Chap. 21

4.7K 134 2
                                    

Chap. 21

Sa kadahilanang nais na masuri ng maigi si Blue; nagpasya si Imelda na madaliin kaagad ang pag-alis nila papuntang Amerika. Labag man sa kalooban ni Blue ang umalis ngunit kinakailangan. Inatasan muna nya si Gray ang mamahala ng kanilang negosyo; habang magpapagaling si Blue sa Amerika.

Buhat nang pinagalitan si Red ni Imelda; hindi na pumunta ang dalaga sa bahay nina Blue. Masakit man para kay Red na hindi nakikita ang binata pinagkakasya na lamang nila ang lihim na tawagan sa cell phone. Gayun pa man, batid ni Claudine ang lahat. At maging si Gaston ay ganun din.

Nang dumating ang araw ng pag-alis ni Blue...

“Mama, gusto kong makausap si Red. Hayaan ninyo akong dalawin s’ya sa kanilang bahay.”

“Para ano pa? H’wag ka nang pumunta doon. Makakalanghap ka lang ng masamang hangin.”

“I want to see her. Let me go.”

“Blue, napakatigas ng ulo mo. Hindi ko maunawaan kung bakit nababaliw ka sa babaeng ‘yon.”

“Say what you want. Ipagsigawan n’yo pa. But you can't change my mind.”

Tila sasakit lang ang ulo ni Imelda kung makipagtalo pa sa anak.

Lumakad si Blue ng dahan dahan. Sinikap n’yang makarating sa bahay nina Red; kahit na pakiramdam n’ya na hinihingal s’ya.

Nang nasa harapan na s’ya ng bahay ng dalaga sinalubong s’ya ni Oliver. At inalalayang makapasok sa loob ng bahay.

Doon naghihintay si Red. Hindi na maunawaan ni Red ang bigat na nararamdaman..Nakikita n’ya ang pagbabago ng mukha ni Blue. Pakiramdam n’ya kung pwede lang nasa tabi s’ya ng binata.

“Blue...” Hindi na mapigil ni Red ang di maiyak. Maging si Blue ay ganun din.

“Red..matatagalan tayo muling magkita. Hihintayin mo ako hindi ba?”

“Kahit hindi mo sabihin..maghihintay ako. Magpagaling ka Blue. Pasensya ka na hindi kita masasamahan..wala ako sa tabi mo.”

“Red..mabait naman ang Dios..maging maayos din ito. Gagaling ako. Babalik ako.”

Napayakap ng mahigpit si Red.

“Blue, Mahal kita. Kahit saan ka man magpunta..nandito lang ako maghihintay.”

Biglang dumating si Imelda at Claudine. Pilit na hinilang palayo ang binata kay Red.

“Blue..sumama ka na..” Sabi ni Red kahit na umiiyak.

Sadyang mahal ni Blue ang dalaga..sa harap mismo ng ina at ni Claudine hinalikan pa ni Blue si Red.

“I love you more than anything.” Sabay hawak sa kamay ng dalaga.

Tumango si Red.

“Ganun din ako.” At tuluyang naghiwalay ang kanilang mga kamay. Halos madurog ang puso ni Claudine. Lalong umiigting ang selos n’ya kay Red.

“Ito ang huling araw n’yong sasabihin na mahal ninyo ang isa’t isa. Ito ang huling araw na yayakapin mo s’ya Red. Dahil sa oras na tumuntong si Blue sa Amerika..AKIN NA S’YA.”

Paglabas palang ng bakuran dumating ang sasakyan ni Gaston.

“Tita Imelda..” Tawag ni Gaston.

“Gaston, babalik na kami ng Amerika. Hindi na kami makapaghintay na tumagal si Blue dito. Si Gray na muna ang aasikaso ng negosyo. Mauna na kami. ”

Nagkatinginan sina Gaston at Claudine.

“ Sa ‘yo na s’ya. Balitaan mo na lang ako.” Bulong ni Claudine.

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon