【 u n a 】

114 4 0
                                    

and so..

the journey begins.

levi's pov

[ wall rose, paradis island ]

isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa akin. ang mga ibon ay nagsisiawit ng kanilang mga himno, ang kalangitan ay isang nakalulugod na kulay asul, at hindi pa gaanong matirik ang araw. para sa mga miyembro ng survey corps, ito ay normal na araw lamang. ganoon sana ang lahat ng bagay sa oras na ito, kung hindi lang nagsimulang mag-init ang ulo ko dahil sa tagal ng oras na inabot ni hanji para lang bigyan ako ng isang tasang tsaa na siya mismo ang nag-alok na iabot sa akin.

nagpasya akong hanapin ang siyentista. nagtungo ako sa kaniyang opisina, sa malawak na lupa kung saan nag-eensayo ang mga kadete (na wala pang tao, mga namimihasang kabataan), at sa silid kainan, pati sa kusina.

"hanji, kay tagal-tagal mo naman diyan, nagkalat ka nanaman ba? 'asan na yung?- putang INA?" i opened the door leading to the place where four eyes is supposed to be at the moment, but instead of seeing the section commander, i was met with an explosion of bright golden-white light that illuminated the entire room. i was confused, ano 'to? and more importantly, who placed this here, and for what?

curiosity killed the cat the moment i walked right into it, and was engulfed in nothing but brightness. seconds later, i saw nothing but the dark — i most probably lost consciousness.

y/n's pov

[ quezon city, philippines ]

nagising ako sa isang magandang na umaga dahil sa biglang malakas na tunog ng alarm clock ko. 'saturday', it read. naalimpungatan, hinampas ko ito para tumigil ang nakakabinging tunog na nagpapaalalang nasira ang tulog ko. since wala ng pag-asang makabalik pa ako sa pagkakatulog, i had no choice but to get up and start off my day.

the hands of the wall clock read 7:30 am. tinali ko yung buhok ko at dumiretso sa banyo, handa nang simulan ang isa pang araw ng buhay ko.

bumaba ako at ginayak ang mga kailangan ko sa pagluluto ng paborito kong agahan — tapsilog. ahh, a classic.

sa kalagitnaan ng aking paggisa at pagprito, nagulat ako nang marinig kong may nabagsak galing sa taas. dahan-dahan kong binuksan yung pintuan at nabigla ako sa aking nasilayan.

nakita ko ang isang maliit na lalaki with sleek black hair styed in an undercut and milky white skin that was clear as day. could he really be..

"excuse me, pervert? ANO'NG GINAGAWA MO SA BANYO KO?"

he tilted his head in confusion. he was about to answer me, but i unintentionally cut him off. sorry, pare.

"teka, are you perhaps, levi.. ackerman?"

"paano mo nalaman yung pangalan ko? at mas mahalaga pa doon, sino ka at nasaan ako?"

i have no words. how in the world did THE levi ackerman end up in my bathroom? mukhang kailangan ko na lang siyang tanungin, pero naunahan na niya ako.

"oi, kinakausap ba kita? sabi ko, 'paano mo nalaman yung pangalan ko' at 'nasaan ako'. pasalamat ka, malinis 'tong banyo mo, binabati kita."

masyado akong gulat para sumagot, at natulala na lang ako sa mukha niya. he looks so.. different, but still his handsome self..

you see, i am an avid fan of attack on titan, an anime series and ongoing manga, for quite a while now. i wholeheartedly admire this glorious being of a man in front of me, from his ocean-deep personality, and his wisdom, the fruit of his life experiences.

pero alam kaya niya na galing siya sa isang lugar na bunga lamang ng kathang isip ng tao, at napadpad lang siya sa mundo na ito, na patuloy pa rin ang pag-ikot? may kamalayan ba si levi ackerman na napadpad lang siya sa aking mundo?

A DAY IS ENOUGH ¦ levi ackerman.Where stories live. Discover now