Chap. 17

4.6K 154 1
                                    

Chap. 17

Lumabas sina Red at Blue sa laundry room. Bumalik si Red sa trabaho samantalang umakyat si Blue sa kanyang silid upang magbihis. Sa pagpanhik ng hagdan ni Blue nakasalubong n’ya si Claudine.

“Hi.” Bati ni Claudine. Sabay lapit nito kay Blue at humalik sa pisngi.

Iniwas ni Blue ang sarili nito sa dalaga at nagmadaling umalis. Sinundan ng tingin ni Claudine ang binata.

“Hindi ako mag-iingay Blue. Ayaw ko ng iskandalo habang nandito ako sa pamamahay mo. Pero ito lang masasabi ko sa ‘yo..TUPARIN MO ANG PINAG-USAPAN NG MAGULANG NATIN KUNG AYAW MONG MAGING KALBARYO ANG BUHAY NI RED.”

------------------------------------------------

Pagkatapos nilang kumain nasa sala sina Blue, Claudine at ang ina ni Blue, naisipan ni Claudine ang mag-OUT OF TOWN.

“Blue, namimiss ko si Gray. Gusto ko s’yang makita. Pwede ba tayong pumunta tayo sa Pearl Farm n’yo?”

“Oo nga naman Blue. Dalawin natin si Gray.” Dagdag ng ina ni Blue.

“Ma, medyo busy ako ngayon.”

“Blue, minsan lang naman akong magrequest. Please?” Sabay simangot ng mukha ni Claudine.

Biglang pumasok si Red at hinatiran nito ng prutas ang tatlo.

Narinig ni Red ang sinabi ni Claudine. Nagkatinginan sila ni Blue. Nahuli naman ni Imelda ang mga titigan ng dalawa. Agad binaling nito ang tingin kay Claudine.

“Dont’ worry, Claudine..papayag si Blue na samahan tayo.” Sabay tingin ng ina ni Blue kay Red.

“Ma, I can not assure you. As I said I’m busy.”

“That’s enough. Hindi naman malulugi ang negosyo natin kung wala ka doon. Nandoon naman ang Assistant mo. Maliban na lang kung may INAALALA KA?”

Biglang umiba ang timpla ng mukha ni Blue.

“Fine. We’ll leave tomorrow afternoon.” Napilitan si Blue.

Narinig ni Red ang naging desisyon ng binata. Mabuti narin upang hindi sila mahalata. Ramdam ni Red ang mga titig ng ina ni Blue na naghihinala na ito sa kanila.

Biglang may kumatok sa pinto.

TOK TOK TOK

Binuksan ni Red ang pinto..dumating si Gaston.

“Gaston..mabuti at dumating ka..Aalis kami bukas.” -Claudine

“Bakit saan ba kayo pupunta?”

“We’re going to visit Gray.” Sabi ng ina ni Blue.

“Good.” Sabay ngiti ni Gaston  habang nakatingin ang kanyang mga mata kay Red. Tiim bagang nalamang si Blue. Alam n’yang gusto ni Gaston ang sinabi ni Claudine.

“Matatagalan ba kayo doon? Okay lang sa akin na titignan ko ang bahay ninyo habang wala kayo.”

“No. Uuwi rin kami agad. Walang dahilan para tumagal kami doon.” -Blue

“I want to stay there for a week.” Sabi ni Imelda.

“What a brilliant idea! Mag-i-enjoy kayo ni Claudine doon. Preskong hangin, sariwang prutas at gulay..at madami kayong mapapasyalan doon. You can enjoy the nature.”

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon