-lock ng mga pinto at bintana, saka pumasok sa kwarto ko. Welp! better start reviewing for tomorrow's quiz. Kailangan ko pang magpasikat kay Chad and of course, kailangan kong mapanatili ang pagiging top two ko, top one ng batch namin si Chad eh, 'di ko matalo.

Kung iisipin, simula grade seven nandito na ako sa Maynila at nag-aaral sa STEP UP University, at simula grade eight, pasok na ako sa top three ng batch. Pero bakit 'di pa rin ako kilala ni Chad?

My Most Stupid Mistake [COMPLETED]Where stories live. Discover now