Chap. 30

4.6K 137 0
                                    

Chap. 30

  

Matapos mabasa ni Blue ang mensahe minadali n’yang pinatay ang laptop. Hindi pa man s’ya nakalabas ng silid narinig n’ya ang ingay sa ibaba. Narinig n’ya ang boses ng kanyang mga magulang.

Mabilis kumilos si Blue at dali daling lumabas. Bumaba s’ya ng hagdanan. Papanhik din ng hagdanan ang kanyang ama’t ina. Kapwa silang lahat napahinto. Napatitig ang mag-asawa sa kanilang anak.

“Blue..why are you here?” Tanong ng ama nito.

Hindi sumagot si Blue. Ibinaling ang titig sa ina. Napansin ng ina ang namamasang mata ng anak.

“Anak..anong nangyari?” Tanong ni Imelda. Akmang hahawakan sana nito ang pisngi ng anak ;ngunit pinigilan ng kamay ni Blue.

“ Bakit mo ginawa sa akin ‘yon Mama?” Matapang na titig nakita ni Imelda sa kanyang anak. Hindi agad naunawaan ni Imelda sinabi ng anak. Mabuti nalang at patuloy ng pumanhik ang ama ni Blue sa hagdan.

“Anong pinagsasabi mo?” Nagsisimulang mangunot ang noo ng ni Imelda.

“That you ruined my life. Mama, hindi ko akalain na magagawa mo sa akin ito. Sarili kong ina ang sumira ng buhay ko.”

PAK

“Anong nangyayari sa ‘yo?!” Singhal ni Imelda.

“Ikaw dapat ang tanungin ko..BAKIT MO GINAWA SA AKIN ITO? NAGING MABUTING ANAK AKO. MAMA, RED IS MY HAPPINESS.”

Biglang may sumagi sa isipan ni Imelda. Napatakip s’ya ng kanyang bibig..

“I found it. Why?” Lalong hindi nakapagsalita si Imelda.

“Ma, buntis si Red..Maraming katanungan ang bumabagabag sa akin ngayon...HINDI KO ALAM KUNG PATI SI GASTON AY KANKONTSABA NINYO. Pinagtutulungan n’yo kami!”

Narinig ng ama ni Blue ang malakas ng bulyaw ng anak. Kaya muli itong bumaba.

“Blue!” Sigaw ng ama.

Lumingon si Blue at tinitigan ang ama. Walang sabi sabing umalis agad.

Hinabol ni Imelda ang anak habang tinatawag ang pangalan. Subalit hindi na nilingon ni Blue. Mabilis itong sumakay sa kanyang sasakyan at lumayo.

Habang nagmamaneho si Blue naisipang tumawag kay Gray.

THE LINE IS BUSY..TOOOT TOOOT TOOOT

Nakailang beses tumawag si Blue ngunit hindi nakakapasok sa linya.

Tumawag s’ya sa opisina..saka lamang n’ya naalala GABI SA PILIPINAS ANG MGA SANDALING ‘YON.

“Damn!” Napamura si Blue.

Samantala, dumating si Red sa bahay nina Gaston. Naikwento ni Chai kay Red na isasama sila nina Gaston sa Australia. Tuwa ang makikita sa mga mata ni Chai.

“Gaston, gaano kayo katagal sa Australia?” Tanong ni Red kay Gaston habang kalong ang anak.

“Mmmmm..mga isang buwan lang.”

“Ano? Ang tagal naman.”

“Babalik din naman kami.” Ang sabi ni Gaston.

Nag-aalangan man si Red ngunit nakikita n’yang nai-excite si Chai sa pupuntahan. Kaya ayaw n’ya na maging kontrabida pa ang dating n’ya. Naging panatag naman ang loob ni Red dahil kasama ng anak nito si Chai.

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon