Chap. 29

4K 136 11
                                    

Chap. 29

Napaisip si Red sa mga sinabi ni Gaston sa kanya. Maraming bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan.

RED’S POV

Hindi. Hindi ko ibibigay ang anak ko kay Gaston. Alam kong may paraan pa na pwede kong gawin. Ayaw kong malayo ang anak ko sa akin.

GASTON’S POV

She has no choice but to give the child. Maraming bagay na pwede n’yang gawin sa buhay n’ya. Sa kanyang kalagayan hindi n’ya magagawang gawin ang nais n’yang baguhin sa sarili; kung may nakaabang na isang responsibilidad. Isipin muna ni Red kung ano ang gagawin at saan magsisimula. Ito lang ang tanging paraan kung gusto n’ya ng pagbabago.

Sa silid ni Aling Meding...

“Meding may nais akong sabihin sa iyo. Alam kong makakatulong ito sa inyo..at maging kay Red.” Panimula ng ina ni Gaston.

“Anong ibig mong sabihin Laida?”

“Gusto naming ampunin ang anak ni Red.” Sagot ni Laida.

“Hindi. Hindi maari. Alam kong mahirap kami..pero ayaw naming malayo ang bata sa amin.”

“Meding, ito lang ang paraan na maaring mabago ni Red ang kanyang buhay. Oo, masakit. Pero maging praktikal kayo. Isipin nalang ninyo bawat oras..nagugutom ang bata. Bawat sandali may mangyayari sa inyo. H’wag mong sabihin kaya n’yong pigilan ang problemang dumarating.”

Umiling si Aling Meding.

“Laida, mabuti pang namatay na lamang ako ng bigla. Ayaw kong mawalay ang bata sa kanyang ina. Bale wala na sa akin ang kamatayan..matanda na ako.” Nagsimulang umiyak si Aling Meding.

“H’wag kang umiyak Meding. Ginagawan natin ng paraan na makabangon si Red. Meding, ibibigay namin ni Gaston ng magandang buhay ang bata. Habang nabubuhay ako Meding, hindi ko pababayaan ang bata. Makinig ka, tulad din ninyo ako..ISINILANG NA MAHIRAP..LUMAKI SA HIRAP..PUMASOK AKO SA TRABAHONG HINDI KO GINUSTO. MABUTI NALANG AT NAGKAKILALA KAMI NI SAMUEL. KAHIT INALISPUSTA AKO..NILABANAN KO ANG LAHAT. DAHIL AYAW KONG BUMALIK SA KAHIRAPAN. AYAW KONG DANASIN NG ANAK KO ANG AKING NAPAGDAANAN. Kung iniisip ninyo ang kinabukasan ng bata..ITO ANG PARAAN.

Isipin mo kung sakaling nasa poder ang bata nina Imelda. Sa tingin mo tatanggapin s’ya? Hindi Meding. Dahil mapagmataas si Imelda. Hindi nauunawaan ang tinatawag na KAHIRAPAN.“

“Anak ni Blue ang bata.” Sagot ni Aling Meding.

“Oo, anak ni Blue. Pero ano ang kanyang ina? Kapantay ba nila? Kailan man, hindi matatanggap ni Imelda ang ganung sitwasyon. Kilala mo ang ugali n’ya.”

Pumasok sa silid sina Red at Gaston. Nagkatitigan ang dalawang magtiyahin.

“Lalabas kami ni Gaston. Pag-usapan ninyo ang sinabi ko Meding. Maghihintay ako ng kasagutan ninyo.”

Nang lumabas ang mag-ina. Pumasok sa loob ng silid sina Oliver at Chai. Sinabi ni Aling Meding ang tungkol sa pinag-usapan nila ng ina ni Gaston.

“Ayaw ko Nay, hindi ko kayang mawala ang anak ko. Gagawa ako ng paraan na mapalaki ang anak ko sa sarili kong lakas.” Diinang sinabi ni Red.

“Ateng, maging praktikal ka. Sa ganitong kalagayan natin, malabo mangyari ‘yon.” Biglang singit ni Oliver.

“Oo nga Ateng. Masakit man sa atin..pero nag-aalala ako kay Viola. Kung sakaling makapagtrabaho tayo walang titingin sa bata.”

Napalingon si Red sa matanda.

“Nay, h’wag na kayong magtrabaho ako nalang ang papalit sa inyo sa bahay ng mga Gustavien.”

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon