Chap. 44

5.9K 161 6
                                    

Sa loob ng sasakyan..

“Mamita..where’s Daddy?” Tanong ni Viola.

“He’s with Daddy Blue.” Sagot ni Chai na may halong kaba.

Agad hinawakan ni Viola ang kamay ni Chai na tila nakakaramdam ang bata ng kakaiba sa mga nangyayari sa paligid.

“Mamita..who are they?” Bulong nito sa Tiyahin.

“Ah..They’re our family, too.” Sagot ni Chai. Alam n’yang magtatanong muli ang bata.

“Chailyn, uuwi tayo sa bahay ko. Ipaliwanag mo sa akin ang mga nangyari kung bakit nagawa ni Gaston sa akin na ilayo ang bata at magsinungaling.” Ramdam ni Chai ang matinding galit sa boses ni Red.

“O—Oo.” Nauutal si Chai.

Muling nagsalita si Red..

“Paki bilisan ang pagtakbo natin. Ayaw kong may makasunod sa atin na mga Caspian.” Utos ni Red sa driver.

“Red, pwede namang pag-usapan ang lahat. Bakit kailangan mong iurong ang pagtulong kay Blue Caspian?”

“Ate, hindi mo alam ang totoong kwento. Ang dahilan kung bakit sagad ang galit ko sa kanila..”

Napatikum na lamang ng bibig si Agnes.

Malayo man ang biniyahe nila; tila walang sino sa mga kasama ni Red ang nagtangkang kausapin s’yang muli. Tumunog ang cell phone ni Agnes. Tumatawag si Howard.

( Ate Agnes, please let me talk to her)

Ipinasa ni Agnes ang tawag kay Red.

“Hello.”

( Red, please come back. H’wag mo namang gawin ito sa taong nangangailangan ng tulong mo. )

“I’m a good person and you know that. Pero sa pamilyang ‘yan nakakalimutan ko ang salitang AWA. Bakit naisip ba nila ang salitang AWA sa akin; nang gawin nila ang kasalanang ginawa nila? Nakaramdam ba sila ng konsensya?”

Narinig na lamang ni Red ang malalim na paghinga ni Howard.

“Marami kang hindi alam Howard. Kaya h’wag mo akong pilitin kung ayaw ko. And besides, I don't care. I get what I want. Kaya wala na akong pakialam sa kanila.”

Agad na pinutol ni Red ang tawag.

Nagkatitigan na lang ang mga kasama ni Red.

-------------------------------------------------------------------

Sa mantala sa hospital...

“Blue.. huminahon ka..gagawa ako ng paraan na makumbinsi si Red na bumalik at ituloy ang pagtulong sa ‘yo.” Maging si Howard ay nababahala sa nakitang kalagayan ni Blue. Muli itong kinakapos ng paghinga kaya nakaoxygen ulit. At tila napapaiyak sa nangyayari.

“I just want to see her.. I just want to talk to her.. to ask forgiveness..I just want to let her know that...I miss her. Howard, kung ayaw n’yang dugtungan ang buhay ko..wala akong magagawa..I can’t blame her. I was such a fool..kung pwede kong ulitin ang nakaraan..gagawin ko.”

“Hindi ko man alam ang totoong kwento ng nakaraan ninyo..pero alam kong maaayos din ito. Bukas...pupunta ako sa San Ruiz..pipilitin ko si Red na tulungan ka..Just relax and think positive, okay?”

Pinanatag ng doktor si Blue.

Nang lumabas ang doktor sa silid nito; nasa labas naman ang pamilya ni Blue.

“Howard, kilala mo ang mga Gustavien. Samahan mo ako bukas na kausaping muli si Red.” Mababakas sa mukha ng ama ni Blue ang pangamba sa anak.

Tumango si Howard.

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon